Chapter 6

11.6K 171 4
                                    

Alex's POV

"O anong problema mo? Para kang inutangan ng isang milyon at tinakasan pagkatapos...", puna ni Pat sa kin. Nasa office ako ngayon. Naisip kong dito na lang magsulat. Baka sakaling maka-isip ako ng draft. Kaso wala talaga e!

"Nauubusan ako ng idea, Pat. Hindi pwede to...", namumroblema kong sabi sa kanya.

"Naku.. Natural lang yan. Bakit hindi mo kaya subukan pumunta sa ibang lugar naman? Yung tipong tahimik? Yung makakarelax sa isip mo..", oo nga no? Pero wala naman akong alam na ganung lugar.

"Saan naman?", tanong ko sa kanya.

"Sa Bulacan...", sabay kaming napalingon ni Pat kay Ms. Sophie. Nasa likod pala sya at nakikinig.

"Saan naman dun? Wala akong alam na lugar doon..", sabi ko

"Dont worry, may kakilala ako doon. Actually, balak ko rin magbakasyon doon ng isang linggo. Sumabay ka na sakin. You can stay there as long as you want.", nag-isip ako... Okay yun a. Parang gusto ko nga

"O sige.. Sasama ako..", sabi ko sa kanya

"Great! Maganda dun, makakapag-isip ka talaga ng isusulat.. Wait, ikaw Pat, hindi ka ba sasama?", mabilis na umiling sa Pat.

"Hindi, Ms. Sophie. Walang makakasama si Mama e. Hindi pa bumabalik si ate sa bakasyon..."

"Ok.. Ayusin mo na ang dadalhin mo. Bukas na tayo pupunta doon..", nagulat naman ako sa sinabi nya

"Bukas agad?"

TO BE CONTINUED...

Me and Mr. Arrogant™ (To Be Published SOON.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon