chapter 32

752 20 0
                                    

This is a freaking-damn-dream!! Hindi ko alam pero para naring nightmare na ata! Kung panaginip nga lang ito, sana hindi na ako magising. Gusto ko na rito!

Kinabukasan ay umuwi sila Mama, mag uusap daw kaming lahat. Kasama na roon ang mga magulang ni Axel.

Nang marinig nga na kasama ang Pamilyang Buencamino ay agad akong kinabahan. Ramdam na ramdam ko ang pag alis ng mga dugo ko sa mukha, sanhi para maging maputla ako. Namanhid ako.

Alam na alam ko na kinakabahan ako, oo kinakabahan nga ako.

"Anong gagawin ko?! Di ko na alam!" sigaw ko sa cellphone at kausap si Azel "Kinakabahan ako, Azel!" half shouted, half whisper lang ito. Nasa comfort room ako at nakaharap sa salamin.

Gabi na at alam kong pag natulog na ako at magising ay malapit na agad ang mga magulang ni Axel na dumating.

"Chill! Hindi naman sila nangangagat." sabi nito at mukhang maaliwalas ang mukha ngayon, damn parang nag glow ah! "At tsaka sorry nga pala, lasing si Axel nung tanungin ako. Wala akong magagawa at pinagbantaan ako e" sabi pa nito, at umalis sa camera at may kinukuha ata.

"Oo na, oo na." Sabi ko at napairap "So, sumama ka bukas ah! Nakakahiya! Nakakakaba kaya!" sabi ko rito na parang sigaw parin.

Nakabalik siya sa camera at napatingin saakin. Nag s-shave ito ng unting bigote. Malinis talaga siya sa sarili niya. "Oo, sasama ako. Wag ka nang magalala" sabi niya "mukhang hectic yung oras pero sige sige, uunahin ko ang sainyo" out of the blue moon na sabi nalang nito.

Napahinto ako sa lito sa sinabi niya, ganon rin naman siya. "Damn, I-i mean sige sige pupunta ako" agad nalang sabi nito "a-ah, good night Ivory!" pinatay agad nito ang tawag pero nakatingin lang ako roon.

The fuck, anong ibig-sabihing uunahin niya muna ang saamin ni Axel?

Argrhhhh ang gulo talaga ng lalaking iyon!

Napatigil ako sa pag iisip nang makarinig ng katok na nanggagaling sa labas ng banyo. "Velvety?" tinatawag ako ni Axel "Are you okay? Kanina ka pa dyan? Maybe two hours?" malalim ang boses nito na nasa likuran ng pinto.

Napakuha ako sa cellphone ko at mabilis na binuksan ang pinto. Naabutan ko naman si Axel na nakaupo sa higaan ko habang nakadekwatro at nakatingin saakin.

Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko at agad akong nag paliwanag. "Umm k-kausap ko lang yung kapatid mo, s-si A-Azel" panis ang ngiti ko pero pinilit kong patamisin iyon.

Napakunot ang nuo niya at napalabi, "What do you mean? Why did you two talked?" dalawang tanong na siguradong kailangan kong sagutin.

Wala namang kami diba? Bakit kailangan pa! Oo! Tama! Wala namang kami para malaman niya pa! P-Pero kasi may anak kami e! Haysst ang gulo!

Pero sa huli ay biglaang bumukas ang labi ko at kusang nag paliwanag, "Ah n-nangangamusta kasi siya!" nasabi ko "Oo tama! Nangangamusta siya, ilang araw na mula noong nagkita kami e!" nakangiti parin ako sa busangot na mukha niya.

Nanghina ang mukha niya at mukhang hindi kumbinsido saaking sinabi. Napatango-tango siya at tumingin saakin bago tumayo at lumipat sa kabilang parte ng higaan.

Yeah, nag sabi siya saakin na rito raw siya sa aking kwarto matutulog. Pinagbigyan ko na, nag salita nanaman mag isa bunganga ko e.

Napahiga si Axel nang nakatalikod saakin, naguluhan tuloy ako. Bakit naman siya nakatalikod? Haysst! Bigla nalang akong napabusangot. At hindi ko rin alam.

Padabog akong humiga sa kama, kaya tumalbog pa ang malambot na higaan. "Hmp!" nakatalikod rin ako sakaniya at pinilit ang mata ko na matulog.

Pero isang oras na ata ang lumipas ay hindi parin ako makatulog. Kaya humarap ako kay Axel na ngayon ay naka-straight na at napatakip ang braso sa noo niya.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon