chapter 7

1.4K 28 8
                                    


Nakaramdam ako nang nakayakap sa'king katawan. Malaki ang braso nito kaya ikot na ikot sa aking maliit na baywang ang kaniyang braso.

Iminulat ko ang aking mata nang isa namang makulit na ulo ang nag sumiksik saaking leeg. Tila inaamoy pa ito. Nagsisitaasan nalang ang mga balahibo ko habang pinipilit kong silipin ang gwapong mukha nang binata.

Oo nga pala. Katabi ko si Axel na tulog na tulog sa'king tabi. Napagod sa nangyari kagabi pero paano naman ang katawan ko? Hindi ko pa nakikita ang katawan ko dahil sa nakatabong kumot. Ramdam ko rin na nakasuot na ako nang damit. Hindi ko lang alam kung paano gayong nauna akong nagpahinga.

Napanguso ako nang malakas ang paghilik niya ang aking naririnig. Ganito rin ba sila ni Daisy pag ginagawa nila ang bagay na ito? Nagsusumiksik din kaya siya sa leeg ni Daisy?

Napa-irap nalang ako sa mga naiisip habang unti unti kong inaangat ang ulo ng binata. Dahan dahan para lamang hindi siya magising. Mabuti nalang ay tulog na tulog rin ito.

Dahan dahan din akong bumaba sa higaan. Nahirapan pa nga ako dahil gumagalaw galaw ang kama at baka magising ko siya sa'king pagalis.

Ayokong magmulat at magising si Axel kasi hindi ko alam kung paano siya haharapin ngayon. Eh bakit ba naman kasi pumatol ako sa malanding, mainit, mapula, mainit, masarap- Ahhh!! Basta, sabi ko bakit ba kasi ako pumatol sa mga halik niya kagabi! 'Yan tuloy umabot sa gan'to.

Napapikit ako habang nakaharap sa mahimbing na natutulog na si Axel. "Ano nalang ang gagawin ko kapag nagising na siya?" Mahina at problemadong tono ang binulong ko. Paos pa ang boses.

Humawak ako sa'king dibdib para lang makapa kung nagaalinlangan ba ako sa ginawa ko?! Malamang, oo! Hindi maganda yung ginawa namin e!

Kahit kasal na kami, o sabihing nakapako na kami sa isa't isa. Eh, hindi naman parehas ang aming nararamdaman o wala naman kaming nararamdaman para sa isa't isa. Para namang unfair kung wala akong pagaalinlangang nangyari yung bagay na 'yon.

Napahinga akong malalim. I saw his hand reaching on the space beside him. Inaalam niya ba kung katabi niya pa ako?

Nagsalubong ang makapal na mga kilay niya nung wala siyang nakapa. Paulit ulit na pabalik balik ang kamay niya sa kaninang puwesto ko. Mabilis kong kinuha ang unan ko at inilagay sa kaniyang tabi. Sakto namang nahatak niya iyon at inilapit sa katawan niya upang yakapin.

His face calmed and fell asleep again. I sighed in relief.

Mabilis kong tinignan ang nalalaglag na boxer na suot. Probably his boxer. Sobrang laki nito kaya nang makitang nasa bed side table niya 'yung tali ko sa buhok ay dali dali kong itinali sa boxer iyon. Nang maramdamang hindi naman na lalawlaw ay hinayaan ko na at dumiretso sa banyo para maligo.

Pagkalabas na pagkalabas ng banyo ay agad kong nakita ang matiwasay paring natutulog na si Axel. And fuck me for looking at his luscious red lips for wanting to feel it again. Naiisip ko lang pag nagising siya ano kayang magiging reaksiyon niya?

Because I admit that I cannot stop thinking about what happened last night. It brought a non-familliar feeling that stirred me up on silence.

Mabilis ko ulit na isinuot ang damit na suot suot ko nung nagising ako. Kandarapa pa nga ako dahil sa pag suot ng lawlaw na boxer niya at pagtatali nito.

Kailangan ko nang makaalis rito! Magkukunwari nalang akong walang nangyari kagabi at pawang normal nalang ulit kami sa pagtatalo.

Mabilis akong lumabas papuntang kwarto ko. Which is like a guest room. Mabilis kong ini-lock ito at napahawak pa sa dibdib habang hinihingal hingal.

***

Umabot ako ng tanghaliang nasa loob parin nang kwarto tila ayaw nang lumabas. Ang lalaki naman sa labas kanina pa katok nang katok.

