CHAPTER 17

72 16 16
                                    

~•~

KRIXI'S POV;

          SOBRANG bagal kumilos ni Zephy na akala mo hindi kami nagmamadali sa pagpasok.

Pagdating namin sa may highway ay nandoon na rin ang apat na kwatog, naghihintay sa amin, agad kaming pumara ng Jeep at saka sumakay. Napansin ko ang mga pasahero na titig na titig sa'min ni Zephy, yung iba nagbubulungan pa.

"Bakit sila nag Jeep kung sa HU sila nag-aaral?" rinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya.

Napapailing na lang ako, grabe! Hindi na ba pwedeng mag-jeep kapag estudyante ng HU?

Nakapikit lang si Zephy habang naka-earphone.

Naunang bumaba ang apat na kwatog dahil mas nauuna ang brimstone high bago ang HU. Kumaway sila sa'min bago tumalikod.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa may HU, naglalakad kami papuntang gate nang biglang may humarang sa amin na mga kalalakihan. Huminto si Zephy saka walang buhay na tiningnan sila, ako naman tumayo sa may gilid niya at nagtataka ring nakatingin sa mga lalaki.

"Anong kailangan niyo?" ako ang nagtanong.

Ngumisi ang isang lalaki saka binato sa amin ang yosi niya, buti at nakailag kami kundi tatama sa uniform namin yun.

"Problema mo? Papansin ka?" inis kong tanong sa lalaking nagbato ng upos ng yosi.

"Hahaha ang tapang mo naman miss." natatawang anang isang lalaki na kasama niya.

"Ano ba ang kailangan niyo sa amin? Bigla-bigla kayong humaharang jan."

"Hindi ka kasali, alis na." anang lalaking nagbato ng yosi.

Lalong kumunot ang noo ko, tumingin ako kay Zephy na ngayon ay mukhang nauubos na agad ang pasensya.

"Tara na," sabi ko saka hinila si Zephy.

Pero hindi pa man kami nakalagpas sa mga lalaki ay umasta na silang sugurin kami. Agad akong hinila ni Zephy papunta sa likuran niya at walang ano-ano'y sinipa yung lalaking naghagis ng yosi, muntik ng matumba, nang makabawi siya ay sabay-sabay silang sumugod sa amin.

'Yawa! Unsa naman pud ni oy!!!'

Akala ko hindi na matitigil ang suntukan ng walang mamamatay isa sa amin, pero nagdatingan ang mga guard at ibang estudyante na hindi rin familiar sa'kin.

Sa isang iglap lang nawala na agad yung mga lalaki.

"Anong kaguluhan ito?" tanong ng isang guard.

"You two, come with me." biglang sulpot ng isang babae.

Umalis yung babae, naiwan kami ni Zephy at ng mga guard. Nawala na rin yung ibang estudyante.

"Sige na po ma'am, sumunod na po kayo kay Ma'am Isadora." anang isang guard.

Magsasalita na sana uli ako pero natigilan din nang maglakad si Zephy papasok ng school.

Nakanguso rin akong sumunod sa kanya.

'Psh! Aga-aga, guidance agad?'

Pagdating namin sa GO ay nando'n na ang babae kanina, may kasama siyang babae rin na sa tingin ko ay guidance counselor.

"Maupo kayo," anang babae uli.

Napatingin ako sa table na nasa harap namin.

'Mrs. Charity M. Paras. Guidance Counselor."

Basa ko sa name na nasa may table.

"Good morning ladies, pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari?" nakangiting tanong ng isang babae, na sa tingin ko ay siya yung Mrs. Charity.

THE CHILD OF THE BLOOD MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon