Kabanata 5

525 21 1
                                    

Natapos ang training namin at tulad ng napag-usapan namin ni Zyke, sa room nila ako nag-stay at nandoon din naman sila Waien at Alexia. Nagkwentohan lang kami hanggang sa inantok at nakatulog.

Kinabukasan nagising nalang ako dahil may naramdaman akong may humahaplos sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mata bumungad sa 'kin ang mukha ni Zyke. He smiled at me.

"Good morning"

"Hm... Good morning" inaantok na sabi ko habang kinukusot ang mata ko. "Nasaan sila?" Tanong ko nang mapansin na wala sila Waien.

"Sila Waien at Alexia bumalik na sa kwarto niyo, sila Wayien at Viro nasa cafeteria"

"Ah... Balik na rin ako sa kwarto namin" sabi ko at magte-teleport na sana nang biglang bumukas ang pinto.

" Prince Zyke are you--"

Natigil siya nang makita niya kami, nanlaki ang mga mata at nabitawan ang box na dala niya kaya nagkalat yung laman non sa sahig. Cookies. Sayang naman.

" Good morning princess Caena" bati ko "Naku naman, sayang yung mga cookies. Nagkalat ka pa"

Lihim akong napangisi sa naging reaksyon niya. Hindi niya alam kung saan siya titingin, sa amin o sa mga nahulog sa cookies. Napatingin ako kay Zyke nang bigla siyang tumayo at naglakad papunta kay Caena. Tsk!

I don't know, bigla nalang ako nakaramdam ng inis.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Zyke at lumuhod para pulutin yung mga cookies sa sahig at binalik 'yon sa lalagyanan.

"I...I was about to give that cookies to you, I baked that" she said and smile


"Really?"




"Hm...I'm sorry, igagawa nalang kita ulit ng bago"


Tumayo si Zyke at biglang nanikip dibdib ko when he pat her head.


"You don't need to"



"But I want to! Please let me bake another cookies for you"

" Okay, but don't push yourself too hard"


" Okay" nakangiting sabi niya


Bumuntong-hininga ako at inis na tumayo. Naglakad ako palabas ng pinto at nilagpasan silang dalawa.

"Scarlet!"

Hindi ko siya pinansin at nag-teleport papunta sa kwarto namin, napasigaw pa yung dalawa nong bigla akong sumulpot sa harap nila.

"Scarlet naman e!" Reklamo ni Waien at napahawak pa sa dibdib niya pero hindi ko siya pinansin at dumeretso lang sa banyo at doon naligo. Pagtapos ko maligo nagbihis lang ako at nag-ayos ng sarili tapos nag-teleport papunta sa likuran ng school kung saan kami nagti-training.

Naglakad ako papasok ng kagubatan at naghanap ng pwedeng mapagdedeskitahan. Ang sikip na naman ng dibdib ko, kunting lapit niya lang kay Caena ang bigat na agad ng dibdib ko. Gusto ko ibaling yung galit ko sa iba kaysa sakanya dahil baka mapatay ko siya. At kapag nagawa ko 'yon baka magalit si Zyke sa 'kin, baka layuan niya ako.

Habang naglalakad hindi ko namalayan na nakarating na ako sa pinakagitna ng kagubatan at medyo madilim dito dahil natatakpan ng matataas na puno ang liwanag ng araw. May mga monster na rin na nagsisilabasan at masama ang tingin sa 'kin.

"What's happening here?"

"Princess Caena"

The way he call him her name, it's full of care and concern...

The Gangster Princess 2 (Isekai Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon