13: Uncertainties

62 1 0
                                    

I was already grinning dahil sa saya bago ko pa buksan ang pinto nang makita ko si Roux sa peephole, karga karga pa nito ang pusa niyang si Mono.


"Mono!" I excitedly exclaimed at agad na kinuha si Mono mula kay Rouqil. "Hi, bubs! I missed you!" pinaulanan ko ito ng halik as he pressed his head on my face.


Napatingin ako kay Rouqil nang marinig kong tumikhim ito. He mischievously smiled at me, "ako ba hindi mo na miss?"


I couldn't help but laugh. "We're always together for ten consecutive days, Roux," inirapan ko ito. I turned my back on him para pumasok na sa unit ko.



"Ah napapagod ka na ba sa akin? Ayaw mo na ba akong makita?" he dramatically said.


I rolled my eyes again habang kinikilig na nakangiti before turning around to face him. Sinara nito ang pinto ko. "I always want to see you," I sincerely said.


Tila unti unting pumunta ang lahat ng dugo ni Roux sa ulo niya dahil biglang namula ito. I laughed because of how cute he looked, he pressed his lips trying to suppress his smile.


"Kinikilig yung dad mo, bubs!" nakangising bulong ko kay Mono. I quickly turned around dahil ramdam kong mamumula din ako, pumasok ako sa kwarto ko.


"Hoy! Panindigan mo yung kilig ko!" sigaw pa ni Rouqil bago ko siya iwanan.


"Ayoko!" I said in between my laughter nang makapasok ako sa kwarto.


I laid Mono beside me so we can cuddle. He is such a cuddly cat kaya sumiksik agad ito sa dibdib ko. Rouqil immediately followed us, he leaned on the door frame while watching us, masaya pa itong nakatingin sa amin ni Mono.


"Wanna lay here?" I tapped the empty side beside Mono. I have a king size bed kaya kasya lima dito.


Nawala bigla ang ngiti sa labi ni Rouqil. I immediately knew what he was thinking. "Gago, wag kang mag alala walang mangyayari, hindi kaya kita type," I playfully rolled my eyes at him.


His jaw fell on the floor, he looked at me with disbelief and amusement. "Hindi ako threatened, hindi din kaya kita type!" depensa agad nito.



"So tatabi ka ba sa amin o hindi?" tinaasan ko ito ng kilay.



He heaved an obvious sigh and rolled his eyes at me. "Sige na nga, mapilit ka eh," umarte pa itong napipilitan habang naglalakad papalapit sa higaan ko.



I bursted out laughing at agad na binatukan siya nang makahiga ito sa tabi namin ng pusa niya. We laid on our sides, facing each other. Mas nagtawanan kaming dalawa dahil sa gulat nang biglang hinampas ni Mono ang kamay ko na ginamit ko para mambatok kay Roux. He even aggressively pushed it.


"You're such a good boy!" Roux immediately showered him with kisses and pets. "You love daddy more than mommy huh," dagdag pa nito, there was a hint of baby talk in his voice. Napasimangot nalamang ako. Tinignan ako nito para lang belatan.



"Mono, I am the better parent," naiinis kong sabi habang niyuyugyog ang tiyan ni Mono. Hindi ko maitatanggi na nag selos ako, ang cute kasi na pinagtanggol niya si Rouqil.


"You are better for me," biglang tugon ni Rouqil.


Ayan na naman ang puso ko, napatigil na naman sa pagtibok tapos biglang bibilis. May karera ba sa loob ng puso ko?!



"Ewan ko sayo," I playfully pushed his face away, ayaw kong makita niyang namumula na ang tenga ko dahil sa kilig.


He caught my hand and held it, he then gently placed it beside his head. His hand over mine. Napatigil ulit sa pagtibok ang puso ko and when our eyes met, it started beating normally again. Nakangiti akong tinitigan ni Roux.


Sin CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon