Taong 1895
***
Hindi ako makahinga.
Para akong sinasakal at walang hangin ang pumapasok sa ilong at bibig ko at tila ba nalulunod ako. Sobrang init din ng pakiramdam ko at ramdam ko rin ang tagaktak ng pawis sa noo at leeg ko. Gising na ang diwa ko pero para bang ayaw dumilat ng mga mata ko.
Ilang minuto pa ay sa wakas naimulat ko. na rin ang mata ko at parang isang hingal na asong habol-habol ang aking hininga. Para ba akong nakipaghabulan sa kabayo, ganon na lamang ang hingal na inabot ko mula sa pagtulog. Hindi lang 'yon, hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ang sakit ng katawan ko.
Nakangiwing sinimulan kong masahihin ang balikat ko na ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang ngawit na nararamdaman ko. Para bang nag push-up ako ng isang daang beses—ganon ang pakiramdam.
Habang humahangos ay ganon na lang ang pagtataka ko nang masilayan ang paligid ng kinaroroonan ko ngayon.
Nanlalaki ang mga matang nilibot ko ang paningin sa paligid ng kwartong kinaroroonan ko. Saang lupalop naman ng mundo ako nakitulog?
Paanong nangyaring gawa sa lumang kahoy ang paligid ng kwartong 'to? Dahil sa sobrang pagtataka ay mabilis kong kinusot ang mga mata sa pag-aakalang namamalik-mata lang ako—pero gago hindi! Pagdilat ko ay ganon pa rin ang nakikita ko!
Lalo pa akong napuno ng pagtataka nang makitang hindi ako nakahiga sa kama kundi sa isang banig na nakapatong sa sahig, kaya naman pala ang sakit ng katawan ko.
Anong klaseng bahay ba ang natulugan ko at wala manlang kama? Nalasing ba ako kagabi? Punyetang 'yan bakit wala akong maalala!?
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa banig at tsaka masuring nilibot muli ang mata sa paligid ng kwartong kinaroroonan ko.
At talagang hindi nga ako nagkakamali. Gawa sa kahoy ang paligid ng kwarto at walang kahit anumang gamit maliban sa isang lumang kabinet. Pati ang suot kong damit ay lalong nagpabaliw sa akin. Sinong hindi mababaliw kung magigising ka sa ganitong kwarto na para bang panahon pa ng mga espanyol ang kalumaan tapos naka-suot ka pa ng saya. Hindi ko alam kung tama bang saya ang tawag sa damit na 'to, basta para syang damit na sinusuot kapag buwan ng wika.
Ilang beses kong sinampal ang sarili ko para gisingin ang sarili sa pag-iisip na baka nananaginip pa rin ako hanggang ngayon. Pero sumakit lang ang pisngi ko at wala ring nangyari, nandito pa rin ako.
At doon na lang ako tuluyang napanganga nang maalala ang nangyari kagabi.
Lunar eclipse, 'yung batang nalulunod, ang pagtalon ko sa pool para sagipin 'yung bata at tsaka ang pagkalunod ko!
Tangina, ano bang nangyayari?
Natigil lang ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang may katandaan na babae. Kamukha ng suot ko ang suot nya.
"Mabuti naman ay gising ka na." bungad nito sa akin, samantalang ako ay naka kunot lang ang noo at puno ng pagtataka sa mga nangyayari. "Naghihintay na sa baba ang kalesang sasakyan mo papunta sa bahay ng mga De Leg-"
Hindi ko na sya hinayaan pang matapos sa pagsalita at agad kong tinaas ang palad ko para patigilin sya.
"Teka lang ha." Bahagyang natatawang sagot ko sa kanya. "Joke ba 'to?" puno ng pagtatakang tanong ko sa kanya. Tangina magbiro na sya sa lasing wag lang sa bagong gising! Kakagising lang tao tapos gaganyanin nya?
![](https://img.wattpad.com/cover/344224915-288-k825365.jpg)
YOU ARE READING
Isang Daang Tula Para Kay Veronica
RomanceDawn is a resilient college student navigating the challenges of academia while grappling with personal struggles. One fateful night during a lunar eclipse, Dawn selflessly risked everything to save a drowning boy. In a twist of fate, she found hers...