~•~
KRIXI'S POV;
SALUBONG ANG KILAY ko habang nagmamadaling bumaba nang magbreaktime sa hapon.Hindi ko alam kung nasaan si Zephyrine, nagkagulo lang sa cafeteria ay hindi ko na siya makita. Hindi rin siya pumasok.
Pagkarating ko sa cafeteria ay agad kong nilibot ang paningin ko, pero wala talagang Zephyrine De La Fontaine, ibang De La Fontaine lang ang nakita ko, nakatingin sa'kin na parang nagtatanong kung sino ang hinahanap ko, inirapan ko lang si Syl at saka ako lumabas ng cafeteria.
Pero kamalasmalasan nga naman at may bobo akong nakabanggaan.
"Ikaw na naman?" inis na sigaw ko kay Cypher.
"And it's you again!" Sigaw niya rin sa'kin.
"Letche!!" Sigaw ko uli sa kanya at saka tumalikod na.
Pero hindi pa man ako nakakalayo ay may pumigil na sa'kin.
Inis kong tiningnan ang walang hiyang naglakas loob na hawakan ang braso ko. Pero agad ding binawi dahil hindi pala yung mayabang na Cypher ang pumigil sa'kin.
"Ahh, excuse me, but where is Zephy?" nakangiting tanong nung Jaxon yata name nito.
"Bakit mo tinatanong?" takang tanong ko.
'Close ba sila ni Zephy?'
"Nothing, I'm just asking. Hindi mo kasi siya kasama," nakangiting sagot naman niya.
'Jusko day! Bakit ngingiti ng ganyan ka gwapo?'
"Hindi siya pumasok eh." sagot ko.
"Ha? Paanong hindi?" singit nung mayabang na Cypher.
"Absent."
"Alam ko. what I mean is, bakit hindi siya pumasok?" pagsusungit pa niya.
"Edi sana diniretso mo ako ng tanong ng ganyan." inis na sabi ko sa kanya.
'Bobo!'
"Saan siya pumunta miss?" si Jaxon uli, sa kanya naman ako tumingin ngayon.
'Ano bang pakialam ng mga 'to sa kaibigan ko?'
"Hindi ko alam." sagot ko na lang, totoo naman talaga na hindi ko alam. Kaya nga hinahanap ko di ba?
"Na-text mo na ba siya?" epal na naman ni Cypher.
"Hellooo Cypher, malamang. Hindi naman ako kasing bobo mo." inis na sagot ko.
Nakita kong natigilan siya.
'Oppss! Nadulas hehe.'
"Anong sabi mo?" kunot-noong tanong niya.
"Pwede ba? Nagmamadali ako, sayang oras ko sa inyo!" Sigaw ko sa kanila at saka tumakbo na paalis.
'Hehe kinabahan ako dun. Bakit ko ba nasabi yun? Gaga ka Krixi.'
Ilang minuto na lang at matatapos na ang breaktime, bagsak ang balikat kong naglakad pabalik sa classroom namin.
'Nasan ka ba, Zephyrine?'
Nagturo lang ang mga lecturer pero kahit isa sa kanila ay wala akong pinakinggan. Ending, nganga akong lumabas ng Classroom dahil wala akong naintindihan sa klase.
Nang makarating ako sa may gate ay nagulat ako dahil ando'n ang grupo ng basketball team, parang may inaantay sila.
Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad, pero natigilan din nang tawagin ako ni Jaxon.
BINABASA MO ANG
THE CHILD OF THE BLOOD MOON
FantasyAng Aethelgard ay isang mundo kung saan naninirahan ang iba't-ibang uri ng mga nilalang at elemento. Isang mundo ng mahika at ng mga lobo. Isang magiting na hari ang namumuno sa buong Aethelgard, ang mapagmahal at matapang na hari na si Haring Pucin...