"Madame, pinapupunta po kayo ni Sir Axel. Hindi po sinabi kung bakit daw po pero hinahanap na kayo," Napalingon ako sa secretary ni Axel.
Ayaw niya kasi akong utos-utosan kaya nag-hire pa raw siya.
Pere nemeng belew te! Mainggit kayo please.
"Ahh sige, susunod ako! Hintayin mo na 'ko, sabay tayo!!" Dala dala ang mga folders na hawak ko ay nagdahan dahan ako sa pagpunta sakanya. Syempre hindi lang ang katawan ko ang kailangan kong alagaan dalawang buhay na ang mayroon saakin, kailangan talagang mag-ingat.
Sinabayan ko siya, kinuha niya agad sakin ang mga folders na dala ko.
Agad kaming nakapunta sa office ni Axel. Pumasok pa si Savina, secretary ni Axel, nilagay niya lang yung mga folders na dala ko sa desk ni Axel.
Mabilis rin namang umalis si Savina matapos iyon.
"Bakit, Lovey? Pinatatawag mo raw ako" agad akong lumapit kay Axel at inupuan ang binti niya.
Nginitian ako nito, at inikot ang kamay payakap sa bewang ko. Potek naman!! Temptations, Ivory!!
"Are you already tired?" Malambing ang boses nito na para bang nang h-hele.
Nginitian ko ito, I gave a peck kiss on his nose. "Opo, Lovey e. Pero kaya pa syempre." nilambingan ko pa ang boses para makumbinsi siya, inikot ko ang kamay payakap sa katawan ni Axel at inunanan ang balikat niya.
Naiisip ko lang yung plano ko... yung plano kong iwan siya. Yung plano kong magtago muna sakanya. Agad akong nalungkot nang maalala ang mga iyon. Apat na araw na rin ang lumipas e.
"Pahinga ka nalang, Love. Alam ko namang malakas ka talaga e" Inilagay niya ang isang kamay sa ulo ko at hinihimas ito pababa.
"Ikaw 'di ka pa ba mag papahinga? Pagabi na oh" pinigilan kong 'wag maging malungkot sa harapan niya
Ramdam ko ang pag taas baba nang ulo niya kaya alam kong tinanguan niya ang suhestiyon ko.
Bumabagsak ang talukap nang mata ko kaya di ko naramdamang nakatulog na pala ako sa balikat niya.
***
Naalimpungatan ako sa madilim na kwarto, bakit nasa kwarto parin ako nang building ni Axel? Nag t-trabaho pa ba siya? Kawawa naman lovey ko e.
Tumayo ako galing sa pagkakahiga sa higaan niya, patay ang ilaw at sakto lang ang liwanag nang City lights para mag silbing ilaw sa boong kwarto.
Tinignan ko kung anong oras na sa phone ko, 1:46? Paumaga na gising pa siya?
Habang hawak ang cellphone ko ay hinalukat ko ang phone app nito, I have Daisy's number kaya tinawagan ko ito.
Kahit alam kong ako yung masasaktan ay kailangan ko itong gawin, p-para kahit mawala na kami ni Baby sa tabi ni Axel ay may haharap sakanyang mas better pa sakin.
Unti unti nag silabasan ang mga luhang gabi gabi ko lang pinapakawalan, tinakpan ko ang bibig ko kahit rinig parin ang pag hagulgol.
Calling~~~
K-Kahit napakasakit titiisin ko, kahit pa kasiyahan ko ang kapalit at si Daisy ang t-tulay para maging masaya si Axel pag umalis na kami, g-gagawin ko parin.
Ilang segundo pa ay nagtigil ang pag ring at narinig ang pag bati sa kabilang linya.
"H-Hello?" Mukhang kagagaling lang nito sa pag tulog at narinig ang ingay nang phone niya kaya nagising.
"D-Daisy?" Kahit anong pilit kong ayusin ang boses ko ay gumaspang lang talaga ito.
"I-Ivory? Bakit? Bakit ka umiiyak?" I heard the concern in her voice. It's true that she's doing really well and Daisy is kind so it's okay for me if... I'll leave Axel to her.
![](https://img.wattpad.com/cover/336812238-288-k348221.jpg)
BINABASA MO ANG
ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)
RomanceStone Axel Buencamino (Buencamino Cousins Series 1) The Dronova-Buencamino Royal Blood.