Trace 2: Hindi alam

98 11 4
                                    

Hay natapos din! Ang dami kong ginawa sa student council, daming paper works na kailangan pirmahan. 6PM na pala. Sabay dapat kami ni Rihko pauwi kaso nabasa ko text niya na hindi muna siya raw siya sasabay at may dadaanan daw siya sa classmate niya. Hindi naman niya sinabi kung anong gagawin niya doon. Nauna na akong umuwi dahil wala naman na akong gagawin pa sa school.

Eksantong 7PM ako nakauwi sa bahay pero sabi ng mga kasambahay namin wala pa rin si Rihko. Kami lang magkapatid ang nandito sa bahay pati na rin ung driver at kasambahay namin, ung magulang naman namin nasal abas ng bansa, as usual may business trip. Lagi lang nila kami pinapadalhan ng allowance. Halos lahat na ata ng bansa napuntahan na nila.

Kasama sa listahan ng multibillionaire company ang business nila Daddy dito sa Pilipinas. Sila ung mga nag-eexport ng mga materyales sa paggawa ng infrastructure dito at sa ibat ibang panig ng mundo. Kumbaga lahat ng supply sa kanila binibili, sakanila kinukuha. Supplier na sila ng ibat ibang infrastructure sa buong mundo kaya naman tuloy tuloy lang ang pasok ng pera at sobrang busy nila kaya naman ako nalang inaasahan nilang magbabantay at mag-aalaga kay Rihko.

7:30 na, pero wala pa rin kapatid ko nagsisimula na ako mag-alala kaya tinawagan ko siya. Tama nga ako, tinakasan niya si manong para dumaan sa sementeryo. Hindi talaga ako mapakali kaya agad agad akong lumabas ng bahay at nagdrive papunta sa sementeryo. Pagkarating ko doon, nakita ko siyang tumatakbo. Bakit 'to tumatakbo? Wala naman humahabol sa kanya. Hingal na hingal siya at parang takot na takot.

"K-kuya"

"Rihko―" nagcollapse siya sa braso. Nako naman talaga tong kapatid ko.

Agad ko siyang sinakay sa kotse ko at umuwi. Nakakapagtaka lang na tumatakbo siya kanina kahit wala namang humahabol sa kanya. Iniiwasan ko talaga na pumupunta siya dito mag-isa. Dito nakalibing ung boyfriend niya na namatay, hindi dapat malaman ni Rihko na kasama nya ang boyfriend nya nung naganap ang aksidente. Hindi niya dapat malaman na may boyfriend siya. Dahil kapag nalaman niya, baka hindi niya kayanin. Yun ang kinakatakot namin at ayaw ko makitang nahihirapan kapatid ko. Kaya nga gagawin ko lahat para protektahan siya.

***

Nakaramdam ako ng malamig na hangin. Pagmulat ko ng mata nasa kwarto na ko at magliliwanag na. Ano bang nangyari, ang huling tanda ko palabas ako ng sementeryo at sinundo ako ni kuya.

Ang sakit pa rin ng ulo ko pero kailangan ko pumasok. Bumangon na ako at nag-umagahan, pagkatapos ko umalis na agad ako, hindi ko na hihintayin si kuya. Bahala siya d'yan.

Agad akong dumiretso sa org na pinamumunuan ko. Wala pang gaanong tao kaya masarap maglakad. May isang pamilyar na mukha ang naaaninag ko mula sa malayo. Ang aga naman niyang pumasok. Dama ko na naman ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan na naman ako. Bakit ba ako kinakabahan kapag nakikita ko ang taong to.

"H-Hello Dra―" bati ko sa kanya pero bago ko pa matuloy pinutol na nya.

"Marion ang Itawag mo sakin. Ayoko ng Drake." Walang kabuhay buhay niyang sabi sakin.

"Eh, bakit? Maganda naman ang Drake ah."

"Naaalala ko lang ang kakambal ko pagtinatawag akong Drake." Wow may kapatid pala siya, pero bakit hindi niya kasama? Ah baka kasing year ni kuya.

"Ano ba pangalan ng kakambal mo? Kung pwedeng malaman? nahihiya kong tanong, baka kasi isipin niya feeling close ako.

Sinamaan niya ako ng tingin. Nakakatakot yung mga tingin niya, para bang may nagawa akong kasalanan na hindi ko malaman. Pero punong puno ng lungkot at galit yung mga mata niya.

Trace Memory (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon