***
"Aurora!"
Agad akong nag-angat ng tingin sa pinanggalingan ng nag-aalalang boses na iyon.
Nakita ko kung paano pinigilan ni Señorita Veronica gamit ang kanyang katawan si Ginoong Rafael sa tangka nitong muling pag-lapit sa akin.
"Anong nangyayari dito?" puno nang pagtatakang tanong niya kay Ginoong Rafael bago marahas na itinulak palayo ito sa kanya, "Bakit mo sinaktan si Aurora?" galit na tanong nyang muli dito.
Tinuro pa nya ako nang hindi ako nililingon.
Mabilis akong tumayo para lumapit kay Señorita Veronica dahil nag-aalala ako na baka sya ang pagbuntungan ng galit ni Ginoong Rafael.
Hinawakan ko ang braso nya para iharap ang katawan nya sa akin, "May hindi..." huminga ako ng malalim, "May hindi lang kami pagkakaintindihan ni Ginoong Rafael." paliwanag ko dito kaya naman lalong nagsalubong ang kilay nya.
"Nakita ko kung paano ka nya pinagbuhatan ng kamay!" galit na sagot nito sa akin bago marahas na binawi ang braso mula sa pagkakahawak ko. "Tapos ay sasabihin mo sa akin na dahil lang iyon sa hindi pagkakaintindihan?"
Ilang beses akong umiling sa kanya, "A—ayos lang ako, Señorita." pagsisinungaling ko dito kahit ramdam ko ang kirot at pagdurugo ng labi ko. "Bumalik ka na sa loob."
Mas gugustuhin ko na lang na ako ang saktan ni Ginoong Rafael kaysa madamay pa si Señorita Veronica.
Maling mali si Ginoong Rafael pero naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling ang galit nya. Minsan talaga ay mas pinipili ko na lang umintindi kaysa naman bigla ko syang gripuhan sa taglirang animal sya.
Ang hindi ko lang lubos maisip ay kung paano nya nalaman ang tungkol sa kwintas at kung paano nya naisip na ninakaw ko iyon.
"Walang aalis dito." bulalas ni Ginoong Rafael bago humakbang palapit sa akin tsaka mabilis na muling hinila ang braso ko, "Dapat lamang na malaman ni Veronica ang mga pinaggagagawa ng magnanakaw na katulad mo!" sigaw nito.
"ladrón?" nagtatakang tanong ni Señorita Veronica na ngayon ay magkasalubong na ang kilay. "Anong ibig mong sabihin?"
Sarkastikong tumawa si Ginoong Rafael bago ako hilahin papalapit sa kanya tsaka nya itinaas ang isa nyang kamay na may hawak sa kwintas.
"Hindi ba't ito ang paborito mong kwintas?" bulalas nyang tanong kaya agad na tumingin doon si Señorita Veronica, "Nakita ko itong suot ng paborito mong alipin na iyan."
Puno ng pagbibintang na saad nito bago ako marahas na tinulak papunta kay Señorita Veronica na agad naman akong sinalo para hindi ako mawalan ng balanse at tuluyang bumagsak sa lupa.
Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Señorita Veronica. Ang kaninang mata nya na puno ng pagtataka sa nangyayari ay biglang dumilim at ang kanyang panga ay agad na nag-igting.
Nakipaglaban sya ng tingin kay Ginoong Rafael bago sya dito lumapit hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo nila sa isa't-isa.
Pipigilan ko sana sya pero maging ako mismo ay natakot sa nakita kong emosyon sa kanyang mata. Ngayon ko lang sya nakitang ganito.
Ganito pala sya magalit.
Hindi ko tuloy maiwasang maalala sa kanya ang itsura ng kanyang ama noong araw na nagalit ito sa kanya nang hindi sya sumipot sa misa.
YOU ARE READING
Isang Daang Tula Para Kay Veronica
Storie d'amoreDawn is a resilient college student navigating the challenges of academia while grappling with personal struggles. One fateful night during a lunar eclipse, Dawn selflessly risked everything to save a drowning boy. In a twist of fate, she found hers...