Ika-sampong Kabanata

1.3K 84 148
                                    

****

Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na ba ang lumipas magmula nang pumasok si Señorita Veronica sa loob ng bahay at naiwan akong mag-isa dito sa labas.

Halos hindi ko na rin kinakaya ang lamig ng simoy ng hangin kaya naman napagdesisyunan ko na ring pumasok sa loob.

Hawak ang lampara at gitara sa magkabilang kamay ay maingat kong tinahak ang madilim na daan pabalik sa silid.

Para mabuksan ang pinto ay saglit ko pang binaba ang gitara sa sahig at nang mabuksan ko na iyon ay muli ko rin naman itong kinuha.

Nang makapasok sa loob ng silid ay marahan kong sinipa pasara ang pinto—maingat ang galaw ko para hindi magising ang natutulog na ngayong si tiya Felipa.

Pero mukhang kulang pa ang pag-iingat ko dahil nakita ko ang pag-angat ng ulo ng matanda.

"Aurora?" paos na bigkas nito sa pangalan ko bago kusutin ang mata. "Bakit gising ka pa?"

Binaba ko ang gitara at sinandal ito sa ding ding bago naglakad papalapit sa kama.

"Hindi po ako dinadapuan ng antok." sagot ko sa matanda pagkaupo ko sa kama.

Binaba ko sa sahig ang lampara at nakita ko naman ang pagbangon ni tiya Felipa sa kama.

"May bumabagabag ba sa iyong isipan?" bakas ang pag-aalalang tanong nito sa akin.

Nakangiting umiling naman ako dito, "Wala naman po—sadyang hindi lang po ako makatulog." pagsisinungaling ko dito.

Paano ko naman sa kanya sasabihin ang totoo na kaya hindi ako makatulog ay dahil hindi maalis sa isipan ko ang Señorita sa kabilang silid?

Hindi naman ako isang tanga para hindi malaman kung ano ang nararamdaman kong ito.

Biglaan man ang mga pangyayari pero alam kong unti-unti na akong tumatawid sa guhit na nagsisilbing hangganan ng pagkakaibigan.

Hindi ko alam kung kailan at kung saan nagsimula pero kailangan ko na agad na wakasan hanggat hindi pa ako tuluyang nalulunod sa mga mata nya.

"Hindi ka pa rin nagbabago." natatawang sagot nito sa akin. "Alam ko pa rin kung nagsasabi ka ng totoo o hindi."

Napakagat na lang ako sa aking labi. Hindi naman kami iisang tao ni Aurora kaya pano nya ako nagawang basahin?

"Anak, hindi kita pipiliting magsabi sa akin kung hindi ka pa handa." pagbasag nya ulit ng katahimikan nang hindi ako nakasagot sa kanya, "Pero nandito lamang ang iyong tiya Felipa, Aurora."

Pinatong pa nito ang kanyang palad sa kamay kong nakatapong sa aking hita.

Nakaramdam ako ng haplos sa puso dahil sa inakto nyang iyon kaya naman nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsabi sa kanya ng nararamdaman.

"Kailan... kailan ba nagiging—mali ang pag-ibig?" kapagkuwan ay tanong ko sa kanya pagkatapos kaming balutin ng katahimikan.

Mali ba ang pag-ibig kapag parehas kayo ng kasarian? Hindi naman natin mapipili kung sino ang mamahalin natin kaya't pano iyong magiging mali? Nagmahal ka lang naman.

Pero sino bang niloloko ko—kahit naman naging lalaki ako ay mali pa ring umibig ako kay Señorita Veronica.

Nakita ko naman ang pagkagulat at pagtataka nya sa naging tanong ko, "At ano naman ang pinanghuhugutan ng katanungan mong iyan?" tanong nito sa akin.

Napakamot na lamang ako sa aking kilay habang naiilang na tumawa, "Hindi ko rin po alam kung... saan nanggagaling at—bakit ko naitanong ang bagay na iyon." pagsisinungaling ko, "Huwag nyo na pong intindihin—malalim na rin ang gabi kaya mabuti pang matulog na po tayo."

Isang Daang Tula Para Kay Veronica Where stories live. Discover now