Trace Memory Special

31 2 0
                                    

Huling banat para sa araw na to bago ako pumasok bukas. Ang mga sumusunod na pangyayari dito ay pawang nakakasakit sa puso. Basahin niyo kung gusto niyo. Eto na yung POV ni Rexah tungkol sa nangyari sa kanila ni Rihko. May hidden clue dito. Hanapin niyo na lang.

----

Rexah's POV

It's been a week since ang huling pagkikita namin ni Rihko. And inaamin ko masakit pa rin para sakin ang mga nangyari. Wala nang mas sasakit pa sa pag iwan sayo ng taong pinakaiingatan mo. Mas masakit mawalan ng bestfriend kesa sa boyfriend.

Kung tutuusin, okay lang kahit wala akong boyfriend eh. Basta andiyan si Rihko. Napapasaya naman niya ako eh. Araw araw. Sa mga katangahan nun sa buhay niya, sino bang hindi matutuwa dun? Lagi kaming magkasama, tuwing namimiss ko siya, pinapapunta ko siya dito sa bahay. Minsan naman ako ang pumupunta sa kanila. Napagkakamalan na nga kami na magjowa minsan eh. Haha! Duh. We're just friends. Bestfriends. Mga utak talaga ng tao minsan baliktad. Hay. Anyway, miss ko na siya. Sobra.

Wala naman akong magawa eh. Hindi ko siya mapuntahan. Kapag nagttry ako pumunta, wala siya sa kanila. Tinatanong ko kasi kay Kuya Race kung andun si Rihko sa kanila, kaso yun nga. Madalas wala. Nabalitaan ko rin na nagalit sa kanya sa Kuya Race. Hayy. Asan na kaya si Rihko. Sino kaya ang nakakausap niya? Galit siya sa mga tao sa ka ila eh, maski sa mga kakilala niya.

---

Naisipan kong pumunta sa mall. Kumain muna ako sa isang fastfood. Hays. Naaalala ko na naman yung ginawa naming kalokohan ni Rihko dati. Yeah. Dito kami lagi kapag wala kaming magawa. Naglalaro kami sa arcade. Ewan ko ba dun, ang hilig sa arcade. Haha! Hayy. Namimiss ko na talaga siya.

Naglakad lakad ako, hanggang sa mapagod ako. Nagshopping na rin ako. Naalala ko na naman siya. Tae. Kahit saan ako pumunta naaalala ko siya. Yung abnormal na babaeng yun. Ugh. Umupo muna ako sa tabi. Tumingin tingin ako sa paligid. Ayun pa rin, unti unti nagfflashback yung mga kalokohan namin. Mga happy moments namin. Nakakabaliw. Bakit ba ako nagkakaganito. Ang alam ko talaga, gusto ko siya makita at yakapin ng mahigpit. Gusto ko humingi ng tawad hanggang sa mapatawad niya ako.Hindi ko kasi talaga kaya na galit siya. Siya lang naman ang nakakaintindi sakin eh. Nakakainis naman eh.

Tinitingnan ko lang yung mga dumadaan na tao. Ang daming magbbestfriends. naiinggit ako. Mas lalo ko lang namimiss si Rihko. 

Bigla na lang may pumatak. Umiiyak na naman pala ako. 

"Miss oh." Sabi ng isang lalaki at inabot yung panyo sakin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Lanier?" Pagtataka ko. Ngumiti naman ito at umupo sa tabi ko. Si Lanier nga. Inabot ko yung panyo at pinangpunas sa mga mata ko.

"Musta ka naman Rex? Bakit ka nag iisa? Asan si Rihko?" Nung pagkabanggit niya ng pangalan ng Rihko bigla na naman ako nalungkot. Medyo nagulat naman siya.

"Ay sorry. May nasabi ba akong mali?" Ngumit lang ako ng malungkot at huminga ng malalim.

"Galit kasi siya sakin eh. At yun, tinapos na niya yung friendship namin. To think na 6 na taon yun. kaya eto. Mag isa lang ako. Haha. Saya nuh." Malungkot kong sabi. Tinapik niya naman yung balikat ko.

