Alex's POV
"Yes, mom... Pauwi na po ako.. Ok, bye.", pagkababa ko ng cellphone, hinanap ko agad ang car keys sa bag ko.
Nagugutom na ako. At baka mag-collapse na ako kapag hindi pa ako nakaalis dito ngayon...
Nasa basement parking ako ng company namin. Kakatapos ko lang magpasa ng natapos kong story. And glad to say that it'll be out in bookstore soon.
Nasaan ka na bang susi ka?
Gotcha! Sa wakas nahanap ko rin.
"Hello, Blaire Ally..."
"Ay, palaka!", halos mabitiwan ko ang hawak na susi dahil sa nagsalita. Sino ba yun? Napalingon ako sa bandang likod ko at nakita ko ang isang matangkad at gwapong lalaki na nakatayo doon.
"Do you like what you're seeing?", aba! Ang kapal ng apog!
"Excuse me?", kapal ng ungas na to a.
"You are Blaire Ally, right?", ha? Paano nya nalaman na ako yun? E mukhang hindi naman sya ang tipong nagbabasa ng romance novels.
"Yes.. Anong... maitutulong ko?"
"Can we talk?", lumapit ito sa kanya.
"We are already talking...", maya-maya ay biglang nag-alburuto naman ang tiyan nya. "But I dont think we can talk right now. Next time na lang. Kakain muna ako.", bubuksan ko na sana ang kotse ko ng bigla syang humarang doon.
Ano bang problema nito?
"Hindi mo ba alam na masama ang tumatalikod sa kausap?", naku naman talaga! Sa lahat ba naman ng pagkakataon, ngayon pa sya makikipagtalo. Biruin mo na ang gunggong, wag lang ang gutom!
"Excuse me, mister.. Pero kapag hindi ka umalis dyan, tatawag na ako ng guard.", ngumiti lang sya ng nakakaloko
"Konting minuto lang naman ang hinihingi ko sayo, hindi mo maibigay. Hindi ko alam na ang writer na iniidolo ng marami, suplada pala sa personal!", talaga naman! Sinasagad mo ang pasensya ko ha?
"Look... I dont know what you're problem is. Pero maayos naman ang sinabi ko sayo kanina. Saka na tayo mag-usap. Kasi nagugutom na talaga ako. Hindi pa ako nagla-lunch!"
"That's not my problem anymore. Konti lang naman ang sasabihin ko sayo e. Just want to tell to stop writing those nonsense novels. Hindi ka magandang ehemplo sa kabataan. Nilalason mo ang utak nila sa kasinungalingan ng nobela mo.", Calm down, Alex! Kahit gutom ka na at mainit ang ulo, wag kang papatol sa kanya.
"Excuse me. Pero sa tingin ko, wala kang karapatang sabihin sakin yan. Una dahil hindi tayo magkakilala. Bigla ka na lang sumulpot sa parking na to at sasabihin sakin yan. Pangalawa, dahil hindi ikaw ang nagpapasweldo sakin. So stop telling me those nonsense things!", nakakainis na talaga!
"Nagsa-suggest lang naman ako. Kung hindi mo kasi alam, nag-aaway kaming magkapatid ng dahil lang sa sinulat mo. Ang i'm sure, hindi lang ako ang nakaranas nun. Ikaw ang may kasalanan e.", aba! Malay ko naman sa problema nila no? May sapak ata ang lalaking to e.
"Really? Then I dont care! I'm just doing my job. Kaya pwede ba----------------"
"Alex!!!!", whoo! saved by Pat. Salamat naman at dumating sya.
"O, bakit?"
"Sus! Buti naabutan kita. Nakalimutan ibigay ni Ms. Shane sayo ang flash drive na yan. Nandyan daw yung soft copy ng files mo.", paliwanag nya. Mukhang tinakbo nya nga ang elevator papunta sa kotse ko. Hinihingal pa kasi sya e.
"Salamat ha? Sige, I have to go..."
"Wait lang.. Sinetch itey?", tinuro nya yung lalaki.
"Aba malay ko! Hindi ko sya kilala. O paano? Mauna na ako. Kanina pa ako nagugutom e."
"Hey, wait------"
"Bye!", sabi ko at mabilis na sumakay sa kotse. Baka humarang na naman ang kolokoy na yun at hindi na ako makaalis.
Weirdo! Isisi ba naman sakin ang problema ng kapatid nya. Nagsusulat lang ako dahil yun ang trabaho ko. Kapal ng mukha nyang sisihin ako. Hmp! As if naman no?
Ni hindi ko nga sya kilala e. Malay ko naman sa pamilya nya. Yan tuloy, dahil sa kanya, nawalan na ako ng ganang kumain. Balak ko pa naman sanang mag-food trip ngayon. GRRRRR!!!! Nakakainis talaga sya!
Hindi naman sya mukhang reader ng novel. Ilan lang sa mga kilala kong kasing gwapo nya ang nagbabasa ng mga sinusulat ko. At sigurado akong hindi sya isa doon.
Mukhang galit na galit sa mga writers. Grabe talaga... Humanda ka lang na magkita tayo ulit. Hindi na kita uurungan..
Hambog!
Kapal!
Ungas!
Feeling pogi!!!
Pero in fairness, gwapo naman talaga sya. Mayabang nga lang. Sanay na ako sa mga bashers. Pero iba ang isang yun. Mukhang gagawin ang lahat para sirain ako. Kumbaga sa botohan, handa syang i-boycott ako. Nakakainis talaga!
Hindi ko alam na napadiin na pala ang hawak ko sa manibela dahilan para tuloy tuloy na bumisina ng malakas ang kotse ko. Traffic pa naman. And I can see angry faces from the passengers in the jeepney.
hehehe.. Sorry naman.
BINABASA MO ANG
Me and Mr. Arrogant™ (To Be Published SOON.)
RomanceA romance writer met an arrogant rich guy who doesnt believe in love. Alex-- a young woman who believe that fairy tale do exist. Nakakapagtaka ba? Simply because she's a romance writer. Passion nya ang pagsusulat. At lahat ng ginagawa nya patok sa t...