Hindi ko ba doon alam. Katok nang katok e kala mo naman close kami! Iyan nanaman ang mga kaluskos na naririnig ko sa labas. Hudyat na nandito nanaman siya.

"Ivory, open the door. . ."

I let out a heavy breath.

"Ayaw kitang makita muna, A-Axel. So please, bukas nalang tayo magkita!" Sigaw ko. Ilang minuto bago sumagot ang nasa labas. Akala ko nga ay wala na ito sa labas e.

"Why tomorrow? Why not now? Hindi ka pa kumakain since this morning, alam ko. Kaya lumabas kana muna" rinig ko sa labas nang pintuan. Hindi ko alam kung mahaba pa o paubos na yung pasensya ni Axel dahil hindi ko mahanap sa tono nang pananalita niya. Parang patay walang kaemosyon-emosyon manlang.

"Ayoko nga diba?! Hindi rin ako nagugutom! Basta umalis kana lang muna, nahihiya akong makita iyang mukha mo ngayong araw! So, umalis kana dali na! Para makakain narin ako!" Pagpapalayas ko pa rito. Ni hindi ko nga alam kung maayos pa ba sa pakiramdam ang lumalabas saaking bibig e basta mapaalis ko lang siya. Okay na

Muling nagsalita ang nasa kabilang ng pintuan. "Come on, Lady! Don't be so shy, it's just. . . It's just-"

"Shut up! It's just sex for you, right?! Chupii na kasi! Gan'yan ka e! Tingin ko nga wala kang pakielam sa nangyari dahil SEX lang namam 'yon para sayo! Eh paano naman kaya para sa'kin?! Ni hindi mo nga natanong e! Tngina mo. Alis!" Talas ng dilang sinigaw ko.

Nai-imagine ko na ang nai-stress na mukha niya habang problemadong nakaharap sa pintuan ko.

Ilang minutong wala akong narinig sa labas. Ilang minuto akong naghintay kaso hindi na muli iyong nagsalita.

Wait? Na-offend ko ba siya? Grabe kaya yung mga nasabi ko? Nagulat kaya s'ya sa bigla kong pagwawala? Napagod kaya s'yang palabasin ako rito?

Napapikit ako at bumalik sa higaan upang umupo. Narinig kong kumalam ang sikmura ko kaya biglaan nalang akong napahawak doon at napanguso.

Gutom na gutom na ako tapos hindi niya ako kukuliting kumain? Well! Sino ba ako?! Asawa lang naman sa papel tsaka isang one night stand lang naman ang nangyari kagabi !

Para sakaniya.

"Hindi ko naman sinabing huwag mo na 'kong kulitin e! Tapos bigla ka nalang aalis na walang pasabi! Matapos mong kuhanin ang pagkababae ko! Hindi mo na ako pakakainin!"

"Paano nalang ang buhay ko n'yan?! Paano na lang ang hinaharap ko kung hindi mo na ako pakakainin?! Baka mamatay na ako sa gutom dito hindi mo parin ako kukulitin e!" Madrama kong dagdag.

"Tarantado ka talaga, Buencamino! Nakakainis ka!! I hate you!! I hate you!! I hate you!! Makikipaghiwa--"

*knock knock*

"Ivory..."

Napamulagat ako at napatayo nalang.

"Ivory, the food is ready. Let's eat na so you won't get hungry" masuyo ang boses ni Axel habang sinasambit iyon.

Narinig niya kaya yung mga pinagsisisigaw ko? Nako naman.

"I cooked the food for us. Nakakatamad mag--isang kumain. P'wede mo ba 'kong samahan?... please?"

Napalunok ako sa malambot na boses nito. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Ibinuka ko ang bibig, kaso lang wala namang lumabas na kahit isang salita sa bibig ko.

"Please, I'm indeed hungry right now. Hindi na ako nag almusal kasi hindi ka nag almusal. Please, kumain naman na tayo ng tanghalian?"

Napahinga akong malalim at tinitigan ang naka-lock na door knob.

Dahan dahan ko iyong nilakad palapit at marahang binuksan. Doon ko nakita ang nakaluhod na si Axel habang nakatingin na sa mga mata ko.

Awtomatikong nagningning ang kaninang walang buhay na mga mata nang binata. Awtomatiko ring lumabas ang mapuputi nitong ngipin upang ngumiti.

Nakita ko nalang ang sarili kong tinutulungan itong tumayo. Bakit ko nga ba naisip kahapon na sana si Azel nalang ang minahal ko gayong nasa harapan ko ngayon ang pinaka-kamahal mahal na lalaki sa mundo.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon