Chapter 19

9.8K 174 2
                                    

Alex's POV

"Are you sure you wanna take this project? Sa tingin ko mas maganda kung magbakasyon ka ulit", hindi ko masisisi kung nag-aalala si Ms. sophie sakin.

"Para ano? Para magmukmok? Para umiyak na naman? I'm tired of crying, ms. Sophie. And besides, kakatapos lang ng bakasyon ko." Mukhang naintindihan naman ni ms. Sophie ang ibig kong sabihin. She gently squeezed my hand.

"O sige. Ikaw ang bahala. Basta you're always free to take a leave anytime you wanted."

"Thank you."

3 weeks ago, bumalik ako sa Maynila na ikinagulat ng lahat. After that incident, hindi ko na magawang humarap kay Daine o kay Lewis man lang. I was really hurt. So decided to go home immediately. Nagdahilan na lamang ako kina Tita Beth na may emergency kaya kailangan ko nang umalis.

I felt guilty for them. Lalo na kay chelsea dahil alam kong magtatampo sya. Babawi na lang ako sa kanya. I just can't face her brother at that time. Nagpaiwan na lang si ms. Sophie noon sa kabila ng kagustuhan nyang sumabay sakin. Hindi ko na lang ininda ang hirap ng byahe. Basta ang gusto ko ay lumayo sa lugar na iyon.

It was already midnight when I reached home. Using my spare key, nabuksan ko ang bahay at agad na dumiresto sa kwarto. Nagulat pa nga si mommy ng magisnan nya ako kinabukasan. I was like asking her comfort so told her the story. Hindi nya ako hinayaang magmukmok mag isa. She was always there and checking me everytime.

And during that time, I can't help but cry every night. It was really painful on my part. Sya pa lang ang pinag alayan ko ng labis na panahon. He was my inspiration while writing that book.  

Well, hindi ko rin naman mapigilang sisihin ang sarili ko. Ako lang naman kasi ang umasa at nag-isip na pareho kami ng nararadaman. I should've know from the start na ganun sya at hindi sya marunong magseryoso.

Well, on the brighter side, at least natapos ko na ang storyang ginagawa ko ng may happy ending ang kwento. Dahil kung hindi, baka naging mala-Romeo and Juliet ang ending nun. Tragic.

"Oh... Nag-eemote ka na naman dyan. Halika ka nga. Sumama ka sakin." sabi ni Pat. In fairness, na-miss ko ang bruhang to. Pero sa halip ay tumayo ako at kinuha na ang bag

"Thanks, pat. But i'd rather go home."

"No way! Baka magmukmok ka na naman.. Kaya sumama ka na sakin Let's go!"

Hinila na ako ako ni Pat palabas ng opisina. Saan naman kaya ako dadalhin nito?

"E saan ba tayo pupunta?", tanong ko habang hila hila pa rin ni pat sa braso.

"Somewhere..." kung sa ibang pagkakataon, mag aappreciate ko pa ang idea na to ni Pat. Pero sa ngayon, mas gusto ko tlaga mag stay lang sa bahay. But having somebody whose very determined around, as if makakatanggi ako sa kanya.

Kotse ni Pat ang ginamit namin. Nang makasakay kami ay agad na nyang pinatakbo ang sasakyan.

***

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa effort ni pat. Simple ideas per na-divert naman talaga ang mga alalahanin ko sa buhay. We went to shopping. Nagpa-spa din kami at nagpaganda ng bongga. Hmmn.. In fairness, I feel like a new persn now. Pinagupitan ko ang hanggang balikat kong buhok. Ngayon, layered style na sya. Nagpabawas din si Pat at no doubt na lumabas lalo ang beauty nya. Magastos, oo. Pero hindi ko naman maramdaman. Kahit anong pilit ko kasi, ayaw naman pumayag ni Pat. Sya na raw ang magbabayad. Okay.. Sino ba naman ang tatanggi sa libre?

Matapos sa salon, pumunta naman kami sa restaurant. Loaded sa pagkain. And once again, treat ulit ni Pat. Galante yata to ngayon...

"Bilisan mo, girl. May pupuntahan pa tayo..", sabi nya habang kumakain kami.

"Hindi pa ba tapos to? Masyado na tong marami, girl.. And besides, hindi mo naman ako kailangang ilibre." Hindi na biro ang ginastos nya a.

"Hindi pa dito natatapos ang lahat. May isa pa tayong pupuntahan." She winked at me. "at wag kang mag-alala sa gastusin. Hindi sakin galing ang pera. Frlm the management to. Para matulungan kang mag-unwind."

Ayos a. Parang maternity leave lang, may bayad. Hehehe. Kaya pala parang balewala lang kay pat ang maglabas ng pera.

"Kumain ka nang marami ha? Kailangan mo ng maraming energy for later.", nagtaka ako lalo. So what's next? Ano na naman kaya ang pinaplano ng babaeng to? 

***

"Red box???" Halos mapahagalpak ao ng tawa. Akala ko naman kung saan ako dadalhin ni Pat. Sa red box lang pala. "Anong gagawin natin dito? E hindi naman tayo marunong kumanta."

"Walang basagan ng trip, sis. Besides, wala naman nakalagay dito na bawal pumasok ang hindi maruning kumanta. Kaya halika na!" Napailing na lang ako sa excitement nya.

Kumuha kami ng isang room. Gusto kong matawa sa sarili ko. Alam ko naman kasi na hindi ako kumakanta. At tanggap ko na ang katotohanang iyon. Kaya nga hindi ko ka-close ang videoke. Tapos eto namang si Pat, dito ako dinala.

"Wag kang mag-alala, tayo lang naman ang makakarinig sa magagandang boses natin. Hehehe."

"Hay naku, pat, baka masira natin ang panahon."

"Hayaan mo sya. Minsan lang yan. At may payong akong dala. Besides, nabasa ko kasi sa reader's digest na stress reliever din daw ang pagkanta."

"Sa tingin ko, lalo tayong masstress nito dahil sa boses natin."

Natawa si pat sa sinabi ko. "In fairness, may point ka. Hihihihi!"

Nang bigla kong naalala ang kinanta ni Daine noon...

She can't sing 

She can't dance 

But who cares 

She walks like Rihanna.

That hit me bull's eye. Paano nya nalaman na hindi ako marunong kumanta? Hmp!

"Hey, wag ka ngang malungkot dyan. We're here to enjoy! Come on, itabi mo muna ang mga problemang yan..." maya-maya ay pumainlang ang intr ng I will survive. "Oh, that's my song!"

Napangiwi na lamang ako nang magsimulang kumanta si Pat.. Haaaay... Just like me, kahit anong voice lesson yata ang gawin namin, hindi na gaganda ang boses ko. Haha!

Me and Mr. Arrogant™ (To Be Published SOON.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon