(IVORY POV)
Ilang taon akong nalugmok sa paghihirap. Ilang taon kong tiniis ang napagdaraanang iyon dahil alam ko may magandang dulot ang lahat nang mga iyon. Ilang taon din ang nagdaan bago ko makalimutan ang sakit na pag-iwan.
Sa taong iyon ay makikita kung paano ako pahirapan ng mundo.
Sa mga taong nag daan ay nito ko lang naisip na may mga nag hahanap rin pala sakanya. Hindi lang pala ako ang may kailangan sakanya nitong mga nag daang taon.
Biglaang may maliit na mga braso ang yumakap sa mag kabilaan kong hita.
Hindi nako nagulat ng makita na ang kambal iyon... si Stone Axerell at Ivy Avrielle Buencamino. . anak namin ni Axel.
Nginitian nila ko ng napaka-cute at tinanong, "Mommy, bakit ka po mayungkot?" Bulol na tanong ni Avrielle.
"Oo nga po, Mommy. May nangyayi po ba?" Bulol din na sabay ni Axerell.
Nginitian ko sila at lumuhod para mag pantay kaming tatlo.
"Tungkoy nanaman po ba ito kay Daddy?" sunod agad ni Avrielle.
Sakto naman na pumasok si Azel sa kwarto para lapitan kami.
"Anong Daddy? Anong kailangan ng mga prinsesa ko?!" Nakangiting turan nito saamin.
Nilapitan ako nito para dampian ang pisngi ko ng halik, "Good evening, Ivory" bulong nito at kinuha si Avrielle saaming tatlo.
Nginitian ko siya ng malungkot at sa oras din na nag bawi ako ng tingin ay alam niya na na may problema saakin ngayon.
""Mommy, mukha ka pong mayungkot tayaga!" Rinig ko si Axerell kaya nilingon ko siya.
"Wala naman anak e, wait lang hmm usap muna kami ni Papa Azel?" aniya ko at hinalikan si Axerell sa noo.
Tumango lang ito kaya agad akong tumayo para tanguan si Azel.
Ibinaba ni Azel si Avrielle para sumunod saakin.
Pumunta kami sa terrace para doon mag usap.
Pag pasok ay agad ko siyang hinarap, nag babadya na agad ang luha kong tumulo kaya inalo niya ko, hinihimas niya ang buhok ko pababa, pataas.
"Azel... hindi ko na kayang mag tago nang lihim sakanila. Ayoko na Azel..." pumiyok ang boses ko dahil sa iyak na bumadya na.
"I-Ivory pwede mo naman ng sabihin sakanila e. Ipakita mo na si Axel sa kambal... ipakilala mo na" malambing ang boses nito na parang inaalo ako.
"N-Natatakot ako Azel... p-paano kung magalit siya saamin? Paano kung ayaw niya pang magkaanak? Paano kung kunin niya saatin ang mga bata?" Puro tanong ang ulo ko dahil sa sobrang pag iisip.
"Talaga namang magagalit siya sa pag alis mo nang wala manlang paalam pero gàgo siya kung ayaw niya sainyo. Tandaan mo, Ivory. Nandito naman ako eih, kaibigan ako rito para sainyo." walang pag aalangang saad nito.
Humagulgol lang ako at yumakap sakanya. Inalo nya ako sa pamamagitan ng pag haplos sa likuran ko.
"N-Natatakot ako, Azel..." sumisinok akong umiiyak sakanya.
"Sabi mo hindi ba pagnaabot niya na yung pangarap niya babalikan mo siya dahil iyon ang gusto niya. Naabot na niya, Ivory. I think this is the right time." sabi nito sa malumanay na tono.
Tumatango lang ako sa mga pinag sasabi niya.
Siguro naman sapat na yung pag s-sakripisyo ko para kami naman ang unahin niya.
Siguro naman sapat na yung Five years samin para kami naman ang intindihin.
Ngayon gagawin ko na ang mas makakabuti para samin. Hindi na 'ko magiging mapagkait ngayon.
Pagod narin akong mag isa... miss ko na talaga siya at masasabi ko rin na hanggang ngayon mahal ko parin siya.
"Mommy, bakit ka po umiiyak?" Nagulat ako na,ng makita ang kambal na nasa tabi ng sliding door.
Humiwalay ako sa yakap at lumuhod ako para magpantay kami ng mga bubwit.
"Hindi ba na kuwento ko sainyong hindi niyo totoong Daddy si Papa Azel?" Nag babadya nanaman ang luha ko dahil sa mga pinag sasabi.
Sabay na tumango saakin ang dalawa at lumapit. Isinabit nila ang magkabilang kamay sa mag kabilang balikat ko, ako naman ay niyakap sila pareho.
"I-Inaway ka po ba ni Papa Azey?" Tanong ni Axerell at hinihimas himas na sa likuran ko ang maliit na kamay nito.
Nanlambot ang puso ko habang umiiling sakaniya.
"Eh bakit ka po umiiyak?" Tanong naman ni Avrielle.
Siguro oras na para maging ganap na masaya na sila at... ako "G-Gusto niyo bang makita ang D-Daddy ninyo?" Tanong ko sakanila na ikinaliwanag ng mukha nila.
"Opo!! Mommy, Daddy, Avrielle, Ako!!" Sigaw agad ni Axerell sa sinabi ko at bumitaw sa yakap para mag tatatalon.
"Opo Mommy gusto namin yon!!" Sigaw din ni Avrielle at agad na ginaya ang one minute older na kuya niya.
Ang sama ko naman.... ito ang ipinag kait ko sakanila. Ang sakit naman.
Ngumiti ako sakanila at tinignan si Azel na nakangiti narin pala na may unting luha pa sa mukha.
Tumayo ako at lumapit kay Azel para punasan ng daliri ko ang mga luhang tumutulo sa mata niya.
Lumapit ako sa tainga niya at bumulong, "Maraming maraming salamat Papa Azel namin" Nasabi ko.
Dahil sa limang taon kong naka alis doon si Azel ang naka hanap saakin at tumulong. Ikwenento ko sakanya ang lahat at agad naman niya iyong tinanggap.
Siya ang lahat... siya ang nag mahal samin kahit ang kapalit non ay ang matinding galit ng taong kasangga niya pag nahihirapan siya.
Sa susunod ipapakilala ko na si Avrielle at Axerell kay Axel.... pero sana lang m-matanggap niya kami sana lang matanggap niya pa kami.
"You'll meet him, babies. Makikita niyo na ang Daddy ninyo. Your Daddy Axel." Bulong ko pa. Lalakasan ko ang aking loob para sa mga anak namin ni Axel.

BINABASA MO ANG
ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)
RomanceStone Axel Buencamino (Buencamino Cousins Series 1) The Dronova-Buencamino Royal Blood.