Ikatlong Kabanata

1K 80 73
                                    

***

Nagigising ako sa bawat araw na para bang nakakulong ako sa isang time loop na paulit-ulit lang ang mga nangyayari at kahit anong gawin ko ay parang wala akong kakayahang makawala doon. Parang lumilipad ang oras—pakiramdam ko ay nakasakay ako sa isang mabilis na tren na ang patutunguhan ay wala akong kasiguraduhan.

Ang bawat segundo ay mabilis na nagiging minuto hanggang sa maging oras. Unti-unti na akong nasasakal sa bawat araw na lumilipas. Walang oras na nagdaan na hindi ako nanabik na sana ay magkaroon ng pagbabago o kahit kalinawan manlang sa kung ano bang dahilan kung bakit ako napunta sa panahon na 'to.

Punyeta naman kasi, para na akong mababaliw.

"Narito at kumain ka pa ng marami." lumingon ako sa gilid ko kung nasaan si Cecilia. May dala syang dalawang tinapay at inaabot ito sa akin.

"Hala," wika ko habang nginunguya ang tinapay na nasa bibig ko na agad ko rin namang nilunok. "Hindi ba tayo mapapagalitan? Ang... dami ko nang nakakain." naniniguradong sambit ko sa kanya.

Kanina pa kasi ako kumakain ng tinapay dito sa kusina, hindi ko na nga matandaan kung nakaka-ilan na ako, pano naman kasi ay kanina pa abot nang abot sa akin si Cecilia.

"Tinapay lamang naman iyan." kibit balikat na sagot sa akin ni Cecilia bago sapilitang ibinigay sa akin ang tinapay na walang nagawang tinanggap ko na lang. "Matakot ka kung kagamitan dito sa bahay ang patagong ibibigay ko sa iyo." sabagay, ano na lang ba sa pamilyang ito ang tinapay.

"Kaso busog na ako." sagot ko sa kanya. Binaba ko sa lamesa ang tinapay na binigay nya sa akin tsaka hinimas ang tyan ko. "Nakalobo na oh." biro ko sa kanya, habang tinuturo ang gawing tyan ko.

"Wala yatang inuutos sayo ang Señorita?" kapagkuwan ay tanong nya sa akin.

Umiling ako. "Nako, hindi naman 'yon pala utos. " totoo naman, hindi naman kasi pala utos na amo si Señorita Veronica. Uutusan lang ako non kapag magpapakuha sya ng meryenda at tubig o kaya naman kapag gusto nya ng kasama sa silid aklatan habang nagbabasa.

"Mabait talagang tunay si Señorita Veronica." agad naman akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nya.

Sa ilang araw kasi na kasama ko sya ay wala naman akong makitang pintas sa ugali nya. "Madalas lang syang tahimik." kibit balikat na sabi ko.

"Syang tunay." pagsang-ayon ni Cecilia. "Tahimik at napaka hinhin na dalaga. Sya ang bukod tanging De Legazpi na hindi nang-aabuso sa mga tulad nating indio."

Nagsalubong ang kilay ko. "Indio?" sa pagkakatanda ko sa pinag-aralan namin sa life and works of Rizal ay indio ang tawag sa mga Pilipino noong panahon ng mga kastila.

Tumingin sa akin si Cecilia ng may pagtataka. "Hindi mo ba alam ang tawag sa atin ng mga kastila? Mga indio...sa madaling sabi... mangmang at mababang uri sa lipunan.... pinakamababa."

"Ano naman ang tawag sa mga pinaka mataas?" tanong ko sa kanya. Tuluyan na akong nilamon ng kuryosidad.

"Peninsulares naman ang tawag sa pinakamataas na uri sa lipunan. Sila ay ang mga kastila na pinanganak sa europa na dito sa Pilipinas naninirahan." wika nya samantalang ako ay tahimik lang na nakikinig at tumatango-tango dahil sa mga bagong inpormasyong nalalaman ko. "Sumunod naman ay ang mga Insulares, sila naman ay mga kastila rin ngunit dito naman sa Pilipinas pinanganak."

Kung ganon pala edi nabibilang si Señorita sa mga Peninsulares dahil isa syang kastila na pinanganak sa espanya at dito naninirahan sa Pilipinas.

"Pangatlo naman at pangalawa sa pinakamababa... sumunod sa ating mga indio ay ang mga mestizos. Sila naman ay may dugong kastila at may dugo ring Pilipino." Dagdag pa nya ulit bago damputin ang tinapay sa lamesa at kumagat doon.

Isang Daang Tula Para Kay Veronica Where stories live. Discover now