Little Miss Player-Chapter 9

203 12 6
                                    

Thank god gawa na laptop ko kaya nakapagsulat na ng maayos nang hindi naghahang yung screen. Hahahahaha! Gosh, hirap magcalm down after magtype ka tapos bigla magfreefreeze yung screen tapos mabubura lahat ng sinulat mo. Ugh! O.O <---ganyan reaction ko. Tapos ganito ------> >:@ asdfgjk!!!***@@ Nakakarelate ba kayo?..xD

Anyways, eto na po ulit ang isang nakaka-asar na chapter. LOL. Present ang setting. :)

Chapter 9

College Year

Kahit pa five days na nakalipas after foundation ball, feeling ko nandun pa rin ako sa moment ng kahihiyan at galit sa sarili ko. Bakit pa kasi ako umasa? Siguro nga akala ko madali lang kalimutan ang lahat. In the first place, we’ve all been played around. We’re all victims here.

When I walked away last Saturday, no matter how silent my escape was, I still made a scene. Tumakbo kasi ako papalabas ng umiiyak. Madaming nakakita sa’kin. At sa tuwing naglalakad ako sa hallways since Monday morning, ramdam kong madaming mata ang nakatitig.

Today, Thursday afternoon, ganoon pa rin ang scenario habang tahimik akong naglalakad papuntang locker ko. Hindi ko na lang pinansin yung mga curious na mata sa paligid as I hastily stuff my books in my locker and took the things I need for my afternoon classes. Pasarado pa lang ako ng locker nang biglang sumulpot si Amy sa likod ko.

“Hey, you might want to put those things back,” tiningnan niya yung mga notebooks na kakukuha ko pa lang.

I raise my brows at her, “Why so? I need them for later,”

“Classes from 1 until 7 are all cancelled,”

“Huh? What for?”

Amy shakes her head, “You really know nothing about what’s going on around, don’t you? We need to attend the briefing for our first project.”

Oh, yeah, right. Paano ko nakalimutan yun? Dahil nga pala exchange students kami, kelangan namin mag-complete nag four projects, degree program-based, during our stay at Hemsworth. I almost forgot we’ve been here for more than two weeks now. Indeed, it’s time to start one of those works.

Binalik ko na yung notebooks ko sa locker. Paalis na ako nang pinilit ako ni Amy na pumuntang cafeteria. Ever since the start of the week, I see to it na hindi ako dadaan dun. Baka kasi, alam niyo na…baka Makita ko lang dun si Jess at Wesley. Pero napilit pa rin ako ni Amy sumama sa kaniya, andun daw kasi yung batchmates namin, nag-uusap na for the project na hindi pa naman naiaannounce kung ano. By the way, by group yun. I was just forced to go to the cafeteria due to that. I need to choose a group of my own.

Pagkapasok naming sa cafeteria, kapansin-pansin agad na the place was unusually packed with a  lot of people. Nasa may east tables yung mga exchange students. Dumiretso kami dun.

“Hello guys. So what’ve you talked about so far?” bati ni Amy sa mga co-students namin sa fashion design.

Umupo kami sa table nila at nagdiscuss na nga sila tungkol sa grouping. Since 10 kami, nagdecide nalang kami na pumili ng kung sinong gustong maging partner ng bawat isa. Five groups daw kasi per project, at i-memerge nalang kami sa ibang exchange students from a different program. Balita din daw nila, may isasama ding students ng Hemsworth.

“I’ve heard we’re gonna have a photo shoot.” Says Andrea. Siya nga pala yung partner ko dahil walang pumili sa kaniya, no choice din naman ako dahil naubusan na din ako ng options. Alam ko namang magaling na student si Andrea, kaso nga lang, minsan nagiging over the limit yung excitement niya for something. Samahan mo pa ng nerd looks niya. How cool could that be?

Little Miss PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon