Little Miss Player

1.5K 33 25
                                    

Second Tagalog story ko! Please read and support guys! I need yer comments po. Have fun Reading! :)

©JellyBeans

Prologue

Alam mo ba yung feeling ng may tinatakasan ka tapos bigla na lang one day, hindi mo inaasahang kelangan mo na pala harapin yun?

Have you ever felt being eaten away by extreme guilt? Gustuhin mo mang iwasan ‘to, hindi mo magawa. For the reason na kung kelan naman malapit ka nang magtagumpay, saka naman muli kang babalik-balikan ng guilt na ‘yon.

Ma-iisip mo pa kaya ang dapat mong gawin kung lahat ng gusto mong ibaon sa nakaraan, at pilit kinakalimutan ay bigla na lang dumating sa hindi inaasahang panahon at paraan?

Wii you still be willing to play deaf and blind sa mga matters sa buhay na hindi mo basta-basta nalang pwede takasan?

Magagawa mo pa bang magpakamanhid sa isang salitang ikaw naman talaga ang umabuso sa una pa lamang? Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Alam mo, at alam nating lahat ang tinutukoy ko. At iyon ay ang bagay na mahirap i-judge kung peke nga ba o totoo.

Pagmamahal.

Have you ever loved someone? Yung tunay at hindi fling lang? Nakagawa ka na ba ng bagay na nagpabago sa’yo at sa pananaw mo sa mundo para lang sa word na love?

Siguro nga minsan para sa karamihan sa atin, lalo na sa mga masyado pang bata, mahirap intindihin ang tunay na meaning ng salitang yun. Siguro nga minsan, naaabuso na natin ito nang hindi natin alam. Kadalasan ang pag-ibig hindi maiiwasang mauwi sa isang malaking biro. Let’s say, naging willing ka lang na tanggapin ang infatuation para sa’yo para lang pakita sa mga friends mo na may nagmamahal sa’yo or rather marami ang nagmamahal sayo at gusto ka maging nobyo or nobya or whatsoever term na ginagamit para dun.

Well, based on experience, mali pala yung ganung bagay. Mali palang paglaruan ang damdamin ng ibang tao just for your own fun.

No matter how much I wanted to forget the horrible things I did in the name of love—no hindi totally love; Again, infatuation lang siguro siya at first—hindi pa rin ako mapatahimik ng conscience ko. At syempre ng so called karma.

Totoo pa la yun? Lahat ng mga ginagawa mong bagay na hindi kanais-nais, babalikan ka sa huli. At hindi ka lang babalikan, beacause at some point maaaring mas matindi pa yung mangyayari sa’yo.

I used a lot of people for my own sake. I used a lot of boys just to show the crowd na I can manipulate everyone around me. At the same time, I played those games for fame. Whenever I felt like people have gotten so much attached to me than normal, I would just break up with them with no rationale at all.

Sabi ko noon, isang laro lang naman ang pag-ibig. Hindi dapat siniseryoso dahil ikaw lang ang masasaktan sa huli.

Guess what? Those words made a rebound on me.

Dahil kung kelan ko naman natutunang pahalagahan ang tinatawag nilang love, saka naman ako ang napaglaruan nito.

I’ve undergone humiliation, of course. Because of that, I chose to give my revenge. Pero, sa dulo, binagabag pa rin ako ng conscience ko kaya pinili ko na lang lumayo para kalimutan lahat ng nangyari.

However, fate has its own ways para balikan ang bawat isa sa atin.

Dahil kung kelan naman malapit ko ng mabura sa ala-ala ko ang lahat, bigla na lang dumating ‘tong pagkakataon na kelangan ko bumalik at harapin ang tao at ang mga alaalang gusto ko nang ibaon sa limot.

I don’t have a choice left other than face the inevitable.

Then again, on top of it all, I still wonder about one thing:

Minahal kaya nya talaga ako?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Lotsa Thanks! Comment or vote?

Little Miss PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon