That was the most crazy move. I'm facing back and forth thinking about what happened earlier. Lalabas kaya ako para pauwiin na siya? Kaso hindi naman ako tànga ano! Gabi na ngayon.
Siguro pag papahingahin ko na muna yung tao ngayong gabi... rito. Naka-lock naman siguro yung kwarto ng kambal, ano?
Sobrang lapit nila sa isa't isa at alam din ng kambal kung sino talaga ang totoo nilang Daddy.
Ang akala lang talaga ni Axel ay hindi siya kundi ang kakambal niya. Wala ka naman talagang masasabi dahil mag kamukhang kamukha si Axel at Azel. Ang dimples lang ang nagpapaalam kung paano namin sila makikilala.
Napatigil ako sa pag babalik balik at tinignan ang pintuan, puntahan ko nalang yung kambal.
Dahan dahang lumabas ako ng kwarto, tumalikod uli para masaran ang pintuan ng kwarto ko.
Nakita ko na agad ang dalawang magkatabing kwarto, ang katabi ng kwarto ko sa right side ay ang kwarto ng kambal. Habang ang katabi naman ng kambal sa right ay si Axel. Kumbaga napaggigitnaan namin ang kwarto ng kambal.
Nilapitan ko ang kwarto ng kambal at dahan dahan at walang ingay na binuksan ko ang pinto. Natulos ako sa nakita.
S-Si Axel. Nakaupo sa higaan kaharap ng kambal. Nakayuko ito at halatang nakatitig sa kambal. Mas nagulat ako ng marahang umuuga ang balikat nito, gamit ang dalawang kamay ay hinagod niya ang buhok.
Marahas na binuksan ko ang pinto, napatingin naman siya saakin. Nanlaki ang mga mata ko sa nakitang panlulumo sa mukha niya.
"A-Axel, anong g-ginagawa mo rito sa kwarto n-ng anak ko?" tanong ko at lumapit sakanya, umuuga parin ang balikat nito at halatang umiiyak pa rin kahit na nahuli ko na siya kanina sa ganoong posisyon.
Napahilamos siya halatang frustrated, "B-Bakit mo n-nagawa iyon?" napa tingin ito saakin ng di makapaniwala, "P-Paano mo sila n-natago?" napakahina na ng boses nito.
Nagsimulang pumatak ang luha ko. Nagsimula na rin akong mag tanong ng mga paano niya nalaman.
Napatayo siya at marahang lumapit saakin. Kitang kita ko kung paano mamuo ang galit sa mga mata niya.
Hindi ako natakot doon. Aam kong hindi niya ako masasaktan. Ilang taon din kaming nagsama dati at kahit kailan hindi niya ko napagbuhatan ng kamay.
Napapikit siya at napakagat ng labi dahil alam ko nang hindi niya ako kayang saktan. "F-Five fucking years." may diin ang bawat pag sambit niya at halata ang galit rito.
Napatulo ulit ang mga luhang gusto ko ng maubos saakin. Ayoko nang umiyak.
"A-Axel, l-let me e-explain" nag susumamo ang mga matang tumingin ako sakanya. "I-I'm sorry, A-Axel.." nasabi ko at ipinikit ang mga mata.
Nang magmulat ako nang mata napaurong pa ako nang lumapit ito saakin at sumunggab ng yakap. "D-Don't cry, I-I hate seeing you c-crying.." hinihimas nito ang buhok ko, napasubsob narin ako sa dibdib niya.
Deja vu. Again I heard him saying he hate seeing me crying.
"A-Axel, huwag m-mong kukuhanin a-ang mga b-bata, hah? m-mahal ko s-sila.. h-hindi ko kayang mabuhay pag wala sila sa tabi ko, Axel." napayakap ako sakanya, hindi niya naman siguro kukuhanin ang mga anak namin saakin. Ano?..
Parehas kaming humahagulgol ng may dalawang maliliit na boses kaming narinig, umiiyak iyon. Napabitaw kami sa yakap at napatingin sa pinanggagalingan ng iyak, doon namin nakita ang kambal na nakahiga't umiiyak sa kama.
Agad agad namin silang nilapitan kaso ang mga mata nila ay nakatutok lang sa kanilang Ama. Mas lumakas ang boses ng iyak nila. Napaupo si Avi at sinunggaban si Axel ng yakap.
"D-Daddy! Daddy!" Umiiyak ito habang humahagulgol sa Ama. "Dy, h-hindi ka na p-po ba b-busy?" tanong ni Avi na nagpakunot sa kilay ng Ama. Umuo si Axel at niyakap ulit si Avi, kita ko ang pag daan ng saya sa mga mata ni Avi.
Dimlight ang ilaw ng kwarto nila. Napatingin naman ako kay Axerell na halata ang irita sa mga mata. H-Halata nga dahil sa nakakunot ang nuo nito.
Tumayo siya at lumapit saakin, hindi nag tago sa likuran ko kundi pumunta ito sa likuran ko para patahanin ako. "S-Shh now, Mommy. Huwag ka na pong umiyak"
Alam na alam ko na ang sunod niyang sasabihin riyan, "I h-hate seeing you crying Mommy" Tinignan ko siya at niyakap.
ILANG minuto pa kaming nag iyakan noong gabing iyon, nasabi rin ni Axel na tatabi raw siya ng tulog sa kambal pero talagang ayaw ni Axerell, nalungkot naman doon ang Ama.
Tumabi saakin sa kwarto si Axerell. Hindi rin naman kasi kami makakatulog ng maayos kung magkasama kaya selfish na kung selfish.
Hindi rin ako agad nakatulog, napuyat nga ako kakaisip ng nangyari e, kakaiyak dahil sa lungkot na sobrang aking nadarama.
***
Tanghali na nang magising ako. As usual, kinakabahan agad ako pero maayos na ang aking pakiramdam.
Nasabi rin kagabi ni Axel na ngayon nalang kami mag uusap para mapalinawagan ang isa't isa.
Napabangon ako ng malamang wala na sa tabi si Axerell, marahil ay nasa ibaba na't yeah yeah napansin kong wala sa bedside table ang phone ko. Nag pa-deliver nanaman siguro siya.
We produce such a responsible little man and I'm actually happy with it. I never regret it too.
Inayos ko na muna ang kama bago ako nag toothbrush at hilamos sa cr ng kwarto ko.
Pababa na ako ng marinig ang TV sa sala, doon ko nakitang nanonood ng cartoons ang tatlo, nag mukha tuloy bata si Axel.
Tumikhim ako para makuha ang kanilang atensyon. Doon ako nag kamali dahil hindi ko nakuha ang kanilang atensiyon. Nakatalikod sila saakin kaya hindi ko alam kung anong reaksyon nila.
Tumuloy na ako sa pagbaba at lumapit sakanila, doon ko lang napagtantong natutulog ang tatlo nang nakaupo.
Malalaglag pa sana ang ulo ni Axel kung hindi ko lang nasalo ng kamay ko iyon.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng gumalaw ito at dahan dahang mag mulat ng mga mata. Napatitig siya saakin habang nanlalaki naman ang mga mata ko sakaniya.
Iba ang titig na iyon, at parang titig na titig siya saakin. Punong puno ng emosyon na hindi ko mapangalanan.
Naginit ang dalawang pisngi ko ko at napakagat sa labi. Tinanggal ko ang pag kakahawak ko sa pisngi niya at doon nalang rin siya nakabawi nang tingin.
"Good morning, u-mm sige k-kakain muna ako." Napatayo ako ng maayos at lumingon uli sakanya "Alam ko namang nag order si Axerell ng makakain niyo e" pag katapos ko itong sabihin ay nagmamadali akong umalis sa sala para mapunta sa kusina.
Hindi parin tumitigil ang malakas na pag kabog ng aking puso, mabilis ito at puno ng. . . pag mamahal.
Tama, pag mamahal nga iyon. At siya lang ang nakagawa ng ganoon sa puso ko.
Kumain na ako matapos ng pag d-dramang mahal ko si Axel.
"Puwede na ba tayong. . . mag usap?" napatigil ako sa pag aayos ng upuan ng marinig ang baritonong boses na iyon.
Tinapos ko ang ayos at lumingon sakaniya, "Sige, A-Axel" pagpayag ko sa tanong niya. Haysst, t*nga mo Ivory! nautal ka pa!
Napapikit ako, "Umm sa sala nalang tayo mag usap. Mauna kana susunod nalang ako" nasabi ko sakaniya, tumango siya at tinignan ako. Sinisiyasat ata kung ayos pa ako.
"A-Ayos lang ako, busog lang g-gano'n" sabi ko para hindi na siya mag tanong pa ng kung ano ano.
Napatango ulit siya at napahingang malalim, "Bilisan mo lang d'yan at sumunod kana saakin" sabi nito na punong puno ng pagiingat sa mga lalabas saaking labi. Tumango nalang din ako at huminga nang malalim bago magsimulang sundan siya.
BINABASA MO ANG
ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)
RomanceStone Axel Buencamino (Buencamino Cousins Series 1) The Dronova-Buencamino Royal Blood.