[Disclaimer: You might encounter some typographical error ahead]
Naisipan ko tumambay sa park na madalas ko tambayan noon. Madalang na ako pumunta dito kasi wala naman na akong makakasama at nagbabakasyon nalang naman ako dito sa Pinas. Napagdesisyunan namin nila Gray at Ram na umalis nalang ng bansa mula 'nong mawala si Daniel. Ideya ng mga magulang namin na dalhin nalang kami sa states para raw hindi namin gaano maisip si Daniel, pampalimot na rin sa masamang mga alaala. Sa totoo lang namimiss ko na rin 'yung taong 'yon, wala naman na kami naging balita sa kapatid niya at pamilya nila dahil pinili nalang nilang manahimik. Naging controversial kasi ang pamilya nila Daniel dahil kilalang tagapagmana si Daniel ng Furhzein Co. at sobrang dinamdam ng papa niya ang pagkawala ng pinakamamahal niyang anak kaya wala na rin akong balita.
Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Napagdesisyunan ko ng umuwi dahil wala naman na akong gagawin. Habang naglalakad ako may nahagip ang mata ko na isang pamilyar na tao sa kabilang sidewalk. Isang tao na hindi ko inaasahan na makita at sa lugar pa na 'to. Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya, maganda pa rin siya.
"Rihko.." malungkot kong sambit. Kung naging mahirap samin ang pagkawala ni Daniel, malamang mas mahirap yun sa kasintahan niya. Pinagmasdan ko siya mula sa kinatatayuan ko at para bang natataranta siya at may hinahanap.
"D?!" narinig ko na sigaw niya, bahagya akong nagtago sa gilid ng kotse at tinignan siya.
"D?!' sigaw niya ulit. Bakit niya hinahanap si Dee? Naalala na kaya niya ang nangyari at ang nangyari kay Daniel? Ang huling balita ko kay Rihko, nacoma siya 'pagka tapos wala na ulit kaming naging balita kasi tinago siya ng pamilya niya. Ayaw na rin nilamg maging cemter of attention kaya siguro itinago muna si Rihko.
"D?! Nasan ka ba kasi!" Hindi kaya naaalala na niya? Pero kung naaalala niya na, alam niya na dapat na matagal na wala si Dee.
Napaupo siya sa sidewalk at nagsimula siyang umiyak. Hindi ko maintindihan bakit siya nagkakaganyan.
Naalala ko noong buhay pa si Daniel, ayaw na ayaw niya nakakakita na may umiiyak na babae, para sa kanya kasi ang mga babae pinapatawa hindi pinapaiyak lalong lalo na kapag si Rihko ang umiiyak. Mapang-asar 'yun si Daniel pero hindi niya naman hahayaang umiyak si Rihko. Napakaswerte ni Rihko, nakakalungkot lang na kailangan pamg mawala ni Daniel sa tabi niya. Napabuntong hininga nalang ako.
Bakit kaya niya hinahanap si Dee? Hindi niya pa ba alam na wala na 'to? Hindi pa rin sinasabi ni Race? Hindi na naawa sa kapatid."D.. DANIEL!" Aalis na sana ako nang marinig kong isinigaw ni Rihko ang pangalan ni Daniel at pagkatingin ko sa kanya wala na siyang malay sa sidewalk at nakahiga na siya doon. Nataranta ako kaya agad ako tumakbo para gisingin siya kaso walang epekto kaya binuhat ko nalang siya papunta sa tinutuluyan ko, hindi kalayuan mula sa daanan na tinahak ko kanina.
Pagkadating ko sa condo ko, agad ko siya hiniga sa kama sa guest room ko. Ano ba nangyari sa kanya? Bakit bigla siyang hinimatay? Ngayon ko na nga lang siya nakita ulit ganito pa mangyayari sa kanya. Hay, Daniel tignan mo nga naman kung anong naiwan mo.
Naupo muna ako sa may couch tapat ng higaan niya at hinayaan ang maid namin na asikasuhin siya. Pinunasan ang katawan niya ng maligamgam na tubig. Hindi naman daw siya sinisinat pero nanghihina siya, Bahagyang gumalaw ang mga daliri niya sa kamay kasabay ng pagsalita niya.
"Daniel... 'wag mo ko iwan! Mahal na mahal kita."
Malungkot kong pinagmasdan si Rihko habang nananaginip siya. Bakas sa mukha niya ang pagod at sakit na nadarama niya. Napahinga ako ng malalim saka ako lumabas ng kwarto at sumandal saglit sa pader.
BINABASA MO ANG
Trace Memory (Editing)
Mistero / ThrillerIsang nilalang na may "unfinished business" sa lupa; ang hanapin ang nawawala niyang alaala. Pero dahil isa na lamang siyang kaluluwa, hindi niya magawa-gawa dahil wala naman nakakakita sa kanya. Magawa niya kaya ang mission niya sa kabila ng matind...