~•~SOMEONE'S POV
"Tayo na." utos ko sa aking tauhan nang makitang wala ng malay ang lima.
Tinanggal ko ang mga kasuotan ko at saka lumingon sa likod kung saan naroon ang limang ordinaryong tao.
"Naaamoy ko ang malakas na lason mula sa palaso, senyor." rinig kong anang tauhan ko.
"Bilisan mo ang pagmamaneho, baka hindi na tayo umabot at ikamatay niya." ani ko at napabuntong-hininga habang pinagmamasdan ang kalagayan ng lalaking tinamaan ng palaso na may lason.
Ang palaso na iyon ay nagmula sa aming mundo, hindi ko batid kung bakit narito ang mga kauri ko.
Nang makarating kami sa aming tinutuluyan dito sa mundo ng mga tao ay nagpatawag ako ng iba pang tauhan, upang magbuhat sa mga ordinaryong tao.
Palagi akong nasa masikip na daan na iyon, sapagkat madalas kong namamataan doon ang grupo ng mga lalaking iyon.
"Dalhin niyo sila sa silid pagamutan," utos ko sa mga tauhan ko.
Agad akong nagtungo sa silid tanggapan, o tamang sabihin na opisina ng mahal na Prinsipe.
Kumatok muna ako sa silid pintuan bago tuluyang pumasok.
"Ano ang balita?" agad na tanong ng mahal na Prinsipe.
"May taong tinamaan ng palasong may lason, kamahalan. Sa tingin ko ay inabangan talaga ang mga taong iyon upang paslangin." ani ko.
Agad siyang nagulat at napatayo mula sa pagkakaupo niya.
"Sino ang mga taong ito?" kabado at nag-aalalang tanong ng kamahalan.
"Huwag po kayong mag-aalala, ligtas po ang kapatid ninyo." nakangiting tugon ko at saka tumungo. "Mga ordinaryong tao lamang ang ating mga panauhin." dagdag ko pa.
Nakita kong nakahinga siya ng maluwag nang sabihin ko iyon.
Batid kong sobrang pinapahalagahan ng kamahalan ang kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid, na matagal na rin naming sinusubaybayan.
"Siguraduhin mong ligtas ang mga taong iyon, hindi natin batid ang dahilan kung bakit sila gustong patayin ng grupo ni Prinsipe Luminous."
Nagulat ako sa sinabi ng mahal na Prinsipe.
"Kung ganoon, ang mahal na Prinsipe Luminous ang pinuno ng grupo na iyon?" gulat na tanong ko.
Tumango ang kamahaln at saka bumuntong-hininga.
"Tama ka, mukhang matagal na siyang naninirahan dito kagaya natin. Sanay na sanay na siya sa pamumuhay sa mundong ito."
"Ngunit ano sa tingin ninyo ang dahilan ng pagparito niya?"
"Malamang ay mayroon siyang nalalaman tungkol sa aking kapatid, kaya kung maaari ay bantayan mo ng maigi ang aking kapatid."
"Masusunod, kamahalan." tugon ko, at muling tumungo.
Si Prinsipe Luminous ay ang pinsan ng mahal na Prinsipe, anak siya ng kapatid ni Haring Arcturus na si Haring Acacius.
Si Haring Acacius ay ang panganay na anak ni Haring Pucini at Reyna Lunara. Nang magtayo ng apat na kaharian sa mundo namin ay ang apat na anak ni haring Pucini ang namamahala nito, ngunit sa hindi malamang dahilan ay nagtraydor si Haring Acacius sa lahat ng kaharian. Lalong-lalo na sa kanilang Ama na si haring Pucini. Pumanaw si Reyna Lunara, at ang hinala ni Haring Arcturus ay pinaslang ito, hindi lamang matukoy kung sino.
BINABASA MO ANG
THE CHILD OF THE BLOOD MOON
FantasyAng Aethelgard ay isang mundo kung saan naninirahan ang iba't-ibang uri ng mga nilalang at elemento. Isang mundo ng mahika at ng mga lobo. Isang magiting na hari ang namumuno sa buong Aethelgard, ang mapagmahal at matapang na hari na si Haring Pucin...