CHAPTER 7 - THE HEARTTHROB

106 26 47
                                    


~•~

SYLVANA's  POV;

         NAGISING AKO dahil sa ingay ng alarm clock ko, pinatay ko muna ito saka bumangon, at dumiretso na agad sa bathroom.

First day of School ngayon, kailangan kong agahan ang pagpasok ko dahil may aasikasuhin pa akong mga papers about sa scholarship ko.

Bumaba agad ako pagkatapos kong gawin ang morning routine ko. Nadatnan ko si tita Kia sa sala nanonood ng kung anong anime, palabas 'yon sa TV channel tuwing umaga.

Dumiretso ako sa kitchen para mag-agahan, naabutan kong naghahanda si Mama at agad ko ring napansin ang suot niya.

"Good morning po, Ma. May lakad ka po?" bati ko kay mama bago umupo sa dining chair.

"Mag grocery ako, nak. Napaaga ka yata?"

"May aasikasuhin lang po ako sa dean's office."

Hindi na niya ako sinagot at nilagyan na lang ako ng kung ano-ano sa plato ko.

Once a week lang si Mama nag go-grocery, kaya sobrang aga niya kung umalis para daw hindi masyado mahaba ang pila.

Pagkatapos kong mag breakfast ay dumiretso na agad ako sa kotse kung saan naka park na sa labas ng bahay. Nakita ko rin si papa na naka tambay sa may garden at parang busy sa laptop niya.

Laging busy si Papa sa company namin, sa kanya kasi iniwan ni lolo ang company at ibang business nila. While tita Kia naman ay isang successful make up artist, dalaga kaya walang ibang ginagastusan kundi ang sarili.

"Ahh kuya Jeff, pwede po bang dumaan muna tayo saglit sa Brimstone High?" maya-maya'y biglang tanong ko.

"Oo naman po, ano po gagawin natin do'n?"

"May titingnan lang po ako saglit."

"Okay po."

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko't naisipan kong dumaan muna dito sa dating school ni Zephyrine, nagbabakasakaling makita siya dito.

Ilang minuto na kaming nakatambay lang sa loob ng kotse habang nakatingin sa mga estudyanteng pumapasok sa Brimstone high. Pero wala akong makitang kahit anong bakas ng kakambal ko.

"Hindi pa po ba tayo aalis, Miss Syl? Baka po ma-late," biglang ani kuya Jeff. Napatingin naman ako sa kanya at nasalubong ang mata niya mula sa rear view mirror.

"Yeah, let's go kuya." sagot ko na lang at pina andar naman ni kuya Jeff ang sasakyan paalis.

Pagkapark ng kotse sa parking lot ay sinabi ko kay kuya Jeff na balikan na lang niya ako mamayang hapon, minsan kasi ay nag-aantay talaga si kuya Jeff sa loob ng sasakyan hanggang uwian. Nakokonsensya ako kapag ginagawa niya 'yon.

Naglalakad ako papuntang dean's office, nang makasalubong ko ang dati kong kaklase na si Cianne.

"Good morning, Syl, mukhang lalo kang gumanda ah." biro niya sa'kin.

"Ikaw naman hindi nagbago, boliro ka pa rin." natatawang sabi ko naman.

Natawa din naman siya. "Kumusta ang bakasyon?" tanong niya. Sabay na kaming naglalakad ngayon sa field.

"Okay lang naman, ikaw ba?"

"Okay lang din, solid ang bakasyon sa baguio."

"Iba talaga pag bigtime," biro ko sa kanya habang napapailing.

"Aysus! Ikaw nga balita ko sa Canada ka nag bakasyon. 'Yan ba ang hindi bigtime?" aniya habang nakangiti.

"Hindi naman bakasyon ang reason bakit kami nag stay sa Canada in two months." ani ko, nagpilit ng ngiti baka mapansin niyang naiilang akong sabihin 'yon.

THE CHILD OF THE BLOOD MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon