~•~
KRIXI'S POV;
SABAY KAMING NAGLALAKAD ni Zephy papuntang GO, na naman.
'Bweset! Mukhang malas kaming dalawa ngayong araw na 'to.'
"Hoy, Zeph." tawag ko sa kanya dahil naiiwan niya ako.
"Hmm?"
"Paano mo nakilala yung Cypher na 'yon?" takang tanong ko.
Di ako makapaniwala, yung lalaking mayabang kanina sa may garden ay kakilala ni Zephy. Paano nangyari 'yon? May na skipan ba akong happenings sa life ng pinakamabait kong kaibigan?
"Bakit?" tanong niya na parang hindi big deal sa'kin yun.
"Eh kasi, wala akong matandaan na may kaibigan ka dito sa HU, wala rin akong matandaan na may kaibigan kang lalaki bukod sa apat na kwatog na sina Kevin." sabi ko.
"Wala rin naman akong na kwento sayo, paano mo malalaman?"
"Ano?"
"Tss, bakit mo ba natanong? Type mo ba si Cypher?" walang hiyang tanong niya sa'kin.
"Anuba! Bilaukan ka nga jan sa sinasabi mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Napakadefensive mo naman, tsk tsk."
"Anong defensive ka jan, sagutin mo na lang kasi tanong ko."
Kung saan-saan na siya nakakarating, eh kung sinagot niya na kaagad ang tanong ko di ba?
"Pinakilala lang din sa'kin si Cypher ng dati kong kakilala, isang araw ko lang din siyang nakita kaya di kami ganon ka close." sagot niya.
"Talaga? Eh bakit parang close na close kayo, at ano yung lugaw? Teka! Sinong kakilala mo?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Ang dami mong tanong."
"Dali na, sagutin mo lahat. Nag effort ako na tanungin ka, dapat mong sagutin lahat yun."
"Manahimik ka nga, ang ingay mo!" saway niya sa'kin saka mas binilisan ang paglalakad.
***
GUIDANCE OFFICENang makarating kami sa guidance office ay nando'n na rin yung bruhang Malija, pati na rin si Pres Isadora. Mas lalo akong nagulat nang makitang nakaupo si Dean sa trono ni Ma'am Charity, habang nakatayo naman si Ma'am sa gilid niya.
"Ano ang nangyari Miss Smith?" tanong ni Dean kay Pres Issa.
'Kung ganon, Smith ang surname niya.
Yayamanin.'"I don't know what exactly happened, Dean. But I caught them fighting and shouting in the cafeteria." sagot ni Pres Issa.
Hindi niya pala alam ang nangyari pero kanina ang bilis niya kaming sabihan na pumunta rito, kung hindi lang humarang yung gwapong lalaki na Jaxon ang pangalan, malamang ay wala rito itong bruhang Malija.
"Who started this trouble?" tanong ni Dean, tiningnan niya kaming tatlo isa-isa at saka huminto kay Malija. "Miss Madrid, I thought we had already an agreement that you would not be involved in trouble at school anymore? Why are you here in front of me now?" masungit na tanong ni Dean kay bruhang Malija.
"D-dean." usal niya.
"Magkwento ka kung ano ang nangyari, baka maisipan kong itawag ito sa parents mo." utos ni Dean.
Napayuko agad si Bruha at mukhang hindi alam kung magkukwento o ano.
"Malija, if you're not the who started this trouble, don't be afraid to tell us what really happened." si Pres.
BINABASA MO ANG
THE CHILD OF THE BLOOD MOON
FantasyAng Aethelgard ay isang mundo kung saan naninirahan ang iba't-ibang uri ng mga nilalang at elemento. Isang mundo ng mahika at ng mga lobo. Isang magiting na hari ang namumuno sa buong Aethelgard, ang mapagmahal at matapang na hari na si Haring Pucin...