Rihko's POV
*TokToktok*
"Pasok!" Sabi ko dun sa kumatok. Umagang umaga nambubulabog.
"Good morning princess." Sabi nung pumasok.
*thugthugthug*
Si kuya. Ano na naman ba kailangan niya dito? Badtrip naman eh. Sinira na naman niya umaga ko.
"Uy princess. Namiss na kita. Tagal tagal mo na akong hindi pinapansin eh." Sabi ni kuya at umupo sa tabi ko. Hindi ko siya nililingon. Galit pa rin ako sa kanya.
"Uy kausapin mo naman ako princess. Wag ka naman na magalit sakin, please?"
"Stop calling me princess." Cold kong sagot.
"Galit ka pa rin ba? Sorry naman na oh." Sagot niya. Nakanguso na siya pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Babangon na sana ako nang bigla niya akong yakapin. At eto ang pinaka ayaw ko eh. Ang yakapin ako ni kuya. Nandidiri kasi ako.
"Ano ba kuya. Nakakadiri ka. Lumayo ka nga." Irita kong sabi kay kuya at pilit inaalis yung pagkakayakap niya. Pero lalo niya lang hinigpitan.
"No. Patawarin mo na kasi ako princess." Aish. Badtrip naman oh. Hindi talaga siya titigil eh.
"Fine! Oo na! Pinapatawad na kita! Just get your hands off me! For goodness sake brother!" Sagot ko. Kadiri kasi talaga. Oo kapatid ko siya, pero hindi kasi ganyan si kuya. He's a serious type person.
"Talaga? Thankyou princess. " masaya niyang sabi. Pero may nararamdaman pa rin akong kakaiba sa kanya.
"Hayy."
"Kumain ka na ah? Hindi kita pipilitin. Sige bababa na ako." Oh see? Bigla siyang magiging seryoso. Di niya kayang maging jolly kahit minsan. I guess kanina lang. Aish. Moody person. Daig pa ako.
At ayun nga. Bumaba na siya. Naalala ko na naman yung sinabi ko kay D, may point naman kasi siya eh. Ako lang tong tatanga tanga na ayaw makinig. Ano nang gagawin ko nito? Wala na si D. Hays. Pupunta na lang ako sa park. Gusto ko nang katahimikan. I want peace. Bumangon na ako, naligo na rin at nagbihis. Sa labas na lang ako kakain.
***
Naglakad lakad ako sa park. Ang daming tao. May mga couple din. Ang lalandi nila. Nakakainggit lang. May partners sila. Eh ako? Eto nganga. Solo baliw. Loner. Lahat na nagdedefine sa single. Tss. Naisipan ko munang umupo, nakakapagod kaya maglakad lakad.
"Hay." Buntong hininga ko. Nakatingala ako sa may langit. Ang sarap niya pagmasdan. Nakakagaan ng loob. Ang peaceful masyado.
"Hello, pwede maki-upo?" Sabi ng isang tao sakin. Napatingin naman ako at nagtaka. Pinagmasdan ko siya, parang pamilyar siya eh.
"Ah. Sige." Sabi ko na lang at tumingin ulit sa kawalan.
"Bakit ka mag isa miss?" Tanong niya.
"Eh sa wala akong kasama, may magagawa ka?" Sarcastic kong sagot.
"Ang sungit mo naman. Haha."
"Eh sa hindi kita kilala." Bahagya na naman siyang tumawa. Problema nito? Feeling close masyado.
"Haha. Sige aalis na ako, pero hindi pa ito ang huli nating pagkikita. Bye Ms. Santos." At naglakad na siya palayo. Di mo alam kung kakabahan ba ako o ano eh. Kilala niya ako. Hays. Nevermind him, Rihko.
Napabuntong hininga na lang ulit ako. Di pa rin bumabalik si D. Siya na nga lang makakaintindi sakin, nawala pa. Hays. Nilibot ko na lang ang tingin ko sa paligid. May swing at monkey bars pala dito. Haha. Saya maging bata ulit..
BINABASA MO ANG
Trace Memory (Editing)
Mistério / SuspenseIsang nilalang na may "unfinished business" sa lupa; ang hanapin ang nawawala niyang alaala. Pero dahil isa na lamang siyang kaluluwa, hindi niya magawa-gawa dahil wala naman nakakakita sa kanya. Magawa niya kaya ang mission niya sa kabila ng matind...