Trace 22: Race's POV

29 3 0
                                    

Hanggang ngayon bago pa rin sa utak ko ang mga nalaman ko. Bakit ako ang tinuturo nang ebidensyang yun? Wala naman akong maalala na ginawa ko yun eh. Iba ang naaalala ko. Kainis.

'Argh..' Napasalampak ako sa Sofa Sumasakit ang ulo ko sa mga pangyayaring yun. Magpapahinga na lang ako. Ayoko na isipin pa yun. Hay. Tama. Matutulog na lang muna ako.

***

(Race's POV)

"Race! Uuwi na raw sila Rihko!" Sigaw ni kuya Rob. Siya yung caretaker ng vacation house namin. Kaya kilala niya kami. Haha. Siya nga lang yata yung hindi tumatawag samin ng master eh. Paano kababata ko siya pero mas matanda siya nang dalawang taon. Haha. Medyo nahihilo na ako nun pero nakalapit pa rin ako.

"Ano ba yan kuya! Lasing ka na naman. Umuwi ka na rin kapag okay ka na ah! Lagot ka niyan kay daddy eh." - Rihko

"O-oh, *hik* I-ingat *hik* kayo ah? Labyu." At tumawa ako.

"Whatever kuya. Babye." At pagtapos nun umalis na sila. Sasarado ko na sana yung pinto nang biglang tumunog yung phone ko. Sinagot ko yun.

"H-Hello? *hik* medyo lutang kong sagot.

"Babe."

*thugthugthug*

Bigla akong kinabahan sa narinig ko. Si..si Janella. Ang ex girlfriend ko. Tama, ex ko na siya. For unknown reasons, bigla siyang nakipagbreak sakin. Nagmmove on pa ako eh. Tapos bigla siyang magpaparamdam. At nagawa niya pa akong tawaging babe.

"Anong kailangan mo?" Suplado kong sagot. Panira siya nang araw eh. Hindi ako bitter! Hindi. Ikaw kaya, nasa state of moving on tapos bigla magpaparamdam sayo yung taong mahal mo pa. 

"Someone wants to talk to you."

"Sino?" Narinig ko naman na ibinigay niya sa kung sino yung phone.

"Hey Terrence!"

*thugthugthug*

Sht.

"Sino to?" Sabi ko na lang. Para kunwari di ko siya kilala.

"Oh please, Terrence wag ka ng magpanggap na hindi mo ako kilala." Sabi niya. Argh. Hindi ako makapag isip. May tama pa ako ng alakeh. Teka..alak!

"*hik* s-sino ba kashe to? *hik*" sabi ko. Alam kong alam niya na tuwing may event, umiinom ako.

"Uminom ka na naman pala. Tsk, di ka pa rin nagbabago. Fine. May sasabihin lang ako. Bahala na kung maalala mo man o hindi. Gusto ko lang sabihin na.. You better follow them. Yun lang. Ciao." And after that binaba na niya. Anong ibig niyang sabihin? At sinong susundan ko? Hindi talaga ako makapag isip eh.

You better follow them..

You better follow th- sht.

*thugthugthug*

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"Kuya Rob! Ang sasakyan ko pakihanda!" Sigaw ko. Hindi na siya nagtanong kung bakit. Alam na niya kapag ganito ako. Dali dali akong kumuha ng kapeng malamig. Bahala na. Kailangan mawala nitong tama nang alak.

"Kaya mo magdrive?" Tanong ni Kuya Rob at binigay yung susi. Tumango naman ako. Kinakabahan pa rin ako. Sht.

"Good. Naka-on ang GPS ni Rihko. Mattrack mo kung asan sila." Pagkasabi niya nun, agad ako tumakbo palabas. Sumakay ako sa kotse at pinaandar to.

Nakita kong hindi pa sila gaano nakakalayo. Binilisan ko ang pagmamaneho. Argh. Rihko!

Huminto ang GPS ni Rihko sa isang lugar. Naabutan ko rin sila. Pero nagpark ako sa hindi nila makikita. Pinagmasdan ko ang paligid. Lugar to para sa overlooking. Parang paburol at sa taas nun makikita momang buong paligid.

Trace Memory (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon