Trace 10: Bakit Ganon?

49 4 0
                                    

Rihko's POV

*Riiiiiiinngg*

"mmm.. Ang ingay.."

*Riiiiiiinngg*

"AAHH!  Leche! Ang ingay!" binato ko yung alarm ko.

*CRAASHH!*

"Kainis naman." bumangon na ako at ang-ayos.

"Buti naman at gumising ka na. Tagal tagal gumising. Tss."

Napabalikwas ako ng bangon at kinusot kusot ang dalawa kong mata. Nababaliw na ba ako? Tama ba 'tong nakikita ko?

"D?!"

"Ako nga!  Good morning!" Bati niya sakin, a-ang ngiting yun.. I've seen that before..

*dubdubdub*

Naiiyak ako... sobra! Namiss ko siya! Gusto ko siyang yakapin kaso tatagos lang ako. Kainis naman.

"Oh? tulala ka jan? Missed me?" nakangisi niyang sabi. Ang yabang talaga nito.

"Aba? Akala ko ba patay ka na? Bakit ang kapal pa rin ng mukha mo?" sagot ko. Seriously, natawa ako. 

"Tss. Bumangon ka na jan dami mo pang sinasabi eh."

"Oo na po." nakangiti kong sabi.

Naligo na ako at nagbihis. At kumain na rin.

"Oy D. Saan ka ba agaling?"- Ako

"Sa sementeryo." - Siya. Ano naman ginawa niya dun?

"Ano naman ginawa mo dun at bakit ka ba biglang nawala?"

"Hindi ko nga rin alam eh. Bigla ako napunta doon at nadatnan ang isang tao." Eh? Nagteleport siya? Ganun? Pwede pala yun eh.

"Ano yung nagteleport ka doon? Multo ka ba o isa ka sa mga anak n i Son goku? Ang labo mo naman D eh!" naguguluhan kong tanong.

"Let me explain would'yah?!" wow! english. K. fine.

"K." tipid kong sagot.

"Ganito kasi yun, nung bigla akong nawala may boses na tumatawag sakin. Tapos ewan ko kung bakit pero bigla akong napadpad sa sementeryo. Pero dun nangagaling yung boses. 'D siya ng D'. Tapos nagsosorry din siya. Narealize ko run na kaya ako biglang bumalik dun kasi may tumatawag sakin at may tao sa puntod ko. Kaya yun." mahaba niyang kwento. Naguguluhan pa rin ako eh. 

"Naguguluhan pa rin ako eh. Ano yun tuwing may bibisita sayo, kahit nasan ka man mawawala ka bigla? Grabe naman D."

"Mukhang ganoon na nga Rihko." bumuntong hininga na lang ako.

"Sorry Rihko.."

"Hah? Bakit ka nagsosorry? Ayos lan yun." Ngumiti siya ng malungkot.

"Oo nga pala, nakausap mo na ba si steven?" Hala oo nga pala!

"Hindi pa eh. Ay teka, hindi nga ba? Ay ewan ko!"

"Ganun ba? Tara puntahan na natin siya." Nakangiti niyang sabi. Halata ko ang excitement sa kanya.

"Okay. Tara na!"

At yun nga, umalis na kami at naglakad papunta kanila steven. Habang nasa daan kami at nagkwekwentuhan, may tumawag sakin.

"Rihko!"

"Huh?" At nakita ko siya.

"Drake?"

Drake Marion's POV

Nasa gitna ako ng pamamasyal ng makita ko si Rihko. Bakit kaya para siyang may kausap? Wala naman akong nakikitang katabi niya eh. Aish. Baka guni guni ko lang yun. Tinawag ko siya at lumingon naman siya. Buti nalang. Yayayain ko siya ng friendly date.

"Rihko!"

"Drake?" Nilapitan ko siya.

"Hi Rihko! Anong ginagawa mo dito? May kasama ka ba?"

"Obvious ba? May nakikita ka bang kasama ko?"

"Malay mo. May nakikita ka na hindi ko nakikita. Haha." Pagbibiro ko. Natigilan naman siya sa sinabi ko.

"Adik ka ba? Wala akong third eye noh. As if naman. Ano ba kailangan mo?" Masungit niyang sabi.

"Uhmm.. Date tayo!" Noon pa man ganito na ako sa kanya. Lagi ko siyang niyaya magdate. Lagi nga lang rejected kasi mas gusto niya si kuya kasama. Nagseselos nga ako eh. Pero pilit kong pinipigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayaw ko namang mag-away kami ni kuya dahil sa babae. Gusto ko lang naman maging masaya si Rihko, pero mukhang si Kuya ang kaligayahan niya kaya hahayaan ko na lang. Hindi pa naman ako gaanong nahuha'ulog kay Rihko eh. Haha. Ang drama ko na naman.

"Oh bakit?"

Bigla siyang naglakad palayo. Ano ba naman tong taong to. Lagi nalang akong nirereject. Kahit kelan talaga. Nako.

"Rihko wait!" Habol ko sa kanya. Pero hindi siya natinag, patuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Rihko! Sandali nga lang muna!" Hinawakan ko siya sa braso niya. Naramdaman ko ang makinis niyang balat. Hindi pa rin nagbabago.

"Aray ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Hindi ko pinansin ang sinabi niya at mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kanya. Kung iniisipniyang pakakawalan ko pa siya ngayon, nagkakamali siya. Friendly date lang naman eh. Masama ba yun? Oo siguro dahil hindi na kami close ngayon. Marami ng nagbago. Hindi na siya ang dating Rihko na kilala ko. Kilala namin. Dahil siguro sa amnesia niya to. At ang pagtatago namin ng katotohanan sa kanya. Hindi naman maiiwasan eh. Kailangan.

"ARAY! Ano ba?! Bitawan mo ko sabi eh!" Galit na sabi niya sakin.

"Hindi pwede. Dito ka lang at sasama ka sakin."

"Ayoko! Ano bang kailangan mo ha?! Bitawan mo ko!" Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko pero lalo ko lang hinihigpitan.

"Drake ano ba! Nasasaktan na ako!"

"At akala mo ba ako hindi? Mas nasasaktan ako Rihko! Bakit ba kasi hindi mo ako maalala?! Bakit hindi mo ba maalala yung nangyari?! Masakit kasi Rihko alam mo yun! Masakit makalimutan ng taong sobra mong pinahalagahan! Hanggang ngayon wala ka pa ring alam! Mahal kita Rihko. Mahal na mahal.." Dala ng nararamdaman ko bigla ko siyang hinalikan.

*PAK!*

"Akala mo ba ginusto kong makalimot? Akala mo ba ganun ganun lang yun?! *hikbi* Akala mo ba napakadali para sakin na matandaan lahat kung lahat ng taong nasa paligid ko pilit nagsisinungaling at ayaw akong makaalala?! *hikbi* Kung nasasaktan man kita, mas nasasaktan ako! *Hikbi*Ako ang nawalan ng alala! Wala akong alam hindi ayaw niyong ipaalam! *hikbi* Mahal mo ko? Pero hindi mo ko tinutulungan! Wala ka namang ginagawa para makaalala ako eh! Tapos ngayon sasabihin mong bakit hindi ako makaalala?! *hikbi* Hah! Hindi ka siguro ganoon ka-importante para maalala ko.." At tumakbo siya palayo. Tumakbo siyang umiiyak. Sinabi niya yun lahat ng umiiyak. Napaiyak ko siya.  Ang tanga mo Drake, ang tanga tanga mo. Napasabunot na lang ako sa ulo ko.

*Humangin*

Napaupo ako sa isa sa mga bench. Paulit ulit sa utak ko ang sinabi niya. Masakit pero tama siya. Mas masakit ang nararamdaman niya.

"Bakit ganun?"

Napabalikwas ako sa inuupuan ko. Sino yun? May narinig akong nagsalita. Lumingon ako sa paligid pero wala akong nakita na kahit sino. Pamilyar ang boses na yun. Parang si..

"Kuya.."

--------
End. Sorry sa typos. :)

Trace Memory (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon