30: Comeback

70 3 1
                                    

"Say something, mahal, please."

Nakatitig lang ako sa kumot habang prinoproseso ang lahat na sinabi sa akin ni Rouqil. Ang dami kong tanong. "Ask something, say something, tignan mo naman ako," malungkot na sabi ni Roux sa akin.

Dahan dahan akong tumingin sa kanya, he was blurry because of the tears welling up in my eyes but as soon as I saw the pain in his eyes, nagsituluan agad ang mga luha ko.

"Bakit?" was all I managed to say. Huminga akong malalim para humugot pa ng lakas. "Bakit hindi mo sinabi ang mga problema mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi agad na si Claire naman ang nagleak at hindi ikaw? Bakit kailangan mo akong insultuhin para lang layuan kita? Bakit, Roux?" sunod sunod kong tanong.

He reached his hand out to hold mine, mahigpit niya agad akong hinawakan nang hindi ko kunin ang kamay ko mula sa kanya.

"I was scared to show you how weak I was, natakot ako na baka ikahiya mo ako sa pamilya mo because I kept failing in life, it made me fucking insecure. Hindi ko din sinabi agad na si Claire ang nagleak buhat na din sa failures ko, takot na takot din ako na hindi magustuhan ni Aidan at ng pamilya mo dahil sa nagawa ng kapatid ko. He trusted me with that information pero kwinento ko pa din sa kapatid ko..." naiiyak na paliwanag nito sa akin.

"At nung ininsulto kita, fuck," he sharply inhaled, maharas niya agad na pinunasan ang mga luha niya. "That night still haunts me to this day, ang gago ko lang talaga nung gabing iyon dahil iyon ang naisip ko para lumayo ka sa akin and I'm really really sorry for it, Jillian."

"At yung... yung lahat ba ng ipinakita mo ay totoo?" my voice trembled.

"Of course," he immediately answered. "Lahat yon ay totoo, the only thing that I'm certain of to this day is my love for you."

Tila naglaho ng parang bula ang tinik sa puso ko. All my questions were answered. My heart finally felt at peace. Naguguluhan ako kung bakit ganito nalang kabilis ko na naintindihan ang side ni Rouqil, but everything feels right.

"Sana sinabi mo sa akin, Roux. Maiintindihan ko naman eh," malungkot kong sabi sa kanya as I held his hand.

"I know, I'm sorry," I could hear the defeat and embarrassment in his voice, napayuko agad ito.

I lift up my hand to caress his cheek at inangat ang ulo niya para tignan niya ako. "Please promise me you're going to tell me anything from now on. Lahat ng dinadala mo, lahat ng sakit mo, lahat ng worries mo," malungkot ko siyang nginitian.

Mas lalo siyang naiyak at hinalikan ang palad ng kamay ko na nasa pisngi niya. Tumango agad siya. "Can we please try again?" he said while sniffling.

Umiiyak na tumawa ako at tumango. Mabilis agad akong niyakap ng mahigpit ni Roux. My love for him made me easily forgive him and I'm happy about that.


"What are you doing here?" kunot noo kong tanong kay Rouqil nang pumarada sa harap ng building ang Miata niya while I was waiting for my valet.

"Valet po, ma'am," he grinned at me. Lumabas agad ito ng sasakyan niya para pagbuksan ako ng pinto. Napangiti ako sa kilig nang makita ko ang hawak niyang bulaklak. "From me to you, Jillian," he sweetly smiled at me and handed me the flowers. I missed that.

"Thank you," matamis ko siyang nginitian. Lumapit agad siya sa akin para halikan ako sa sentido.

"Your driver's picking up your car. I'm taking you out on a date kasi," nakangisi niyang pag-imporma sa akin.

I raised a brow and crossed my hands as I looked at him. "Hindi ka man lang ba magtatanong kung okay lang sa akin if you take me out on a date?" pagtataray ko.

Sin CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon