Race's POVIlang araw matapos ang panaginip ko, nagpunta ako sa malayong lugar. Hindi naman gaanong malayo, sapat lang para makalayo ako sa realidad. Sa masakit na katotohanan. Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin ito sa kapatid ko. Natatakot ako. Natatakot ako sabihin kay Rihko, baka kasi magalit siya sakin. Hindi ko naman kayang magalit siya.
Ugh.
Lumabas ako sa terrace. Ito yung vacation house namin. Dito kami nagcelebrate ng pasko bago mangyari ang aksidenteng yun. Walang nakakaalam na andito ako. Maski ang tropa ko.
*bzzztbzzzt*
Agad kong kinuha ang phone ko.
Bumungad sakin ang text ni Joshua.
---
Fr: JoshRace, asan ka ba?! Nung nakaraan pa kita hinahanap! Mag usap naman tayo oh. Handa akong makinig sa paliwanag mo. Call me. Asap.
---
Pagtapos ko basahin yun, pinag isipan ko kung tatawag ba ako. Ugh.
Mga ilang ring sinagot na rin nya.
"Hello."
[Sabi ko naman sayo Jessica mamaya na tayo mag usap! I'm sleeping!] sigaw naman niya sa kabilang linya. Kahit kelan talaga to.
"Josh. Race 'to." Mahinahon kong sabi.
[what the f..Race! Thank God at tumawag ka na rin. Asan ka dude?! Nung nakaraan pa kita hinahanap.] natawa nalang ako.
"Andito ako sa vacation house namin."
[anong ginagawa mo jan?]
"Nag isip isip. Pumunta ka dito. Isama mo na si Drake. Mageexplain na ako. Hindi na kaya ng konsensya kong itago 'to. Hihintayin ko kayo."
[okay dude. Got it. Tetext ka nalang namin kapag nandyan na kami. Bye.] at binaba na niya pagkatapos.
Hay. Sana nga lang tama desisyon ko at sana matulungan nila ako. Malalaman din ni Rihko to.
Ang hirap maging kuya..
****
Mga ilang oras din at dumating na sila. Kinakabahan ako.
"Race.." Sabi ni Joshua.
"Tara sa sala." Sabi ko naman at dumiretso sa sala namin.
Katahimikan ang bumalot saming tatlo.
"So?" Pagbasag ni Drake sa katahimikan.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
"I was there." Pagsisimula ko. Agad naman silang tumingin sa akin na para bang nagtataka.
"Where?" - Joshua
"Sa lugar kung saan naaksidente sina Daniel." Kabado kong sagot.
"Anong ginagawa mo run?" Medyo mariing tanong ni Drake. Malamng, kuya niya yun eh.
"Maniniwala ba kayo sakin kung sasabihin ko?"
"Kaya nga kami nandito diba? Pakikinggan namin ang kwento mo." -Joshua
"Pakikinggan niyo lang pero hindi niyo paniniwalaan."
"Aish. Bahala na. Basta ikwento mo na."-Drake
"Hay. Sige kayo na bahala kung maniniwala kayo sa mga sasabihin ko. Ang akin lang gusto ko na matahimik ang konsensya ko." Tumango naman yung dalawa.
"Nagsimula yun nung pasko. Napagdesisyunan namin na magcelebrate ng pasko dito sa bahay na 'to.."
***
BINABASA MO ANG
Trace Memory (Editing)
Misterio / SuspensoIsang nilalang na may "unfinished business" sa lupa; ang hanapin ang nawawala niyang alaala. Pero dahil isa na lamang siyang kaluluwa, hindi niya magawa-gawa dahil wala naman nakakakita sa kanya. Magawa niya kaya ang mission niya sa kabila ng matind...