Dalawang araw na ang nakakalipas matapos ko makilala si D pero parang ang tagal tagal na namin magkakilala sa tuwing nag-uusap kami. Medyo naiilang pa rin naman ako kapag kausap ko siya pero atleast, nababawasan ung lungkot na nararamdaman ko ngayon. Kahit papano may kasama ako humanap ng mga alaala ko na ipinagkakait sa akin ni kuya pero minsan mapang-asar talaga ang lalaking to. Napagdesisyunan namin lumabas muna ng bahay at tumambay sa park na malapit sa amin, total wala naman akong pasok ngayon kaya may oras kami magliwaliw.
Umupo ako sa may swing at sa tabi ko naman si D na nakatingin sa mga naglalarong bata. Nakakamiss din pala maging bata, walang problema puro laro lang inaatupag at malayo sa responsibilidad. Hindi katulad na ganitong lumalaki na dumadami pa problema. Napabuntong hininga na lang ako at saka pinanood ang mga nagtatakbuhan na bata.
"Rihko, buhay pa kaya yung mga kaibigan ko?" napatingin naman ako sakanya at medyo natawa ako sa tanong niya.
"Oo naman, D. Ano ka ba, ilang taon ba mula noong mamatay ka? Kung hindi naman gaano katagalan, malamang sa malamang buhay pa mga yon haha. Kung natatandaan mo sila pwede nila tayong tulungan lalo ka na since sila naman ang mas nakakakilala talaga sayo." Isang buntong hininga ang natanggap ko. Mukhang malalim iniisip ng multong to, sabagay kung ako rin naman talagang mapapaisip ako.
"Steven mahinang sambit nya at tumingin sa akin na ipinagtaka ko naman.
Ha?
"Steven may kilala o natatandaan ka bang Steven na nag-aaral sa school niyo? Hindi ko na gaano matandaan pero may dumalaw sa akin noon at nagpakilalang si Steven at kasama rin siya sa nabanggit ko sayo na naalala ko bigla habang nasa campus niyo." Punong puno nang lungkot ang mga mata ni D at onting pag-asa. Siguro kung ako yung nasa pwesto niya, matagal na ako sumuko sa paghahanap ng alaala ko or ng taong pwedeng tumulong sakin pero siya, gusto niya pa rin ituloy kahit alam niyang malabo.
Kinuwento niya ng buo ung mga nangyari kahapon sa kanya na nakapagpaalala sa kanya tungkol sa mga kaibigan niya na sina Steven, Gray at Ram. Matapos niya magkwento, saglit ako napaisip sa mga pangalan na sinabi niya. Sinubukan ko magsearch sa facebook group ng school namin kung may nakaenroll na studyanteng nagngangalang Steven at viola! ang daming studyante na Steven ang pangalan hindi ko naman alam kung sino dito.
"May nakita ka?" tanong niya habang nakasilip sa phone ko. Tumango naman ako at ipinakita sa kanya ung mga lumabas na Steven ang pangalan. Saglit niya to tinitigan at dahan dahan pinascroll sakin para isa isang tignan yung mga mukha.
"Ito!" sabi niya at itinuro ang lalaking nagngangalang Steven Sanchez. Nagulat naman ako at pinindot ko ang profile ni Steven Sanchez.
"Sigurado ka bang siya? Base sa profile niya dito sa Facebook isa siya sa mga sikat sa School dahil sa pagmomodel niya at kilala ung pamilya sa Medicine kaya sure ka ba na siya ung kaibigan mo?" tumango naman siya, kita ko sa mga mata niya na nabuhayan siya. Napangiti na lang ako saka sinabi sa kanya na bukas na namin hanapin dahil walang pasok ngayon at sarado ang campus.
Sa tingin ko naman may patutunguhan tong paghahanap namin ng katotohonan kahit paonti onti. Dalawa lang naman kami kaya for sure mahirap to lalo na kapag napansin ni kuya ang mga ikinikilos ko buti na nga lang at hindi niya nakikita si D kundi lagot ako. Napagdesisyunan namin umuwi na dahil magdidilim na rin naman at baka maabutan pa ako ni kuya sa labas.
Bukas na bukas hahanapin na namin si Steven Sanchez.
"Bukas na lang natin hanapin si Steven, D. May pasok naman ako eh, pwede kita isama sa school." Tumango naman siya. Kinakabahan ako, hindi ko naman alam kung anong pwedeng mangyari bukas at isa pa, hindi ko naman gaano kilala si Steven.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla nalang nanlabo paningin ko, kinusot kusot ko mata ko pero ganon pa rin. Napatingin ako kay D at dahan dahan lumalabo ang imahe niya.
BINABASA MO ANG
Trace Memory (Editing)
Misteri / ThrillerIsang nilalang na may "unfinished business" sa lupa; ang hanapin ang nawawala niyang alaala. Pero dahil isa na lamang siyang kaluluwa, hindi niya magawa-gawa dahil wala naman nakakakita sa kanya. Magawa niya kaya ang mission niya sa kabila ng matind...