Chapter 3

40 2 0
                                        



Sobrang sakit ng katawan ko at hirap akong igalaw ang mga ito, kumikirot din ang ulo ko kaya naman para na akong maiiyak. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o gising dahil nararamdaman ko ang malambot na kamang hinihigaan ko.

dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakakasilaw na sinag ng araw ang aking nakita mula sa bintana na nakahawi ang kurtina.

inusisa ko ang paligid at nalamang nasa bahay pala ako nila ross, doon ko lang naalala ang mga pangyayari kagabi kaya agad nanamang bumuhos ang luha mula sa aking mga mata.

napansin kong alas dyes na ng umaga kaya naman pinilit kong bumangon at maghanada na sa pagpasok kahit parang pinipilipit ang buong katawan ko sa tuwing ginagalaw ko ang mga ito. Napakaimportante ng araw na ito dahil ngayon ang final exam namin.

pagkatapos kong maligo at magbihis ay dahan-dahan akong bumaba dahil baka makita ako nila tito't tita pero bago pa ako makalabas ay napansin ako ni aling lucille, isa sa mga katulong nila ross. inaya ako ni aling lucille na mag-umagahan muna bago umalis na agad ko namang tinanggihan dahil mal-late na nga ako. napag-alaman kong wala rin pala sila tita sa bahay dahil nasa business trip sila.

matapos ang mahabang byahe nakarating na nga ako sa school. Heart Stone Academy, actually hindi ako fit sa school na ito dahil para lamang ito sa mga mayayaman na afford ang tuition pero dahil nga dito nag-aaral si ross at sinusuportahan ako ng pamilya nila kaya dito na rin ako pinag-aral.

alam niyo actually maayos ang pakikitungo sa'kin ng pamilya ni ross, siguro kahit sila nagtataka kung bakit nila ako sinusportahan ngunit dahil utos nga ito ni ross kaya naman ok lang sa kanila dahil ang alam din nila ay magkaibigan kami.

hindi ko minadali ang paglalakad ko dahil hindi pa naman ako ganon ka late 11:30am pa lang at 12pm pa magsisimula ang klase.

.........

hindi ako masyadong makapag-focus sa exam dahil nga kumikirot ang ulo ko at marami akong nararamdaman na masakit sa katawan ko.

maya-maya pa ay natapos na nga ang exam at hindi ako satisfied dahil alam kong hindi ko nabigay ang best ko sa pag-sagot

"finally!, tapos na rin ang exam, tara na at mag shot" narinig kong usapan ng mga lalaki sa likod.

habang naglalakad ako dito sa school corridor ay kumakalam na ang sikmura ko dahil hindi pa nga ako nakakakain simula pa kagabi.

"Chase!" nilingon ko kung sino man 'yung tumatawag sa'kin. si bianca lang pala, kaklase ko at siya ang madalas kong kausap sa room.

"pupunta ka ba sa cafeteria? sabay na tayo"

"sure!"

"nga pala, kamusta naman ang exam mo?" tanong niya.

"ok naman"

habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay kumirot ang ulo ko kaya naman agad akong tumigil at napahawak sa pader.

"ok ka lang ba? gusto mo pumunta muna tayo sa clinic" bakas sa mukha ni bianca ang pag-aalala.

"ok lang ako, kulang lang siguro ako sa tulog" sagot ko at ngumiti sakaniya para hindi na siya magalala pa.

"there's no need, ako na ang bahala sa kaniya" parang mas lalo akong nanghina nang marinig ko ang boses ni chase na hindi ko namalayan nasa likod na pala namin.

"am I right chase?" baling nito sa'kin sabay akbay sa balikat ko. hindi ako umimik at nanatiling tahimik lang.

"so, we'll go first, see you around."

"wait-

hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ni bianca at hinila ako palayo. mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya alam kong mainit nanaman ang ulo nito.

dinala niya ako sa isang empty room at nilock ang pinto kaya naman agad akong kinabahan. nagulat ako nang tinulak niya ako at hinawakan nang mahigpit ang leeg ko.

"it's just last night that we're on the same bed and now you're already flirting with a girl?". at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ko.

"e ano naman sayo ngayon?, i'm not your property".

"do you think if she knows about our relationship would she still like you?". inilapit niya ang mukha niya sa'kin at nakangiting aso.

nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya at nainis hindi dahil sa natatakot ako na malaman na bianca dahil wala naman akong gusto sa kaniya kundi dahil pinagbibintangan ako ni ross ng kung ano-ano at pinapalabas na malandi akong tao kaya naman dahil sa galit ko ay nasampal ko siya nang malakas.


Unexpected Love (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon