SYLVANA'S POV;
NAPAHINTO AKO sa pagbabasa, nang marinig ko na naman ang sigawan na nagmumula sa sala. Agad kong binaba ang hawak kong libro, at saka lumabas ng kwarto ko. Sumilip ako mula sa taas at nakitang sinisermunan na naman ni mama ang kakambal kong si Zephyrine.
Dahan-dahan akong bumaba nang di nila napapansin. Si Zephyrine ay nakaupo sa mahabang sofa, habang si Mama naman ay nakatayo sa harap niya at patuloy siyang sinisermunan, si papa naman ay nasa may pintuan at walang reaction na nakatingin sa kanila.
"Kailan ka ba titigil jan sa gawain mong 'yan? Uwi pa ba ng matinong estudyante ang ganitong oras?" Sigaw ni Mama kay Zephyrine na ngayon ay nakatungo lang.
Tiningnan ko ang relo ko to check the time, at 9:45 na ng gabi. Di na ako magtataka kung bakit galit si Mama. 5 pm ang uwian ng highschool kaya naman nakakapagtaka nga na ngayon lang siya nakauwi.
"Puro nalang kahihiyan at problema ang dinadala mo sa bahay na 'to! Nakakapagod kang intindihin!" Muling sigaw ni Mama. This time napaangat na ng tingin si Zephyrine, at pekeng ngumiti.
"Ha.. kapag ako ang uuwi ng ganitong oras, ay galit na galit kayo? Pero kapag ang paborito nyong anak ay todo kayo kung mag-alala?" Zephyrine said, her voice full of sarcasm. Tumayo siya, at nakipagtitigan kay mama.
Dahil sa ginawa niya ay mas lalong nagalit si mama, pati ako kinakabahan para sa kanya.
"Dahil alam namin kung saan siya hahanapin kapag ginagabi siya, eh ikaw? Kung hindi sa kanto nakipagbasag-ulo sa mga tambay, ay sa Police station ka namin nadadatnan," galit na sigaw ni mama.
Napatungo ako dahil nararamdaman ko na naman na magkakalabasan na naman sila ng sama ng loob.
"Hindi niyo kasi muna tinatanong kung saan ako galing, o kung ano ang nangyari," medyo mahinahon na sabi ni Zephyrine, nararamdaman kong pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili.
"Aba't talagang sumasagot ka pa? Wala ka na talagang respeto sa akin!"
Zephyrine chuckled sarcastically, and shook her head. "Kapag nananahimik ako, nagagalit kayo. Tapos kapag nasagot galit pa rin kayo? Saan ba ako lulugar Ma? Lahat ng kilos o galaw ko ay mali sa mata niyo--" natigilan si Zephyrine nang isang malakas na sampal ang tumama sa mukha niya. Sa gulat ko ay napalakad ako malapit kay mama.
"Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin yan," sigaw ni Mama.
Nag-angat ng tingin si Zephyrine, at ngumiti ng peke. "Bakit? Totoo naman ah, hindi ko alam kung saan ako lulugar sa bahay na 'to! Araw-araw nagdadasal ako bago uuwi na sana ay maayos ang mood niyo, para naman hindi niyo mabaling sa akin ang init ng ulo niyo. Araw-araw akong natatakot na umuwi rito sa bahay, dahil baka may mali na naman kayong maisumbat sa'kin," tumigil siya sa pagsasalita saka bumuntong-hininga. Ngumiti pa siya na parang sa paraan na 'to mapipigilan ang pagtulo ng luha niya.
'Stop it, lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon.'
"Nang dahil sa isang pagkakamali ko noon ay puro mali ko na lang ang nakikita niyo ngayon-" muli siyang napatigil sa pagsasalita, nang panibagong sampal na naman ang dumapo sa mukha niya. This time ay mabilis akong lumapit kay Papa upang pigilan siya.
Nakita ko ang dahan-dahan na pag-angat ng tingin ni Zephyrine kay papa na ngayon ay nasa harapan niya na.
"Ang kapal ng mukha mong sagot-sagutin ng ganyan ang Mama mo!" Sigaw ni Papa sa kanya.
Kita ko ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ni Zephyrine. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga mata niya, saka nakangiting tumingin kay papa.
"P-Pati ikaw Pa? I-Ikaw na akala ko magtatanggol sa akin, ikaw na akala ko naiintindihan ako, ay nagawa akong pagbuhatan ng kamay?" nanginginig ang boses niya nang sabihin niya ang mga katagang iyon.
BINABASA MO ANG
THE CHILD OF THE BLOOD MOON
FantasiaAng Aethelgard ay isang mundo kung saan naninirahan ang iba't-ibang uri ng mga nilalang at elemento. Isang mundo ng mahika at ng mga lobo. Isang magiting na hari ang namumuno sa buong Aethelgard, ang mapagmahal at matapang na hari na si Haring Pucin...