chapter 22

812 18 0
                                    

Ilang araw na ang nag daan mula noong masaksihan ko ang pangyayaring iyon. Alalang alala si mama at papa ng makita akong luhaan. Kinwento ko pa sakanila ang nangyari.

Kinagabihan non ay nalaman ni Azel ang nangyari. Dali dali rin siyang pumunta sa mansion para komportahin ang nararamdaman ko. Hindi parin naaalis saaking isip yun, syempre mahal ko e, minahal at patuloy na minahal ko na rin.

Masakit para saakin, pero tinatangay ng pagmamalasakit nila Avrielle at Axerell ang problema kong iyon.

"Mommy? Nakikinig ka po ba sa'kin?" nabalik ako sa hinaharap ng marinig si Avrielle.

Napatingin ako sakanya at nagtatanong na tumingin sakanya, "Ah eih s-sorry baby ano ulit iyon?" nakakunot pa ang ulo ko na nagtataka.

"Mommy, okay ka na po ba tayaga?" tanong niya.

"O-Oo naman baby, okay na okay si mommy! Built strong tayo e!" nginitian ko siya na parang gustong paniwalaim kasi gusto kong maniwala siyang masaya talaga ako ngayon.

Napangiti ng cute si Avrielle, lumabas ang dalawang dimple nito mukhang nakumbinsi ko siya... mabuti naman.

Pinisil ko ang dalawang pisngi niya at binuhat na siya itinabi ko siya sa natutulog niyang kapatid.

"Honey sleep na with kuya, tanghali na oh para maging big girl ka na" kumbinsi ko sakanya.

"Eih mommy big gurl nako e" sabi niya pero hindi naman umuupo, hinahayaan niya lang na nakahiga siya.

"Liit liit mo pa e, tingin mo si Axerell mauunahan ka niya sige?" pananakot ko at tumayo sa tapat ng kama nila.

Tinignan niya naman ito at napangiti, "Sige na nga, Mommy!" Agad agad niyang niyakap ang teddy bear na nasa tabi niya at ipinikit ang mata.

Maliit akong ngumiti at dahan dahang umalis sa kwarto ng kambal.

Nakababa nako ng 1st floor, ng bumukas ang pinto at iniluwa si Kitty at Eda na humahangos.

Nagulat ako at dinaluhan sila, kay Kitty ay wala lang naman pero si Eda ay mukhang naguguluhan ng sobra. Agad kong inumwestra si Kitty sa long sofa.

"I-Ivory, h-hindi ko alam yung nangyayari kay Kitty kahapon pa siya
ganyan" puno ng pag-aalala ang boses na gamit ni Eda, at sobra ang lalim nito.

Napatingin ako kay Kitty dahil sa sinabi ni Eda, nakakunot ang noo nito kay Eda at parang naiinis "Acla okay na nga ako, ang kulit mo naman" saad nito.

"W-Wait nga lang ano ba talagang nangyayari? ang gulo gulo niyo" umupo ako sa single sofa na nasa kabila at maiging pinakinggan silang mag explain.

Humingang malalim si Kitty bago nag salita "Eih kasi nitong mga nakaraang araw nakakaramdam nalang ako bigla ng pagod, nagsusuka rin ako pero tubig lang naman yung sinusuka ko" tumingin ito kay Eda na nakakunot narin ang noo.

"Nanlalambot din ako minsan tapos yun nad-delay yung period ko" pagtuloy nya, napatayo ako sa narinig.

Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig, "A-Ang ibig bang sabihin n-nito'y-" di ko na natuloy dahil nag salita agad si Eda.

"Iyan din ang iniisip ko!" napakunot ang noo ni Eda at tinignan ng masama si Kitty.

"K-Kitty, sino ang a-ama niyan?.." mahina ang tonong gamit ko rito at dumadagundong ang puso ko.

Napayuko si Kitty at biglang iniiangat ang ulo na nakangiti na, "Si... Edward!" tumili ito at sinabi ang nakatagong pangalan ni E-Eda.

Tinignan ko si Eda, ngumiti rin ito saakin pero mukhang nahihiya.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon