08: Euphoric

79 1 0
                                    

I took a glance at Rouqil while drinking my berry mule. Masaya itong nakikipag-usap sa ibang customers. He used to always come up to us para makipagkwentuhan. But he never came back to Ruth and I again matapos niya kaming bigyan ng drinks.

"Huy," mahina akong siniko ni Ruth para kunin ang atensyon ko. "Inaway mo ba?" she mouthed and pointed to Rouqil gamit ang mata niya. Nagtataka ito kung bakit hindi kami pinapansin ni Rouqil.

"No," depensa ko agad. "Kailan mo ba kami last nakitang magkasama?" tinaasan ko ito ng kilay.

"Last week noong nagpinta tayo pero malay ko ba kung nagkikita kayo na wala ako," sagot nito sa akin, pilyo pa akong nitong nginitian.

"Siraulo, last week ko lang din siya nakita. Mula magbukas ang bar hindi niya na tayo pinapansin," sagot ko agad rito at agad na ibinaling ang atensyon sa hockey game sa tv na nasa harap ko.

Napalunok ako nang dumaan si Rouqil para puntahan ang mga customers na nasa kabilang dulo ng bar. Bakit niya nga ba ako hindi pinapansin? Dahil ba sa muntik na mangyari sa amin?

Nabalik ako sa realidad nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa purse ko. I ignored it because I know it's just dad or mom trying to contact me, at inubos ko na ang natitirang alak sa baso ko.

"Hey, Roux," I called Rouqil nang dumaan na naman siya sa harap namin para magpunta sa kabilang dulo ng bar.

He looked at me at peke akong nginitian as he hung his white towel on his shoulder. "Yeah? Can I get you something to drink?"

"Uh yeah," umayos ako ng upo to fix my posture. I trailed off, thinking of what I should get. "Can I get a Love Potion?"

He clenched his jaw and swallowed. "Sure, coming right up," mabilis nitong sagot at agad itong umalis para gumawa ng inumin. Nagkatinginan agad kami ni Ruth, hindi maintindihan kung anong problema ni Rouqil, at napakibit balikat nalamang ako.

I heaved a sigh in annoyance nang maramdaman ko ulit ang pagvibrate ng telepono ko. I fished it out of my purse, papatayin ko na sana pero napakunot agad ang noo ko dahil sa pagtataka nang makita ko ang pangalan ng pinsan kong si kuya Eugene. He is my cousin on my dad's side, anak ito ni tito Charm, at kapatid ni Eumika.

"Excuse me," I told Ruth at nagmamadaling umalis ng bar para sagutin ang tawag ni kuya Eugene. He barely calls me, laging message sa cousins group chat ang tanging way of communication namin. Kaya for sure, importante ito.

"Hello, kuya Yu? Everything okay?" nag aalala kong tanong nang sagutin ko ang tawag nito. I stood outside of the bar.

"Nardan, I need you to come home. Your kuya Adrian's going to need you."

"Wait? What? What's wrong with kuya Adrian?" bigla akong kinabahan.

"The word is tito Lucho is coming back next week and I think we all know why," rinig ko ang lungkot sa boses nito. Bigla kong naramdaman ang pag init ng mga mata ko. Kuya Eugene paused and I heard him exhaled. "Chanty's going to be there, too. This is going to be hard for Adrian."

Tito Lucho is my dad's cousin at ampon niya si Chanty. Everyone knew that she is adopted but our family and other people still didn't take it well when they heard that my brother and Chanty were in a relationship. Agad silang pinaglayo ni dad and tito Lucho took Chanty away and cut us off three years ago.

And tito Lucho has a cancer, at masakit man isipin but I know he's coming back to the Philippines para magpahinga na because he had always wanted to be buried beside his wife.

Sin CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon