Little Miss Player-Chapter 6-II (Flash Back)

224 13 9
                                    

Chapters like this are the hardest to write. Bakit kaya?..just read! xD

Comment, kay? I hope it’ll move you. :)

“Teach not thy lip such scorn, for it was made for kissing, lady, not for such contempt.”

—William Shakespeare

Chapter Six-II

♫♪And who do you think you are

Running ‘round leaving scars

Collecting your jar of hearts

 And tearing love apart

You’re gonna catch a cold

From the ice inside your soul. . . ♫♪

“Ugh!” Tinakpan ko yung dalwa kong tenga gamit yung palms ko ng sobrang higpit. Pero kahit gaano ko pa man i-block yung melody nung kanta, hindi pa rin matanggal sa pandinig ko yung lyrics.

Bago ako umalis papalabas mula sa party hall, yun yung exact song na nagplaplay. . . Oo, yun din yung song na tumutugtog nung sinabi ni Wesley kung anu man yung sinabi niya kanina.

Well, I’m dancing right now with the girl who captured my heart from the very start.

Anung ibig sabihin niya dun? Is he serious? Wait, hindi ba dapat matuwa ako dahil normal naman ‘to. Normal na sa’kin yung ganitong situations kung saan magtatapat yung guy na gusto ka niya. In the end, kung type ko—type kong paglaruan—syempre kakagat ako. Pero bakit parang iba naramdaman ko nung sinabi yun sa’kin ni Wes. Bakit ganun na lang kalakas epekto sa’kin ng mga salita niya? Bakit? Bakit? Bakit? Bakit ko kelangan magwalk out? Buti na lang talaga busy halos lahat sa pagsasayaw at walang nakapansin sa’kin.

Sa backdoor ng building ako dumaan. Isa sa mga private resort ng founder ng Hemsworth yung building kung saan ginanap yung Foundation ball ng school. Kaya naman nang makalabas ako, isang madilim na dalampasigan ang sumalubong sa’kin.

Kahit malamig ang simoy ng hangin, at manipis pa ang suot kong gown, tiniis kong umupo sa white sand. Siguro dito na lang muna ako hanggang matapos yung party. Hindi ko afford bumalik dun. Hindi ko kayang harapin yung taong. . . hindi ko kayang harapin si We—

“We—Wesley?” I stuttered, very much surprised to see him sitting a few meters from me. One minute ago, mag-isa akong nakaupo sa miliones na pinong buhangin na ‘to, paano siya biglang sumulpot dito na hindi ko nararamdaman?

Hindi siya sumagot.  Hindi rin niya ako tiningnan kahit medyo lumapit siya sa’kin. Nag-indian seat at pagkatapos ay tumingala yung ulo niya sa kalangitan. Pinagmamasdan ba niya yung mga stars?

“Ang ganda nila no?” ang mahinang sabi ni Wes.

Napatingala nalang din tuloy ako. Tumango ako ng mabagal habang pinagmamasdan yung mga tiny sparkling stars. Maganda nga sila. Actually, ngayon ko lang nasabing maganda sila. Hindi naman ako yung type ng person na masyado magscrutinize ng nature. Siguro mag-observe ng tao pwede pa.

Tinaas ni Wesley yung isang kamay niya para i-point out yung pinakamalaking star. Uh..No.  Based on my small understanding about astronomy, hindi star yung tinuro niya. Jeez.. I know where this conversation is heading.

“Venus,” I said aloud.

Wes nodded. “Alam mo ba kung ano ang Greek equivalent ng roman goddess na si Venus?” Of course. Sabi na nga ba dito pupunta ‘to.

“Aphrodite.” I whispered, “Goddess of love and beauty,”

“Hmmm..” he sighed, “you know, I always wondered why Zeus let Aphrodite marry Hephaestus.”

Little Miss PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon