Little Miss Player-Chapter 5 (Flash Back)

264 14 9
                                    

Some action/heroic scene here. Hope you'll continue supporting this story! :)

Flashback pa rin po 'tog chapter na 'to! :)

Chapter 5

Senior Year, Hemsworth International School

"NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"

"Angela," mahinahong sabi ni Rica. "Don't worry I'm sure naman na-"

Alam mo yung feeling na bigla nalang humarang sa daan mo yung taong pinakasusuklaman mo? Yung taong wala na ginawa kundi asarin ka sa araw-araw? Makakapagtimpi ka pa ba? Hindi ba't pag napuno ka na, at nagkataon namang game pa siya sa pang-aasar, tila ba gusto mo na siyang patayin sa suntok?

Nevertheless, I can't afford to do that kaya naman ginawa ko na lang yung sunod na bagay na pumasok sa isip ko. I tore out the paper posted on the bulletin board. Pati yung tarpaulin na nagawa agad ipost ng faculty sa Office ng Student council, muntik ko ng mahila at gutay-gutayin.

Buti na lang at napigilan ako ni Rica at Charice. No, hindi mabuti yun! Kelangan kong gutay-gutaying yun!

"You don't want to do that Angel! Gagawan mo lang ng mainit na issue sarili mo. They'll tell you na hindi ka marunong tumanggap ng pagkatalo." Charice said.

I heaved a sigh. "But I should've won. If I know, dinaya niya ako. Hindi pwedeng mangyari 'to."

"Pero Angel, hindi ba't tinulungan ka pa nga ni Wes sa pagkakampaign the past two weeks? Kahit magkalaban kayo, he still extended his help." Sabi ni Rica.

"And besides," Charice started, "Hindi ba't malaki naitulong niya while acting as your Assistant President? Although maikling panahon lang yun, hindi yun nalihim sa knowledge ng mga students."

Hinigit ko yung braso ko from their grasp, "And you think dahil doon deserve na niya manalo?"

"Think on the brighter side, girl. You promised each other something didn't you?" sabi ni Rica.

Yeah, we did.

*a week ago*

Tinanggap kong makakalaban ko si Wes sa pagtakbo as student council president, pero hindi ako magpapatalo. Kaya naman nagulat ako one day sa suggestion niya,

"Angela, since naman na wala na tayong hard feelings from the thought na magkakalaban tayo for presidency, why don't we make a vow?" Wesley had said.

Sa totoo niyan, siya lang ang walang hard feelings sa nangyari. Hindi ko pa rin siya napapatawad sa pagrefuse niya na magback-out as candidate nung kinausap ko siya. At hinding hindi ko siya mapapatawad kapag siya ang naging dahilan ng pagkatalo ko.

"Whoever won, let's just promise na the unlucky one will be given a chance by the winner to be a part of the council. You know, kahit representative lang or advicer." he had suggested.

"But is that even allowed?" I had asked out of surprise.

"Syempre naman. Don't you know na as a president, you'll have the right to add a member to your council just as long as my reasons ka for doing so. Let's say katulad na lang if you need someone's advice. And not just someone ha. You'll need advice from someone who knows the ways of being a student officer."

"Sa sinasabi mong yan, para bang you're sure of your victory na and that you'd need me as an advicer." I had said, harsh and with no hint of humor.

"No, no, no. 'course not. Please don't think about it that way. I'm just making this easy for the two of us."

"Okay, it's a deal then." Sinabi ko with a smirk.

At that time, isang bagay lang naman nasa isip ko, I'll never let Wesley win.

Little Miss PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon