tw!
***
Magkakasunod na katok sa pintuan ng kwarto ko ang gumising sa akin mula sa mahimbing kong pagkakatulog. "Aurora?" may kalakasang tawag sa akin ng kung sino mang poncio pilatong nasa pinto.
Kinusot ko ang kakabukas ko pa lang na mga mata para tanggalin ang mga muta na nabuo dito bago tumingin sa nakabukas na bintana dito sa loob ng aking kwarto para tignan kung tirik na ba ang sikat ng araw.
Madilim pa ang paligid at mukhang pasikat pa lang ang araw. Ngunit maririnig na rin ang pagtilaok ng mga manok sa paligid.
Nagbaling ako sa taong nakatayo ngayon sa nakabukas na pinto ng kwarto ko.
"Goo—magandang umaga, Cecilia." sarkastikong bati ko sa kanya habang naka ngiwi.
Ano bang kaylangan nya para gisingin ako nang ganito kaaga? Grabe naman ang pagiging chismosa nya kung gusto nya lang makipag kwentuhan sa akin kaya ang aga-agang nambubulabog.
Ngumiti sya sa akin. "Magandang umaga rin sa iyo, Aurora." walang maganda sa umaga kung ginising nya ako habang sobrang himbing pa ng tulog ko.
Nananaginip pa nga ako eh. Kumakain daw ako ng siken ni diwata, ang aga ko tuloy nagugutom.
"Anong meron?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang inaayos ang gulo-gulo kong buhok. "Bakit ang aga mo namang nang gigising?"
Kadalasan kasi ay sabay lang naman kaming nagigising, madalas nga ay ako pa ang gumigising sa kanya sa umaga.
"Magpapasama lamang sana ako sa iyong pumunta sa pamilihang bayan ng San Diego." sagot naman nya sa akin. "Kaylangan na kasing bumili ng mga sangkap sa ilulutong mga putahe mamaya sa media noche."
Lah, new year's eve na pala mamaya? Hindi ko na talaga namamalayan ang araw. Parang ang bilis ng ikot ng mundo at ang bilis ng takbo ng oras.
Bumangon ako at umayos ng upo sa kama. "Bakit ako?" ang alam ko kasi ay si Carmela ang lagi nyang kasama sa pamamalengke.
"Sapagkat hindi maganda ang pakiramdam ni Carmela." sagot naman nya agad sa akin. "Kaya't naisip kong ikaw na lamang ang aking isama."
Ano pa bang magagawa ko eh nagising na nya ako? Hindi na rin naman ako ulit makakatulog ng mahimbing nyan.
Tsaka ang kapal naman ng mukha ko para tumanggi, binabayaran ako dito at hindi naman ako Señorita para mag-inarte.
Tumango ako sa kanya. "Sige." sagot ko. "Pero aalis na ba agad tayo?" tanong ko sa kanya.
"Oo sana upang makabalik din tayo agad." sagot naman nya sa akin. "Bakit?"
Ngumiwi ako at nagkamot ng kilay. "Kailangan ko kasing dalhan ng umagahan nya si Señorita Veronica." paliwanag ko. "Alam mo naman 'yon—sa silid lang nya gustong kumain."
Sa silid lang nya kasi palaging kumakain si Señorita Veronica kaya dinadalhan ko lang ito ng pagkain.
Minsan ko na syang tinanong tungkol sa bagay na iyon at ang sagot nya sa akin ay wala naman daw pinag-iba kung sa baba sya kakain o sa silid dahil parehas naman daw na mag-isa lang syang kakain.
May katotohanan din talaga na hindi lahat ng mayayaman ay masaya.
Sabi nila money can't buy happiness pero hindi ako naniniwala dyan. Kasi kung ako ang magkakapera ay panigaradong araw-araw akong nakangiti kaya kung hindi kayo masaya sa pera nyo ay ibigay nyo na lang sa akin.

YOU ARE READING
Isang Daang Tula Para Kay Veronica
RomanceDawn is a resilient college student navigating the challenges of academia while grappling with personal struggles. One fateful night during a lunar eclipse, Dawn selflessly risked everything to save a drowning boy. In a twist of fate, she found hers...