***
Araw ng linggo, anim na araw ang lumipas simula nang mapunta ako sa panahong ito. Kahit mahirap paniwalaan ay nagawa ko na ring tanggapin sa sarili ko na talagang nagbalik ako sa nakaraan at nabuhay sa katauhan ni Aurora.Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nag-aadjust sa pamumuhay ng mga taong nandito kagaya na lamang ngayon, nakatanaw lang ako sa bintana ng maliit na kwartong tinutuluyan ko habang pinapalipas ang oras. Ganito pala kahirap mabuhay ng walang kahit ano mang gadget na pwedeng paglibangan, maging kahit tv ay wala.
Sa mga lumipas na araw ay wala lang akong ibang ginawa kung hindi ang bantayan si Señorita Veronica sa kwarto nya at samahan sa silid aklatan kapag gusto nya maglibang dahil hindi rin naman sya madalas na lumalabas bahay.
Kadalasan ay nasa loob lang sya ng kwarto nya maghapon at nagbabasa ng libro o kung hindi man ay nagsusulat sa silid aklatan. Namangha pa nga ako nang makita ko ang gamit nya sa pagsusulat, ngayon lang kasi ako nakakita sa personal ng taong nagsusulat gamit ang tinta at pluma.
Isa pa sa mga nakakapanibago ay ang damit na kaylangan kong suotin. Bukod kasi sa makapal ay sobrang kati rin ng tela, buti na nga lang ay hindi kainitan ang klima at malamig ang simoy ng hangin dito hindi katulad sa kasalukuyang panahon na kahit umuulan ay mainit pa rin ang singaw ng hangin. Isa pa sa naging problema ko ay hindi ko na alam kung anong oras na, wala manlang kasing kahit anong orasan akong nakikita dito. Natatantsa ko lang ang oras sa pamamagitan ng pagtingin kung gaano na katirik ang sikat ng araw at kung kaylan kakain ng pananghalian, umagahan o hapunan.
Pati pananalita ko ay unti-unti nang nagiging matalinghaga dahil lahat ng nakakausap ko rito ay malalim na tagalog ang gamit sa pagsasalita. Hirap na hirap nga akong pigilan ang bibig ko na maglabas ng mga kabalbalan, baka kasi mapagkamalan na naman nila akong baliw.
Sa kabila ng lahat ng 'yan ay may isang bagay ang gusto ko sa bahay na 'to, ang pagkain nila. Dati kasi ay makakatikim lang ako ng afritada at menudo kapag may okasyon pero rito ay ayan ang pang araw-araw na ulam nila.
Tatlong katok sa pinto ang nagpatigil sa akin sa pagmumuni-muni. Kasabay ng paglingon ko sa pinto ay ang pagbukas nito at niluwa si Manang Dolores. Sya 'yong babaeng sumalubong sa akin sa unang araw ko dito sa bahay ng mga De Legazpi.
"Pinapatawag ka ng Señorita." matapos nyang sabihin 'yon ay tumango lang ako sa kanya at lumabas na ulit sya ng kwarto ko.
Ganyan palagi ang siste, ipapatawag ako ni Señorita kapag may kaylangan sya, minsan ay kapag gusto nya ng inumin o kaya naman ay miryenda, kapag kaylangan ng tulong sa pagbibihis at madalas ay kapag gusto nya lang ng kasama. Sasamahan ko lang sya sa kwarto nya at papanoorin sya sa kanyang pagbabasa, hindi ko nga rin alam kung bakit kaylangan nya pa akong ipatawag eh para lang naman akong tangang nakatunganga sa kanya dahil madalang lang din naman nya akong kausapin dahil tuktok na tutok sya sa librong binabasa nya.
Napag-alaman ko rin na purong kastila si Señorita at walang bahid ng dugong pilipino. Marunong lang syang magsalita ng tagalog dahil dito sya lumaki sa Pilipinas, lumipad ang pamilya nila dito sa Pilipinas nang maitalagang Gobernador-Heneral ang tatay nya at musmos na bata pa lang si Señorita noon.
Iniwan ko ang kwarto ko at nagpunta sa kwarto ni Señorita Veronica, kumatok muna ako ng ilang beses sa pinto bago iyon buksan. Nang mabuksan ko ang pintuan ay naabutan ko si Señorita Veronica na nakatayo sa harap ng salamin at naka suot ng puting mahabang bestida.
Ganyan lang naman kadalasan ang suot nya kapag nasa loob lang sya ng kwarto nya.
"Pinatawag mo raw ako?" pang bungad na tanong ko sa kanya. "May kaylangan ka ba?" tanong ko ulit bago maglakad papalapit sa kanya.
Sa halip na sumagot ay inangat lang nya ang kamay at may tinuro ang daliri, sinundan ko ng tingin ang tinuturo ng daliri nya at doon ko nakita ang damit na nakapatong sa kama nya.
YOU ARE READING
Isang Daang Tula Para Kay Veronica
RomanceDawn is a resilient college student navigating the challenges of academia while grappling with personal struggles. One fateful night during a lunar eclipse, Dawn selflessly risked everything to save a drowning boy. In a twist of fate, she found hers...