"Magkakaayos rin kayo. Intindihin mo na lang muna yung tao. May problema pa siya sa sarili niya eh. Hayaan mo na. Cheer up." Sabi niya at saka ngumiti. Tumayo na siya. Teka. Bakit alam niya yun? Akala ko ba nasa ibang basa to. Lakas din talaga ng connection niya. Hays.

"Kelan ka pa nakauwi?" Ngumit lang siya.

"Nung nakaraan lang. Sige na. Ingat ka. See you. Magkikita pa tayo. Bye Rexah." And with that, naglakad na siya palayo. Napakamysteryoso talaga ng taong yun. Creepy.

"Lanier.."

Napagdesisyunan kong umuwi na. Magkukulong na naman ako sa kwarto at iiyak. Kahit isang text lang galing kay Rihko masaya na ako. Mabalik lang yung friendship namin. Okay na. at naglakad na ako pauwi. Walking distance lang naman yung mall sa bahay namin eh. Hays.

---

Minsan talaga namimisinterpret ng tao ang mga ginagawa natin para sa kanya. Akala niya tinatraydor siya, pero ang totoo ay gusto lang natin tumulong.

Masakit man isipin pero, not people meant to stay in our lives. Normal na sa buhay natin ang mga bagong taong dadating. Pero hindi lahat sila mananatili sa tabi natin. It's either they're a blessing to us para magbago tayo, or a lesson para matuto tayo at maging mas matatag. Lahat naman pwede magbago. Gaya nalang yung inaakala mong dadamay sayo hanggang sa dulo, iiwan ka rin pala. May mga cases na ganun.

Masakit maiwan ng taong pinahalagahan mo nang sobra. Yung akala mo siya na. Pero hindi pa pala. truth hurts. Kung masakit maiwan ng boyfriend, mas masakit maiwan ng bestfriend. Mas masakit mawalan ng bestfriend kesa sa boyfriend.

Ang lalaki, marami niyan. Pwede kang makahanap niyan kahit saan. Eh ang bestfriend? Bihira ka lang makahanap ng tunay na kaibigan, yung tipong nasa tabi mo lagi na dadamay sayo kahit anong mangyari. Marami ka ngang kaibigan, pero hindi lahat totoo. Masuwerte ka nalang kapag nakakita ka ng tunay na kaibigan. True friends are hard to find. But lucky to have.

Sa kaso ko, nahanap ko na ang tunay kong kaibigan. Yun nga lang hindi ko siya naalagaan ng tama. Sumobra siguro ako, to the point na nasakal na siya at napagdesisyunan na niyang iwan ako. Masakit. Sobra.

6 years. Anim na taon ang nasayang dahil lang sa ginawa ko. Ang dami na naming napatunayan at pinagdaanan nun. Marami na kaming pinag awayan. Yung sa kabila ng away-bati system namin, eto pa rin kami matatag. Yeah, away bati kami. Ang kulit kasi. Magbboyfriend ako tapos iiyak iyak nako. Oh diba. Tanga lang. Haha.

Si Rihko ang nagparealize sakin na you can love life without lovelife. Hay. Kaya nga nung naisipang kong sumali kanila Joshua, dun ko naisip na hindi na ako magbboyfriend. Tutulungan ko na lang si Rihko. Mananatili lang ako sa tabi niya kahit anong mangyari. Kaso yun nga, nagalit siya. At good bye 6 years. ayoko na. Naiiyak na ako. Dapat kasi di na ako pumayag nun eh. Kakainis naman. Hay.

Kaya kayo, kung may bestfriend kayo, ingatan nyo. Wag niyo siyang hayaan mawala, gaya ng ginawa ko. pero wag kayo mag alala, gagawin ko lahat bumalik lang friendship namin. yun lang. Salamat sa pagbabasa ng kadramahan ko.

---

-AZ090713

Trace Memory (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon