Naghahanda kami sa pag-alis. Kasama roon si Azel na tatlong taon na ngang nasa bahay namin. At kasama kong magalaga sa mga anak ko.
"Mommy, kiya Grandya at Grandyo ba tayo pupunta?" Magalang na saad ni Avrielle sa loob ng CR dahil naliligo kami ng sabay, mamaya ay sabay si Azel at Axerell.
"Opo, pupunta tayo sa bahay ni Grandlo." sabi ko habang shina-shampoo-han ang buhok niya.
Siya na ang nag kukuskos sa buhok niya kaya nag simula na akong mag sabon sa aking katawan.
"Biyisan niyo na dyan, Mommy. Naghihintay kami po ni Papa Azey dito!" Sigaw na nanggagaling sa labas ng bathroom.
"Ito na po, kuya!" Saad ko rin habang kinukuskos na ang katawan ko ng green scrub.
***
MABILIS lang kaming natapos ni Avrielle maligo, agad kaming lumabas kaya pumasok na sila Azel at Axerell sa banyo.
"Pey pey tayo di ba Mommy?" muntikan nakong matawa sa bulol na pagbigkas niya.
"It's pair pair, baby. Not pey pey, okay?" Sabi ko at inilabas ang dalawang pair na damit at slacks.
"Payehas naman 'yun, my. Bakit pa kasi kami buyoy ni axeyey e" sa pagkakataong ito ay tuluyan nakong natuwa, pag kaharap ko kase sakanya ay naka pamaywang na ito at busangot ang mukha.
"Mommy, ba't ka tumatawa? Away mo Avriyey!" Tumalikod ito saakin na parang nagtatampo kaya ang tawa ko'y nauwi sa tikom bibig.
Haysst sana pala di na ako tumawa dahil mahaba habang suyo ang mangyayare pag siya ang kausap.
***
Hindi rin nagtagal ay natapos ang tampo ni Avrielle kaya nakaalis na kami. Si Azel ang nag d-drive ng kotse, nasa passenger seat naman ako at ang mga bata ay nasa back seat nakaupo.
Kinakabahan ako ngayon dahil luluwas kami ng probinsya papuntang Manila kung asan nandoon sila Mama at Papa.
Nagpapadala parin naman sila. Minsan naman ay pumupunta sa bahay sila mama, kaya ngayon ako naman ang s-supresa sa kanila.
Matatanda na ang mga magulang ko at kailangan narin ng kalinga, pero si Papa bakas parin ang pag ka matikas si mama naman ay mukhang nasa 40s palang ang mukha kahit na nasa 50s na sila.
Ilang oras pa ang tinahak bago namin napuntahan ang mansion namin. O mansion ng mga "Gray".
"Mommy, ito po ba yung bahay niyo dati po?" Napatingin ako kay Axerell sa sinabi niya.
Nginitian ko ito at sinagot. "Opo, dito lumaki ang Mommy ninyo"
Pinindot ko lang ang door bell at naghintay nang mag bubukas.
Nang marinig ang pag bukas nito ay binitawan ko ang kamay ng dalawang bata para itaas ang kamay na s-surpresahin sila. Gagayahin din nila ako.
Agad kong nakita ang pagkagulat kila Mama at Papa. "Surprise, Mama and Papa!" Sabi ko at nginitian sila ng pagkatamis-tamis.
Ilang buwan na ba ang lumipas noong nakita namin sila, ang lalakas parin talaga nila Mama.
"Oh, Diyos ko! Sus maryosep kang bata ka!" Napangiti si mama dala nang kaninang gualt at biglaan akong niyakap. Parang wala sa tabi ko ang apo niya ah. Tama nga ang sinabi niyang ako lagi ang unang magiging prinsesa niya. Ako ang una...
Si Papa naman ay ngumiti at dinaluhan muna ang kambal at sabay na binuhat. Malakas talaga si Papa, walang kupas. "My Grandchildren!" Hiyaw nito habang humahagikhik naman ang kambal.
"Ma, hinatid kami ni Azel dito. Tumuloy na nga rin siya sa mansion nila, dahil daw sabik narin ang Nanay niyang makita siya." saad ko habang paalis na sa yakapan namin.
BINABASA MO ANG
ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)
RomanceStone Axel Buencamino (Buencamino Cousins Series 1) The Dronova-Buencamino Royal Blood.