Little Miss Player-Chapter 16 (Flashback)

21 0 0
                                    

A/N: After 2 years. Here it is. Enjoy! :)

---------

Chapter 16

Senior Year

Yung encounter ko with Ronald just a few hours ago gave me a reason to be vigilant. May mga taong gusto ko pabagsakin. At hindi lang ako pati si Wesley. Tinawagan ko agad si Wesley at nag-meet kami sa my parking ng school.

“Anung nangyari? Are you okay?” Ang sabi nya agad.

Kinwento ko sa kanya yung nangyari sa basement.

“At pumayag ka sa deal nya? Angela! It’s dangerous. You can’t trust him na i-destroy na lang lahat ng copies.”

“I don’t know Wes, pero I think it’s for the better.” I said. Habang sinasabi ko yun, sumagi sa’kin yung mga nakita ko nung mga nakaraang linggo. Wes’ dad with a maid. Wes’ dad kissing my mom. I have all the evidence and I haven’t destroyed them. Ako nga walang lakas ng loob sirain yung mga yun for some odd reason, paano pa kayo yung kampo ni Ronald? Mapapatahimik pa sila ng pera?

“Angela we need to talk. I think alam ko kung sino ang gustong magpabagsak sayo,” sabi ni Wes.

Binigyan ko sya ng questioning look. “What do you mean?”

“Basta. Meet me here after class. We’ll go somewhere na walang makakarinig sa’tin. My place.”

Nag-ka-goose bumps ako sa sinabi nya. For me, his place is nowhere safe than this school.

“Okay. I think may kelangan din ako sabihin sayo.”

***

Naka-upo kaming dal’wa ni Wes sa kama nya. Siguro mga 20 minutes na ang nakalipas nang dumating kami pero hanggang ngayon hindi pa rin maumpisahan ni Wes ang sasabihin nya.

“Angela. You have to promise. Don’t get upset or anything. I just did it because I have to but everything that happened between us. All of it were true.”

Pinanindigan ako ng balahibo sa tono ni Wesley. “Sabihin mo na Wes. I promise I’ll keep an open mind.”

“Okay, I made a deal with someone para makapasok ako sa basketball team at makapag laro sa inter-school.”

“Okay. I think that’s wise. I mean hindi yun yung reason kung bakit ka nagtransfer. Kelangan mo maglaro sa interschool to make your dad proud.” That last remark made me almost want to puke. Hindi karapatdapat ang dad ni Wesley to have pride over his son’s success.

“Yes. Yes. I’m glad you remembered. But Angela, impossible na makapaglaro ako sa inter-school dahil transferee ako pero may isang tao na nag-push kay couch.”

“Huh? I’m sure naman na deserve mo yun. Saan ba ‘to pupunta Wes? I don’t think may kinalaman ‘to sa threat ni Ronald.”

“Actually meron. Yung taong yun wanted to make your senior year miserable. It was Christian. He wanted me to lead you on and then break up with you before you even get to make the move and make you think everything was a bet.”

Alam mo yung feeling na marereaach na yung loop sa roller coaster and alam mo na hindi mo kaya yung feeling na dala nung pagbaliktad ng sikmura mo habang pinapanood mo yung buong mundo mong bumaliktad? Para matakasan yun pumikit ka. Naramdaman mo yung pagbaliktad ng mundo pero at least hindi mo nakita.

Gusto kong pumikit sa mga oras na sinabi yung ni Wes pero kahit man magawa kong pumikit, I know that it won’t do me any comfort as I watch myself being played by my own games.

“Wes,” is all I can say. Namuo na yung luha sa mga mata ko hanggang sa tumulo na nga sa pisngi ko at hindi ko na mapigilan no matter what I do.

“Angela. I’m so sorry. But remember what I told you. Everything I did was true. I swear. Please Angela. Please look atme.”

Hindi ako makatingin kay Wes habang tuloy pa rin ang pag-iyak ko. Kasi kahit na masakit na marinig yung deal na ginawa nya sinasabi pa rin ng puso ko na Wes has been sincere from the very start and I know na once I stare into those gray eyes. I’ll be lost in his comfort again.

In a different time, siguro tatalikod na ko sa gitna ng ganitong situwasyon at mapupuno ng galit. But then as soon as Wesley spoke again, pleading, I caught myself looking into his eyes, longing for his comfort.

“I’m sorry Angela. I’m really sorry.” Teary-eyed na rin si Wes.

I know na in this situation I should’ve focused on what Wes told me. But instead na-divert yung train of thoughts ko sa bagay na nagpaamin kay Wes.

“So it’s Christian. I should’ve known na this will happen sooner or later. I’ve done awful things to people,” I say sabay sob.

“Shhh. Angela. It’s okay. We’ll fix it.”

“But what about you Wes? You made a deal with Christian. What makes you think na he’ll let you off the hook when he’s been going on extreme measures to make me pay. I’m sure sya din yung nag-plot nang muntik na ako mapagsamantalahan a couple of weeks back.”

Napa-raise ng eyebrows si Wes and he smiled, “Don’t be concerned about me now Angela. What I meant when I say we have to fix it is your situation. I’ll handle Chris, don’t worry. Ngayon kelangan natin humanap ng paraan kung paano mapaamin si Ronald na si Chris nga ang nagpagawa nung video mo.”

Wes touched my shoulders and then pulled me into a hug. Noong mga pagkakataong yun, gusto ko na lang mag-lean sa balikat nya, and forget that I’m living in a twisted world.

I never knew I would fall and care for a boy this much. I never knew I’m capable.

“We’ll fix it together. All of it,” is what I say as we lie in his bed tangled in a deep embrace.

Little Miss PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon