Prologue

7 0 0
                                    

"Ganyan na ba kababaw ang tingin mo sakin, Marco?" hindi mapigilang sumbat ni Chelsea sa lalaking kaharap ngayon.

"Sumagot ka!" ulit niyang sabi habang pinipigilan ang mga luha na pumatak.

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo dahil, simula't sapol wala naman talaga akong gusto sayo." walang emosyon na sambit ng binata.

Halos binuhusan naman ng malamig na tubig ang buong katawan ni Chelsea sa mga narinig na salita galing sa lalaking inakala niyang mahal din siya.

"Umalis ka na rito sa bahay dahil, tapos na ang kontrata mo!" diretsahang sambit ng binata sabay talikod at nagsimulang maglakad papalayo rito.

Kasabay ng bawat hakbang nito ay ang mga luha naman ni Chelsea na sunod-sunod sa pagpatak. Kasabay naman nito ay ang panghihina ng kanyang mga tuhod dahilan, upang mawalan siya ng balanse at mahulog sa swimming pool na katabi niya lamang. Sa kadahilanang hindi siya marunong lumangoy kayat hirap siyang abutin ang gilid ng pool. Pilit niya mang gusto tumawag ng tulong pero, hindi niya magawa dahil kusa na rin siya nawawalan ng hininga.

"Marco." sambit niya sa isip bago, tuluyang nawalan ng paningin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Melody #PondPhuwin AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon