~•~SYLVANA's POV;
NATAPOS ANG pang-umagang klase, at heto kami ni Reese naglalakad papuntang Cafeteria.
"Urrrgghh!! Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na bumalik na si Fian." biglang sigaw ng kaibigan ko. Natatawa ko naman siyang nilingon.
"Hmmm, nakita ko siya sa Dean's office kanina. Kaya pala familiar, hindi ko matandaan kung sino siya." sagot ko naman. Saka tuluyang pumasok sa cafeteria.
"What?? So you already knew that he's back? Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" sigaw niya habang nakanguso.
"Dahil hindi nga ako sure, hindi ko din masyado nakita mukha niya dahil lumabas na siya agad."
"Kahit pa huhu."
"Psh, ano ba naman kasi makukuha mo sa pagpapantasya sa kanila?" tanong ko sa kanya. Umupo kami sa table na lagi naming pwesto.
Tumitig siya sa'kin na para bang may nasabi akong hindi maganda. "Myghad Sylvana, don't tell me you're not interested about them?" maarteng tanong niya sa'kin.
Napalingon ako sa Entrance nang magsigawan na naman ang mga estudyante sa loob ng cafeteria, nagkagulo rin sa labas kakasunod sa mga lalaki.
Napapailing na lang ako, hindi ko kasi masikmura na sumigaw sa harap ng lalaki dahil sa paghanga. Natutuwa naman ako kay Reese, kahit kasi humahanga siya sa mga ito ay hindi naman siya kagaya ng mga babae dito na akala mo sinilaban sa pwet tuwing nasa malapit ang crush nila.
"Lakas talaga ng karisma hahaha, ang dami kong karibal ohh." natatawang ani Reese habang nakatingin din sa grupo nina Fian at Zach na pumasok ng cafeteria.
Napatayo ako sa gulat, hindi dahil sa kanila kundi dahil nakita ko ang kakilala kong tao.
"Uy! Akala ko ba, you're not interested to them? Eh bakit napapatayo ka pa jan?" rinig kong pang-aasar ni Reese. Hindi ko siya pinansin at naglakad na papunta sa table kung nasa'n si Krixi, ang dati kong kaklase.
Bestfriend siya ni Zeph, at sigurado akong may alam siya kung nasaan ngayon ang kapatid ko.
Natigilan siya sa pagtawa nang makita niya akong palapit sa kanya, umiwas pa siya ng tingin at umaastang hindi ako nakita.
"Krixi? Is that really you?" tanong ko sa kanya hindi makapaniwala. Nagpilit naman siya ng ngiti nang lingunin niya ako.
"Hi Syl," ngiting bati niya.
"Paanong nangyari na andito ka?" natutuwang tanong ko.
Agad na nagsalubong ang kilay niya at takang tumingin sa'kin. "Bakit? Hindi ba ako pwede dito?" kunot-noong tanong niya.
"Hindi naman sa gano'n, kasi ang pagkaka alam ko ay sa Brimstone ka nag-aaral di ba?" nakangiting tugon ko.
"I can study in any school I want." she said sarcastically.
Para akong napahiya dahil sa sinabi niya, hindi ko maintindihan kung bakit parang galit siya sa'kin o ano.
"Don't get me wrong. What I mean is, I'm so glad to see you here." nakangiti ko pa ring sabi.
Ngumiti naman siya sa'kin pero ramdam kong pilit lang 'yon. "Yeah, same here." aniya saka tumayo at pumunta sa counter para umorder.
Napapahiya akong bumalik sa table namin, nagtataka naman akong tiningnan ni Reese.
"Who is she?" takang tanong niya habang sinusundan ng tingin si Krixi na kasalukuyang naka pila para umorder.
"Old classmate," sagot ko na lang.
BINABASA MO ANG
THE CHILD OF THE BLOOD MOON
خيال (فانتازيا)Ang Aethelgard ay isang mundo kung saan naninirahan ang iba't-ibang uri ng mga nilalang at elemento. Isang mundo ng mahika at ng mga lobo. Isang magiting na hari ang namumuno sa buong Aethelgard, ang mapagmahal at matapang na hari na si Haring Pucin...