Little Miss Player-Chapter 8 (Flash Back)

205 13 6
                                    

Just read. I don’t want to spoil na puno ng sweetness na nanggaling sa ibang lupalop ‘tong chappy na ‘to. -_________-

 Note: Sorry sa late update. Gosh, na-adik ako sa Tumblr. >_< LOL. Sorry. ;)

Chapter 8

Senior Year

Wesley's POV

You can't escape the feeling of regret. Kahit gaano mo pa man isiping hindi isang laro ang ginawa at gagawin mo pa lang, mahirap pa rin alisin sa guni-guni na may dahilan at may kapalit ang lahat.

"Wes!" Tinawag ako ni James habang naglalakad ako sa hallway, monday afternoon.

Nilingon ko siya at napansing kasunod niya ang buong team. "Anong meron?" I asked.

Nag-grin muna silang lahat bago sinabing "Good News," all at once. "Pero bago 'yon, gusto ka muna naming i-congratulate sa success ng student council for the foundation ball."

"Err...Thanks," I mumbled, "So ano na yung good news?"

Nagngitian ulit silang lahat hanggang sabihin ni James kung ano nga yun, "Maglalaro ka sa inter-school! Napili ka ni coach!"

Pinilit kong magmukhang masaya. Medyo mahirap din considering na there's something I have to do in return.

Tumutupad talaga siya sa usapan.

Habang kinocongratulate muli ako ng team, napansin kong nakatingin lang siya sa'kin. May smirk siya sa mukha na para bang nag-iimply na, Kelangan mo na ngayong gawin ang part mo. Napatango ako sa direction niya. Kahit ayaw ko man gawin 'yon, I know he need this small reaasurance just to make things at peace. For now.

Isipin ko mang ginusto ko 'to para makapasok sa varsity at makapaglaro to make my dad proud, hindi ko maikaila sa sarili ko na mali ang ginawa ko. Lalo na ngayon at. . . lalo na ngayong sa tingin ko. . . in love na ba talaga ako kay Angela?

"Pa-burger ka naman Wes!" Biglang sabi ni Gerrick. Maya-maya nagchant na silang lahat ng burger, burger, burger.

Hay parang mga bata lang.

"Tomorrow guys! Promise!" sabi ko habang tumatawa.

"Weh, tumatakas ka lang sa panlilibre, eh!"

"Hindi. Bukas talaga, totoo yun! I need to catch someone for lunch."

Napatigil silang lahat, "I'm betting 1 K, chicks 'yan no?" sabi ni Daniel.

"Sino Pare?" Patrick nudged.

Napakamot ako sa ulo ko, "Si Angela,"

Napatigil ulit sila pero saglit lang kasi after a while nagsipulan agad sila, "Bilis mo Wes!"

"Good Luck na lang sa'yo!" Sabi ni Max.

Tinapik ako ni James sa balikat. Muntik ko nang isiping tunay na friendly na tapik 'yon. Oo nga pala at kasama siya larong 'to. Kahit ba supporting role lang. "H'wag mo masyado dadamdamin ang magiging break up in the future ha!"

I read that as: Make sure hindi ka niya mauunahan makipagbreak.

"Speaking, may hindi pa nakaka-move on," sabat naman ni Gerrick.

"Wala na sa'kin 'yon no! Hindi na kayo nasanay kay Angela." sabi ni Christian, "Good luck na lang talaga sa'yo Wes!"

Good Luck nalang talaga sa'yo,

Nandun na lahat. Nandun na lahat ng kelangan niya i-parating na laman din ng titig niya kanina pa.

Ano 'tong napasok ko?

Little Miss PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon