Umpisa

1.2K 28 1
                                    

Habang palayo ang karwaheng sinasakyan ko hindi ko mapigilan ang maging emosyonal lalo na nong makitang umiiyak si Rozy habang nakayakap kay mama. Nalulungkot ako dahil ngayon lang ako mahihiwalay sa kanila.  Hindi ko alam kung hanggang kailan ako sa Crystal, pero sana matapos agad at makauwi agad ako.

"Hi, volunteer ka din ba sa Crystal?"

Napatingin ako sa babaeng kasabay ko, tatlo kami actually lalaki yung isa, they're siblings I think, magkamukha e.

"Hm..."

"Kami din! I'm Waien and this is my older brother Wayien" pagpapakilala niya

" Scarlet"

" Nice to meet you Scarlet. Hayst! Buti nalang at may kasabay na kami, first time kasi namin maglakbay. Kinakabahan nga ako baka maligaw tayo"

" Ang ingay mo" 

I was about to say that, thanks to his brother inunahan ako bago pa siya mapahiya.

"Panira ka talaga kuya!" Nakangusong sabi niya

" Nakakahiya ka, dapat talaga hindi na kita sinama"

Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin nalang sa labas ng karwahe.  I'm enjoying the beautiful view outside.  After a year ngayon nalang ulit ako nakapaglakbay dahil madami din naman akong ginagawa bukod sa pag-iinsayo.  Tumutulong ako kay mama sa mga gawaing bahay, pag-aalaga sa mga tanim namin, pagbibenta ng mga na-ani naming mga gulay at prutas tapos minsan sumasama ako kay papa mangaso.


Hapon na ng mapagdesisyonan naming huminto muna sa isang tabi at doon magpalipas ng gabi. Malayo-layo na rin naman ang nalakbay namin simula nong umalis kami sa bahay kaya pagod na rin siguro si manong na nagpapatakbo ng karwahe.


"Kailangan natin ng mga tuyong kahoy para sa makapagsiga tayo, pwede niyo ba ako tulungan?" Sabi ni manong


" Ako na po bahala maghanap ng mga kahoy"  sabi ni Wayien


" Then, ako na maghahanap ng makakain natin" sabi ko

" Sama ako!"  Sabi ni Waien na nakataas pa ang kamay


"It's dangerous"  I said



" Don't worry, magaling ako makipaglaban at sanay ako sa pangangaso! Right brother?"  Sabi nito at kumindat pa sa kuya niya. Bumuntong-hininga lang naman si Wayien


"Wala sa itsura niya, but she's right. Maganda na rin 'yong may kasama ka"


Tumingin ako kay Waien at tumango




" Yey!! Let's go!!"



Umalis na kami don at naghanap na ng pwede naming makain. Gusto ko sana ng isda kaso wala naman ako makitang ilog dito. 


"Hey, Scarlet"


"Hm?"


"Bakit gusto mo sumali sa voluntary army?"


"Because of my father. It's his hometown before"


" Ah..."


" How about you and your brother?"


Huminto siya kaya huminto rin ako, kumunot noo ko nang biglang nag-iba ang expression ng mukha niya. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at galit.

"Actually, wala na kaming permanente na tirahan. 10 years ago, sinugod ng taga Emerald kingdom ang village namin. Wala naman kami magawa noon dahil kahit isa sa mga taga-nayon namin ay walang kakayahang makipaglaban. Maswerte kami ni kuya dahil nakaligtas kami, pero ang magulang namin hindi. They protected us...they sacrifice themselves para makatakas kami. After that kung saan-saang  nayon at kaharian kami napunta ni kuya..."

The Gangster Princess 2 (Isekai Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon