Trace 25:

20 0 0
                                    

Rihko

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung narinig ko na kinuwento ni kuya. Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact, at dapat ko na bang itanong sa kanya yung nangyari? Eh sasagutin naman kaya niya ako?

Argh!

Napasalampak na lang ako sa buhanginan. Kaasar!

"R-rihko?" Isaang pamilyar na boses ang pumukaw sa atensyon ko.

Agad ako napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun.

*dubdubdubdub*

Shocks. Totoo ba 'to?

Maluha luha akong tumayo at nilapitan siya.

"D-d? Ikaw ba yan?" Sabi ko nung makalapit ako. Nakatitig lang ako sa kanya, pinagmamasdan ang mukha niya kung totoo bang siya nga yun.

"Rihko.." Sabi niya at ngumiti siya. Shet. Sya nga.

"D!" Niyakap ko siya kaso tumagos lang ako.

Damn.

"Saan ka ba nanggaling D?! Ang tagal mo akong iniwan." Malungkot kong sabi sa kanya.

"Sorry na Rihko. Madaming nangyari eh. Ikukwento ko mamaya. Ayos ka lang ba?" Sabi niya at lumapit pa ng kaunti saakin.

Ngumiti naman ako at tumango.

"Teka, paano mo nalamang andito ako?"

"Hindi ko rin alam eh. Basta pagmulat ko andoon na agad ako." Sabi niya sabay turo sa kung saan.

"Dibale na. Ang mahalaga may kasama na ako." Sabi ko at saka ngumiti. Lumingon ulit ako sa dagat. Ang payapa, parang ngayon na dumating na si D. Payapa na ulit yung nararamdaman ko. Mukhang siya na lang ang makakaramay ko ngayon. Si kuya, naalala ko na naman sinabi niya.

"Rihko.." Napatingin naman ako sa kanya.

"Eto oh. Nakuha ko sa sementeryo. Naiwan nung dumalaw sakin." Sabi niya at pinakita ang isang bracelet.

Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Pamilyar. Napansin ko ang nakasulat sa bracelet.

Daniel + Rihko

***

"Aalis ka na?" Malungkot na tanong ko sa kanya.

"Oo eh. Kailangan ko na bumalik sa states para mag aral." Malungkot niya ring sabi. Eto na kasi ang huling araw niya sa Pilipinas. Babalik na siya sa states.

"Iiwan mo na ako?" Mangiyak ngiyak kong sabi. Ayaw ko kasi talaga siyang umalis.

"Hindi. Aalis lang ako saglit. Pero maniwala ka sakin, babalik din ako pagtapos ko mag aral." Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Ang daya mo naman eh. Akala ko pa naman sabay tayong aalis. Mauuna ka pala." At tuluyan na siyang umiyak.

"Rihko naman. Sa japan ka, ako sa US. Sabi ni mommy magkalayo raw yun eh. Wag ka na umiyak." Humagulgol na siya. Iyakin talaga to.

"Naman Daniel eh." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at kinuha ang maliit na kahon sa bulsa ko.

"Eto oh. Suotin mo 'to. Pinagawa ko yan." Sabi ko at inabot sa kanya yung kahon. Binuksan niya ito at napangiti siya.

"Daniel + Rihko.." Sabi niya. Kinuha ko iyon at isinuot sa kanya.

"Ayan. Sabi ni daddy ibigay ko daw yan sayo bilang tanda na babalikan kita, na babalik ako dito. Pinagawa namin yan. Haha. Nagustuhan mo ba?" 

Trace Memory (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon