chapter 24

780 21 0
                                    

Bakit laging mahirap? Kailan ba ang panahon na kami naman yung sasaya? Na kami naman yung nakangiti?  Bakit kailangan laging may nasasaktan? Proseso pa ba ito o ito na yung dulo?

Kahapon ang pinakamasakit na pangyayari. Unang beses kong makita si Axel na nagmamakaawa. Masakit pala.

I know that I have chosed to give up on my own strength, and I feel like I have no more hands to hold onto anymore. I feel like I have no more hope.

I now have time to make Avrielle and Axerell feel that everything is alright again. I want them to know that their Dad is okay with everything. Even though things aren't really okay, or maybe they
will never be okay again. I have decided that maybe here is where we shall continue to stay. I have decided to start their studies here, I want them to be near to their Dad. I want them to feel the presence of their father. I want them to understand that their dad remains nearby. Kahit na alam ko namang mahirap na talaga..

We're going to the park to spend some time with the twins. I didn't tell them about the personal driver thing. Napatawa nalang ako sa isip dahil alam ko namang si Azel talaga iyon.

He wanted to come along, so I thought about... 'Why not? Could it be fun.'

"Oh, bakit ka naman mukhang natatawa diyan?" narinig kong usal niya.

Napairap nalang ako dahil sa kapilyuhan nang utak niya.

Tinignan ko ang mga bata sa likuran ang c-cute nila parehas.

Tahimik lang silang nakaupo sa backseat pero ramdam ko ang excitement sa mga ngiting nasa kanilang mga labi.

We quickly reached the park, and Azel paid the fee. There was nothing I could do to stop him from paying. I had no choice but to follow along.

"Tenchu, Papa Azey. Sa pagbabayad po!" saad ni Axerell, nagkatinginan kaming dalawa ni Azel at napangiti sa sinabi ni Axerell.

"Opo, tenchu po dahiy nandyan kayo po!" pahabol naman ni Avrielle. Azel messed up their hair.

Pero nawala rin kami sa pagtitinginan ng makitang dali daling pumasok sa malaking copper gate ang kambal. Excited na makapag laro sa parke. Patili-tili pa ang dalawa habang naghahabulan.

Nag punta kami ni Azel sa silong kung nasaan ay puno ang tatakip saiyo mula sa mainit na araw, pag tinignan mo naman ang itaas ay makikita 'mong mayroong tree house, puti ang dingding na kahoy lang at para sa mga bata talaga ginawa.

May painting pa roon na mga bulaklak na iba't ibang kulay ang petals.

Napatingin ako kay Azel na nakatingin ngayon sa kambal.

"What is it?" tanong ko na nagpakuha ng atensyon niya.

Napangiti ito at napahingang malalim, "Ikwento mo nga saakin ang nangyari kahapon, hindi na umuuwi si Axel sa bahay pero tumawag ako kay Daisy lumong lumo daw si Axel kahapon" napakunot ang noo nito.

"Ano ba ang nangyari?" tanong nito at inilipat ang tingin sa mga batang ngayon ay nag papadulas na.

Napahinga ako ng malalim kasabay ng mahabang pag k-kwento ko sakanya ng mga nangyari.

Maluha-luha pa ako sa harap niya pero bilang isang palamuning taong di ata ako mahal bilang isang kapatid ay natatawa na ito.

"Woiii dapat kino-comfort moko! Bakit ka tumatawa?!" para akong tangang paiyak na natatawa rin sakanya.

"Hindi pala para sakin mang-comfort Ivory. Ayoko! Ayoko na!" winawagayway pa niya ang dalawang kamay na parang sumusuko na.

"Wait. Cr lang ako" patawa tawa pa itong umalis.

Nakakunot kong binalingan ang kambal na ngayon ay papalapit saakin.

Kita sa mga mata nila ang saya at pananabik.

Inilabas ko ang dalawang pamunas at pulbo nila.

"Halina kayo rito" mahinahon kong tawag sakanila, patakbo silang lumapit saakin.

Pagkalapit na pagkalapit nila ay agad kong inamoy ang mga leeg, napaasim ang mukha ko.

"Hmp! Ang aasim na nang mga anak ko!" Saad ko pa na nag palabas ng dalawang dimples nila.

Matawa tawa pa sila, inuna kong tanggalan ng damit si Axerell at agad na pinunasan ang buong katawan, pinulbuhan ko pa ito at binago ang susuotin. Inamoy amoy ko pa ito.

"Mabango na rin ang Axerell na supot!" sabi ko natatawa tawa pa, napatawa si Avi sa sinabi ko napanguso pa si Axerell at agad na umupo sa bench kung san ako ngayon nakaupo.

Si Avrielle naman ang tinanggalan ko ng dress at kagaya ng kay Axerell ay pinunasan at pinulbuhan ko pa ito.

Binago ko rin ang pawisang dress niya para maging komportable pa siya, inamoy amoy ko pa ito.

"Mabango na rin ang maasim na princess ni Mommy Ivory!! Yey" napatawa silang dalawa dahil sa sinabi ko.

Habang tinatabi ko ang mga pinaggamitan ay umupo narin si Avi sa tabi ng kambal niya.

Kamukhang kamukha talaga sila ng tatay nila, walang dudang Buencamino ang dalawang batang ito ah!

Saktong nakabalik si Azel ay maayos na ang mga gamit, ako naman ang tumayo dala ang bag.

"Samahan mo nga muna ako Papa Azel. Bibili lang ng pagkain natin" nilapitan ko siya, tumango naman ito at inilabas ang kaniyang phone to call someone I don't know.

"Look for my niece's. I will make you pay if you fail your job." bulong nitong narinig ko naman.

Just a Buencamino things.

Tinignan ko ang dalawa, "Dito lang muna kayo ah, may mga magbabantay sainyo ah. Oh ito muna ang hawakan ninyo." inilabas ko ang dalawang chocolate bar at binigyan silang dalawa.

Mabilis lang akong sumunod kay Azel, na napagalaman kong tumigil rin pala kanina nang mauna na ito. Sabay kaming pumunta sa resto ng Parke, at pumila lang sa mga balak 'rin na bumili.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon