***
"Buen día, mi amor.." malambing na bati ni Ginoong Rafael kay Señorita Veronica nang may matatamis na ngiti sa labi.
Abala kami kanina ni Cecilia na mag chikahan habang naglilinis ng kusina nang dumating itong si Ginoong Rafael at hinahanap si Señorita Veronica kaya heto ako ngayon at sinamahan sya papunta dito sa silid aklatan kung saan abala ngayon si Señorita Veronica sa pagbabasa ng kung ano mang librong binabasa nya.
Kung maka 'mi amor' sya ngayon kay Señorita ay parang hindi nya pinagbantaan kagabi. Akala mo kung sinong maginoo, nasa loob naman pala ang kulo.
Saglit na binaba ni Señorita Veronica ang hawak nyang libro para tanggapin ang nakalahad na kamay ni Ginoong Rafael sa kanya. Nang mahawakan ni Ginoong Rafael ang kamay nito ay agad nya iyong hinalikan katulad ng lagi nyang ginagawa.
Ayoko pa sanang iwanan silang dalawa dahil baka kung ano na naman ang gawin ni Ginoong Rafael kay Señorita Veronica pero ayoko namang maging third wheel sa kanilang dalawa.
Nakakasuka pa naman ang kakornihan ng lalaking 'yan.
Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon nilang dalawa at sabay naman silang tumingin sa akin, "Iwanan ko na po kayo." magalang na paalam ko sa kanilang dalawa kahit hindi naman kagalang-galang ang isa dyan.
"Nararapat lang at nang hindi ka makaabala sa aming dalawa ng aking mahal." aroganteng bulalas naman ni Ginoong Rafael.
Talagang sinasagad ng lalaking ito ang pasensya ko. Ano bang problema nito sakin?
Niyukom ko na lang ang palad ko at huminga ng malalim para pagpasensyaham ang mayabang na nilalang na ito sa harap ko.
Kumalma ka, Dawn. Isipin mo na lang patay na 'yan sa panahon mo. Naubos na ng uod ang katawan nyan kaya pagpasensyahan mo na.
Nag-iwas na lang ako ng tingin kay Ginoong Rafael at binaling ang aking mata kay Señorita Veronica na ngayon ay nakatingin na rin pala sa akin.
Nagsusumamo ang kanyang mga mata at parang may gustong sabihin sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng kaunting pag-aalala.
Saglit pa akong nakipagtitigan sa kanya upang hintayin kung may sasabihin ba sya sa akin pero lumipas lang ang ilang segundo ay nanatiling tikom lang ang bibig nya.
"Ano pa ang iyong hinihintay? Labas." mariing utos sa akin ni Ginoong Rafael.
Alam kong mainit ang kulo ng dugo sa akin ng lalaking ito kahit hindi ko alam kung bakit kaya naman kahit labag sa loob ko ay alam kong kailangan ko syang sundin dahil ayokong lalo pa syang galitin.
Pero hindi pa man ako nakakagalaw para talikuran sila at umalis ay nagsalita na si Señorita Veronica.
"Huwag ka munang lumisan, Aurora." pakiusap nito sa akin.
"Veronica!" halos mapatalon pa ako sa gulat nang biglang magtaas ng boses itong si Ginoong Rafael.
Ayan na, activated na naman ulit si anger.
Nakita ko ang pagdila ni Señorita Veronica sa kanyang labi upang basain iyon bago ito muling magsalita, "Ipapalinis ko lamang sa kanya ang silid aklatan... masyado nang maraming alikabok ang mga aklat." kalmadong paliwanag nito habang iniiwasan ng tingin si Ginoong Rafael na pilit hinuhuli ang kanyang mga mata.
YOU ARE READING
Isang Daang Tula Para Kay Veronica
RomanceDawn is a resilient college student navigating the challenges of academia while grappling with personal struggles. One fateful night during a lunar eclipse, Dawn selflessly risked everything to save a drowning boy. In a twist of fate, she found hers...