CHAPTER 3- CONDO

155 34 74
                                    

~•~

ZEPHYRINE's POV;

NAGISING AKO dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Kunot-noo kong nilibot ng tingin ang paligid ko, at napabalikwas ng bangon nang hindi ko mapamilyaran ang buong silid. Tatayo na sana ako nang bigla akong mahilo.

'Nasa impyerno na ba ako?'

Hindi familiar sa akin ang kwarto na 'to. Puro itim lang ang makikita mo sa paligid, kung sa hospital man ako ay puro puti ang nasa kwarto non, kaso puro itim to eh, tapos mukhang mamahalin pa ang mga gamit.

Halos mapasigaw ako nang mapansin ko ang suot ko, hindi ito yung suot ko kagabi. Pinakiramdaman ko ang ibabang parte ng katawan ko pero wala namang masakit.

Maya-maya lang ay nakarinig ako ng nag-uusap mula sa labas ng kwarto. Kunot noo kong tiningnan ang pinto na akala mo makikita ko ang nasa labas non. Nang pihitin ito pabukas ay agad akong dumampot ng unan, kaya naman pagpasok na pagpasok ni Jaxon ay agad ko itong binato sa kanya. Agad siyang tumakbo papunta sa akin upang pigilan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Walang'ya kaaaa! Nasa'n tayo? Ikaw...may ginawa kang kalokohan?" Sigaw ko sa kanya, at mabilis kong inipit sa braso ko ang leeg niya.

Namimilipit siya sa sakit pero mas hinigpitan ko pa lalo. Napatigil lang ako nang mapansin ko ang isang diko kilalang lalaki na tawa ng tawa habang nakatingin sa amin. Sinamaan ko rin siya ng tingin kaya nagkunwari siyang may binubugaw sa hangin.

"Ayaw mo bang magsalita o tatamaan ka sa'kin?" banta ko kay Jaxon.

Nilakihan niya ako ng mata, at inambaan pa ako  ng sapak "Haytssss! Papatayin mo ba ako?" sigaw niya sa akin habang inaayos ang sarili.

"Aba't talagang-" sigaw ko na naman sa kanya at inambaan siya ng suntok. Napailag naman siya agad.

"Let me explain first, okay?" may halong inis na tanong niya. Ngumuso naman ako, at sinamaan siya ng tingin.

'Ayusin mo paliwanag mo baka ikaw gawin kong sinigang mamaya, nagugutom na ako.'

"Nahimatay ka kagabi habang nauulanan sa labas ng bahay niyo. Wala naman akong ibang choice kundi ang isama ka rito, mas malapit 'tong condo ni Cypher kesa bahay namin." panimula niya. Napatingin naman ako sa paligid, at sa kasama niyang lalaki na ngayon ay ang laki ng ngiti sa akin.

"Wala ka bang natatandaan sa nangyari sa inyo kagabi Miss?" nag-aalangan na tanong naman nung lalaking diko kilala.

'Bakit may nangyari ba kagabi?'

Pinilit kong balikan ang nangyari sa amin kagabi pagkatapos namin tumambay sa madilim na kalsada na 'yon.

***

~FLASHBACK...

Sobrang lakas na ng ulan nang makarating kami sa bahay. Basang-basa kami ni Jaxon. Bumaba agad ako ng motor niya, at nagpasalamat sa kanya.

Pumasok na ako ng gate, at agad na kumatok sa pinto ng bahay. Basang-basa na talaga ako. Pero nakailang beses na akong kumatok, at ilang minuto na rin akong naghihintay na pagbuksan ay walang nagbubukas ng pinto.

"Is everything okay?" biglang sulpot ni Jaxon.

"Oo naman, teka bakit hindi ka pa umaalis?" takang tanong ko sa kanya. Akala ko kasi umalis na siya no'ng makababa ako.

"Grabe, ganyan ka ba talaga ka sama? Nag-aalala ako sayo tapos pinagtatabuyan mo na agad ako." kunwaring nagtatampong aniya.

"Tss, mas lalo ka tuloy nabasa." kunot-noo kong sabi, habang pinasadahan siya ng tingin.

THE CHILD OF THE BLOOD MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon