Ika-apat na Kabanata

885 81 161
                                    

***

Pinagpapawisan ako ng malapot.

Parang lalabas na sa aking dibdib ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito, kulang na lang ay atakihin ako sa puso. Ganon na lang ang kabang nararamdaman ko nang makita ang taong naghihintay sa pagdating namin sa bahay.

Pakiramdam ko ay naging lantang gulay ang mga binti ko at isang malakas na hangin lang ay matutumba ako sa lupa.

Kung ganito na lang ang takot at kabang nararamdaman ko ay paano na lang kaya ang babaeng nasa tabi ko na syang anak ng lalaking nasa harap namin ngayon.

"Papá...." mahinang bigkas ng katabi ko. Sa sobrang hina ng pagkakasabi nyang iyon ay parang sa hangin nya lang ito ibinulong.

Nang sulyapan ko si Señorita Veronica ay namumutla ito habang nakatingin sa tatay nya. Katulad ko ay patuloy pa rin ang pagtulo ng tubig mula sa damit nyang basa pabagsak sa lupa na kinakatayuan namin.

"Dónde has estado?/ saan ka nanggaling?" narinig kong matalim na tanong ng Gobernador-Heneral sa kanyang anak kaya nagbaling ako ng tingin dito.

Sa talim pa lang ng tingin nito na para bang binabalatan na niya ng buhay ang kanyang anak ay alam ko nang hindi maganda ang kahihinatnan ng pag-uusap nilang dalawa. Parang isang maling sagot lang ni Señorita Veronica ay sasabog ito sa galit.

"Lo siento, Papá--" hindi na nagawa pang ipagpatuloy ni Señorita Veronica ang sasabihin nya nang magsalita ulit ang kanyang ama.

"No necesito tus disculpas, Verónica./ hindi ko kaylangan ang paumanhin mo, Veronica." kalmado pa ang boses nito na parang isang bulkan na malapit ng sumabog anumang oras. "Ang kaylangan ko ay ang iyong paliwanag kung saang lumapalop ka nanggaling kasama ang....ang mangmang na iyan? At masdan mo ang iyong sarili—ganyan ba dapat ang itsura ng isang dalaga?"

Nakangiwing tinignan nito na puno ng panghuhusga ang kanyang anak mula ulo hanggang paa bago nagbaling ng tingin sa akin kaya agad akong tumingin sa sahig para iwasan ang mata nito. Ngayon ko lang narinig na nagsalita ng tagalog ang Gobernador-Heneral.

Totoo nga palang isang hamak na mangmang ang tingin sa ating mga Filipino ng mga kastilang sumakop sa atin.

"Tumingin ka sa akin, esclavo." Matigas na utos ng Gobernador-Heneral. Kahit hindi ako nakatingin dito at kahit hindi ko man naintindihan ang huling salitang binigkas niya ay alam kong ako ang kausap nito kaya dahan-dahan kong inangat ang mukha ko para harapin ang nanlilisik na mata nito. "Saan mo dinala ang aking anak?"

Tila nagpipigil ng galit na tanong nito—mabilis ang pagbaba't pagtaas ng kanyang dibdib.

Para namang nanuyot ang lalamunan ko't nablangko ang isip dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Paano ko dedepensahan ang sarili ko, totoo namang tinakas ko ang anak nya kaya hindi ito nakarating sa Misa de Gallo.

"Sagutin mo ako!" sabay pa kaming napapitlag sa gulat ni Señorita Veronica nang bigla itong sumigaw.

Akmang lalapit pa sya sa akin nang hawakan ni Señorita Veronica ang braso ko at hinila ako papunta sa likod nya tsaka mabilis na hinarang ang katawan na para bang prinoprotektahan nya ako mula sa maaaring gawin sa akin ng kanyang ama.

Dumausdos pa pababa ang hawak nya sa braso ko pababa sa aking kamay at saglit ko pang naramdaman ang pagpisil nya dito bago nya ako bitawan na para bang sinasabing 'wag akong kabahan at ayos lang ang lahat.

Paano nya ako nagagawang pakalmahin kung maging sya mismo ay alam kong binabalot na ng kaba?

"Por favor, papá..." nakikiusap na wika ni Señorita Veronica sa kanyang ama. Bakas ang takot sa nanginginig nyang boses. "Huwag nyo pong idamay dito si Aurora."

Isang Daang Tula Para Kay Veronica Where stories live. Discover now