Kabanata 13

490 17 0
                                    

Tuluyang natapos ang gabi at sa mga sumunod na araw ay wala kaming ginawa kundi ang mag-training, kung dati mahirap ang training ngayon ay dumoble na ang hirap. May mga sumuko pero may mga natira.

Lumipas din ang mga araw na lagi akong pagod, nag solo training kasi ako. As I said, kailangan ko maging mas malakas. 

"Scarlet" tawag ni Zyke sa 'kin. Nasa kwarto nila kami ngayon habang nasa kwarto naman namin sila Waien. Kapag andito ako matik na nandoon sila Wayien at Viro.  It's not that we are doing something, ayaw lang nila na nakikita kaming naglalandian ni Zyke.

"Hm?"

"Don't force yourself too much"

Napatingin ako sakanya, nakaupo siya habang nakasandal sa headrest ng kama habang nakaunan naman ako sa hita niya.

" I'm not" patay malesyang sabi ko

" Scarlet, alam kong ginagawa mo ang solo training dahil sa nangyari sa party" 

Napabuntong-hininga ako at umupo sa gilid ng kama. Naramdaman ko ang pag-galaw niya at maya-maya lang ay niyakap niya ako mula sa likod.

" Baby, hindi mo naman kailangan maging mas malakas sakanya"

"I know... Tanggap ko naman na mas malakas siya sa 'kin, pero natatakot kasi ako na baka gamitin niya ang ability na 'yon para makuha ka niya sa 'kin." Malungkot na sabi ko.

Humiwalay siya sa 'kin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko at pinaharap ako sakanya.

" Scarlet, kahit anong gawin niya hindi niya ako makukuha sa 'yo. Mahal kita hindi dahil malakas ka, mahal kita kasi matapang ka..."  He caress my face    "Honestly, gusto ko makita ang kahinaan mo. It's sound wierd, pero gusto ko talaga mangyari 'yon dahil gusto ko maranasan na ako naman yung magliligtas sa 'yo kapag nasa panganib ka. Pero alam ko na hindi mangyayari 'yon dahil mas malakas ka sa 'kin."

Napatitig ako sakanya. He smiled at me.

"I actually jealous of you"

"Huh?"

"You're strong, you can protect the people around you. You can do anything"

"Z-Zyke..."

He smiled at me and mess my hair

"But you know, I'm glad that I meet you. Nahanap ko ang layunin ko sa buhay bukod sa pagiging prinsipe. Noong una, akala ko habang buhay ko na gagampanan ang pagiging prinsipe ko. Ang layunin ko lang noon maging isang Hari. Pamunuan ang buong kaharian namin at buhay ng mga tao lang ang iisipin ko. Pero noong nakilala kita, noong napagtanto kong gusto kita, nagbago ang layunin ko sa buhay"

He hold my right jaw and caress my cheek with his thumb.

" Gusto kong maging malakas para maprotektahan ka at katulad mo, gusto ko rin maging malakas para hindi ka sa 'kin makuha ng iba."

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya niyakap ko nalang siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa saya na nararamdaman ko.

Lord, kung itong lalaking 'to ay hindi para sa 'kin magpapakamatay talaga ako! Swear!

"Thank you Zyke"

" No baby, thank you... For coming into my life"

Lumayo siya sa 'kin

" I want to thank Goddess Zaleria for bringing you here..."

Kapag hindi ako napunta dito e di sila ni Caena ang magkakatuluyan?

Goddess Zaleria thank you very much!!

"Zyke"

"Hm?"

"Gusto mo malaman kahinaan ko?"

Taka niya akong tinignan

" It's obviously you"  nakangiting sabi ko.  "Ikaw ang kahinaan ko, hindi ko kaya na mawala ka sa 'kin" 

Ngumiti siya sa 'kin at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Pero alam mo kung ano pa kahinaan mo?"

Taka ko siyang tinignan

"Ano?"

He stared at me and caressed my cheeck with his thumb. Napapikit ako nang halikan niya ako sa labi ko, it's gentle. I responded to his kisses until our kisses went wild. Napatingala ako nang biglang bumaba ang halik niya leeg ko at naramdaman ko ang kamay niyang gumagapang sa  loob ng damit ko.

I don't know what happened, nawala na ako sa ulirat ko dahil sa mga halik at haplos niya. Namalayan ko nalang hubad na kaming pareho at parehong pagod sa nangyari.

Nagdaan ang ilan pang araw at ngayon na nga magaganap ang dahilan ng pagod namin dahil sa training. Maaga palang ay naghanda na kami, hindi ko ikakailang kinakabahan ako pero nai-excite din at the same time. Pero kumpara kahapon medyo okay na ako ngayon dahil sa nangyari kagabi.

"Scarlet, okay ka na ba? Medyo nag-alala lang kami sa 'yo kasi buong araw kang tahimik, kaya sinabihan na namin si prince Zyke" sabi ni Waien

Ngumiti ako at tumango

" I'm fine now..." Sabi ko at niyakap siya   "Thank you Waien"

" A-Anong nangyari? T-Teka...Scarlet, ikaw ba 'yan?"

Natawa ako sa naging reaksyon niya at ginulo buhok niya.

"What is happening--"  hindi natapos ni Alexia ang sasabihin niya nang yakapin ko siya bigla.


"Thank you"


Pagsabi ko non ay ginulo ko ang buhok niya


"A-Anong meron...T-Teka... Si Scarlet ba 'to?"

"N-Nagulat din ako...Sis, okay ka lang?"

"Ewan ko sainyo! Tara na!" Sabi ko at nauna ng lumabas ng pinto   "mahuli, pangit!" Sigaw ko at agad naman silang nag-unahan lumabas at sumunod sa 'kin.

I'm really glad that I meet these two, ever since na na-reincarnate ako sa mundong 'to hindi ako nagkaroon ng mga kaibigan. Puro kasi mga bata at matatanda ang kasama namin noon sa nayon. 

Dumeretso na kami sa labas ng Crystal kingdom, andoon na rin si Zyke at ang iba pa.

"Good morning" bati ko sakanya

"Good morning" bati niya pabalik at ginulo buhok ko

" Ang agang landian! Respeto naman" reklamo ni Waien pero tinawanan lang namin siya.


"Are you ready?" He asked

I smiled and nodded

"Baby, I'm always ready"

I'm ready. Whatever happened, win or lose. Basta naipaglaban ko hindi lang  ang mga taong mahahalaga sa 'kin kundi pati ang mga taong sumusuporta, pinagdadasal kami at mga taong naghihintay sa pagbabalik namin dala ang tagumpay.  Bago ako sumabak sa laban, nangako ako na poprotektahan ko sila hanggang sa aking huling hininga.

Gamit ang mga kabayo at karwahe, nagtungo kami sa lugar kung saan magaganap ang digmaan. Tulad ng inaasahan mga normal na tao ang nakikita namin pero may kung anong aura kaming nararamdaman sakanila.

Wala ng atrasan 'to...

"Sugod!!!"

Nagsimula ang digmaan. Noong una naging madali sa amin ang kalabanin ang mga nasa unahan pero pagdating namin sa gitna nahihirapan na kami at may nakikita na akong sugatan sa mga kasama ko. Kaliwa't kanan ang patayan. Sinusubukan kong wag pansinin ang mga kasama ko at itutok lang ang atensyon sa pakikipaglaban pero sa tuwing may naririnig akong sigaw hindi ko mapigilan ang mapalingon.

Natigil ako nang makitang halos nakalahati na ang bilang namin, nakikita ko pa ang mga kapwa ko volunteer na maayos pa sila pero ang mga kasama naming army ay halos makalahati na.

"Scarlet!!" 


The Gangster Princess 2 (Isekai Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon